Kabanata XXVIII: Archie

303 19 2
                                    

“Arthur! Arthur! Please… please… kumapit ka.” Habang itinatakbo namin si Arthur sakay ng medical strecher ng ambulance. Mahigpit kong hinahawakan ang kaniyang kamay.

Habang patuloy kami sa pagtakbo papuntamg Emergency Room ng hospital kung saan dinala si Arthur. Hindi ko magawang matagalan na titigan si Arthur na halos wala nang buhay.

Nang marating namin ang Emergency Roon, agad akong hinarang ng mga nurses roon. “Sir, maghintay na lamang po kayo rito. We will do our best to save your friend.”

“Please, Ms. save my boyfriend. Hindi ko kayang mawala siya sa akin,” pakiusap ko sa nurse na nasa aking harapan. Tanging pagtango na lamang ang kaniyang ginawa bago niya tuluyang isara ang pinto ng ER.

Napasandal na lamang ako sa pader ng hospital. Napaupo ako at napahawak sa aking ulo. Ano ba itong nagawa ko? Binaliwala ko si Arthur. Hindi ko man lang siya pinakinggan na mapaliwanag niya sa akin ang side niya.

Ngayong nag-aagaw buhay siya, dahip isa ako sa dahipan kung bakit nakaratay siya ngayon sa loob ng ER. Hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko. Hindi ko man lang inisip ang mga pangakong binitawan ko sa kaniya.

“Ang gago mo, Archie! Ang gago mo!” pagsuntok ko sa aking sarili. Ngayon ko lamang naramdaman ang kakaibang pangangatog ng aking katawan, hindi rin ako makapag-isip ng maayos dahil sa nangyari.

“Arthur, please, hold on. Gusto kong bumawi sa ‘yo at itama  ang mga maling nagawa ko. Please, kumapit ka—” agad akong napatingin sa taong nagsalita at hindi ko na natapos pa ang aking pagsasalita.

“Talaga?! Babawi ka at itatama ang mga mali mo?! Kung kailan nag-aagaw buhay ngayon ang kaibigan namin, Archie?! Sana, kanina mo pa ginawa! Dapat nakinig ka muna sa sasabihin sa ‘yo ni Arthur, bago ka maniwala kay Tyra!”

Hindi ko masisisi si Melody sa galit na kaniyang nararamdaman sa akin. Ako ang dahilan kung bakit nasa loob ngayon si Arthur. Deserve ko ang mga ito. Kung tutuusin, kulang na kulang pa ito bilang kabayaran ko sa nagawa ko sa taong mahal ko.

Mula sa likod ni Melody, nakita kong nakatayo roon ang aking mga kaibigan na sina Chester at Miko; kasama si Lewis. Nang magtama ang aming mga paningin, tanging pag-iling na lamang ang kanipang nagawa sa akin.

“Pinagkatiwalaan kita, Archie. Pinagkatiwalaan kita kasi akala ko… akala ko magagawa mo siyang maprotektahan,” muking napa-iling sa aking harapan si Melody, “pero, ikaw rin ang isa sa dahilan ng pag-iyak ni Arthur—kung bakit sobra ‘yong sakit na kaniyang nararamdaman.”

“Melody, hindi ko sinasa—” hindi ko na natapos pa ang aking sasabihin nang bigla ko na lamang naramdaman ang palad ni Melody sa aking pisngi.

“Wala kang karapatan na magsalita,” lumapit sa akin si Melody. Bakas sa kaniyang mga mata ang galit na nag-uugat dahil sa ginawa namin nila Tyra kay Arthur, “anong gusto mong maramdaman ko? Tanggapin ang tawad mo? Hindi, Archie. Sa ginawa mo sa kaibigan namin, at habang nakikita mo siyang nakahiga sa hospital bed. Araw-araw kang uusigin ng konsensya mo.”

“Melody, tama na. Sa ngayon, isipin muna natin si Arthur. Mas kailangan niya tayo ngayon,” marahan na hinawakan ni Lewis si Melody sa braso nito. At nang madapo ang tingin sa akin ni Lewis. Napabuntong hinga na lamang siya bago nagsalita, “ipagdasal mo lamang, Archie, na wala sanang masama o malalang mangyari sa kaibigan namin.”

Napayuko na lamang ako ng marinig ang sinabing iyon sa akin ni Lewis. Naglakad naman silang dalawa ni Melody at nang makalagpas na sila sa akin. Narinig kong muling nagsalita si Tyra, tumingin naman ako sa kaniya at pinakinggan ko ang sinasabi niya sa akin.

“Alam rin namin na pagiging callboy ang trabaho ni Arthur,” maingat nitong inalis ang kamay ni Lewis na nakahawak sa kaniya, “pero, siya mismo ang nagkuwento sa amin ng bagay na ‘yon. Oo, nagulat kami na ganun pala ang trabahong bumubuhay sa kaniya. Wala kami sa lugar para husgahan at maliitin siya. Kaibigan niya kami, dapat lammang na tanggapin namin siya ng buo.

Callboy's Duty: Arthur Rodriguez [BOYXBOY] [R+18] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon