Kabanata I: Arthur

1.4K 54 7
                                    


Nakakasuya ang trabahong mayroon ako, ngunit ano bang magagawa ko upang maisalba ko ang aking sarili sa mundong ito? Wala akong alam na madaling trabaho at mabilis na kumita ng pera - bukod sa trabahong mayroon ako. Kahit minsan na hindi ko na masikmura ito, tanging pagtitiis na lamang ang aking ginagawa upang malampasan ang hamon ng buhay sa akin.



Gustuhin ko man na ayawan ito, ngunit saan naman ako kukuha ng pera upang ipangtustos sa mga pangangailangan ko sa araw-araw. Bukod sa pagiging callboy, wala na akong ibang maisip na puwede kong pagkakitaan ng mabilis bukod rito. Isa pa, nasanay na rin ako sa aking ginagawa. Pakiramdam ko nga, ay parang wala na lamang sa akin ang lahat.



Habang tumatagal, mas lalo kong nagugustuhan ang aking ginagawa. Bukod sa pagbibigay ng kakaibang saya at aliw mula sa aking mga kliyente, napapasaya ko rin ang aking sarili sa mga ginagawa nilang pambababoy sa aking katawan, sa aking pagkatao. Sa tuwing gagawin ko ang trabaho kong ito, pakiramdam ko ay lagi akong sasabak sa isang matinding labanan.



Napabalik na lamang ako sa aking sarili nang isang tapik ang aking naramdam mula sa taong kasama ko ngayon sa kuwarto ng Motel. Humarap ako rito at bumungad sa aking paningin ang isang medyo may edad nang lalaki. "Bakit po?" Magalang kong tanong rito. Kahit na medyo may edad na ang lalaking nakatayo sa aking harapan.



Hindi ko pa rin maiwasan na humanga sa hubog ng kaniyang pangangatawan. Hindi rin mababakas sa kaniyang itsura na may edad na ito - marahil ay napanatili niya ang kagandahan ng kaniyang pangangatawan. Bukod ro'n, masasabi kong may itsura rin ito. Pakiwari ko nga ay habulin ito ng mga kababaihan nang kabataan niya.



Naramdaman kong marahan niyang ibinababa ang haplos ng kaniyang kamay papunta sa aking dibdib. Dahil sa ginawa niyang iyon, agad akong napatingin sa kaniya. "Bakit? Hindi mo ba nagustuhan ang ginawa ko?" Tannong nito sa akin. Isang iling ang aking ginawa bilang pagsagot sa kaniyang tanong.



Hinayaan ko siya sa nais niyang gawin sa parte kong iyon. Habang tulala ako at nilalasap ang kiliti naa kaniyang idinudulot ng marahan niyang paghalos sa akin, hindi ko maiwasan ang mabuhay ng laman sa pagitan ng aking mga binti. Dahil ro'n, agad kong kinuha ang unan na nasa aking tabi at agad-agad ko itong tinakip sa unti-unting nabubuhay kong pagkalalaki.



Narinig ko namang itong napangiti sa aking ginawa. Napayuko ako sa kaniya, pakiramdam ko ay namunula ang magkabila kong pisngi. Napatingin naman ako rito ng bigla siyang magsalita sa akin, "Bago tayo magsimula, mas mainam na sigurong maligo ka," huminto ito sa kaniyang pagsasalita. Tumayo ito at naglakad papunta sa kaniyang bag na nakapatong sa side table ng kama. "Ito ang susuotin mo pagtapos mong maligo." Pagpapatuloy niya. Agad niyang inabot sa akin ang isang brief na may butas sa gitnang bahagi.



Hindi ako pamilyar sa ganitong uri ng brief - marahil ay bago lamang iyon sa aking paningin. Matapos niyang magsalita, dahan-dahan ko itong kinuha mula sa kaniya. Nang makuha ko na ang brief na kaniyang inaabot sa akin. Pinagmasdan ko aang bagay na 'yon. Sigurado ba siya na ito talaga ang aking susuotin?



Alam ko at ramdam ko na nararamdaman ako ng lalaking nakatayo sa aking harapan na mayroon akong pag-aalinlangan na suotin ang brief na kaniyang ibinigay sa akin. Kaya naman, agad itong nagwika sa akin, "Sige na. Huwag ka nang mahiya sa akin. Tayong dalawa lang naman ang naririto, mahihiya ka pa ba? Tsaka, sinasabi ko sa 'yo, na magiging masaya ka sa gabing ito.



Agad akong napangiti sa kaniyang mga sinabi. Matapos iyon, agad akong tumayo at kinuha ang tuwalya na nasa aking tabi. Naglakad na ako papunta sa palikuran. Nang tuluyan na akong nakapasok roon, maingat kong isinara ng dahan-dahan ang pintuan ng palikuran. Inilibot ko ang aking paningin sa loob, nang makakita ako ng puwedeng pagsabitan ng tuwalya. Ay agad ko itong sinabit roon.

Callboy's Duty: Arthur Rodriguez [BOYXBOY] [R+18] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon