Kabanata XIX: Arthur

192 15 1
                                    

Nagising na lamang ako dahil sa sikat ng araw na siyang tumama sa akin. Naging dahilan iyon upang aking imulat ng dahan-dahan ang aking mga mata. Bahagya kong kinusot ang mata ko, para alisin ang dumi roon. Ngunit, sa aking tuluyang pagdilat ng mga mata ko. Agad na bumungad sa aking tabi ang nakangiting Archie, na kasalukyang nakahiga sa aking tabi.

Dali-dali naman akong bumangon mula sa aking pagkakahiga. Tanging pagyuko na lamang ang aking ginawa dahil sa kahihiyan na aking nagawa ngayong umaga. “Pasensya na, medyo tinanghali ako ng gising. Nakakahiya dito pa ako nakatulog sa kuwarto mo. Pasensya na talaga.”

“Wala iyon. Alam ko naman na pagod ka, kaya nga hindi na muna kita ginising sa tulog mo,” bumangon ito mula sa kaniyang pagkakahiga at iniabot nito ang kaniyang kamay sa akin, “halika, mag-almusal na tayo. Baka nagugutom ka na.”

Nakakahiya man na abutin ko ang kaniyang kamay. Dahil pakiwari ko ay para akong babae sa ginawa niyang iyon. Pero, isinantabi ko ang hiyang nararamdamn ko. Inabot ko ang aking kamay sa kaniya, at dahan-dahan niya akong iginayak pababa sa kaniyang kama.

“Nakakahiya naman sa’yo, Archie. Uuwi na lamang ako, baka kasi naiistorbo na kita ng husto. Pasensya na rin sa abalang nagawa ko.” Paghingi ko ng paumanhin sa kaniya. Nakalabas na kami ng kaniyang kuwarto at nananatili pa ring magkahawak ang aming mga kamay.

Napahinto ako sa aking paglalakad ng bigla na lamang huminto si Archie sa aking harapan, naramdaman ko namang hinawakan niya pa ang isa akong kamay at saka ito humarap sa akin hawak ang aking dalawang kamay. “Hindi. Hindi ka istorbo rito—sa akin. Ang totoo n’yan, hindi ko alam pero ang gaan ng loob ko sa ‘yo. Natutuwa ako kapag kasama ka. Kaya, sana, dito ka lang.” Saad niya.

Napahinga na lamang ako ng malalim ng makumbinsi ako ni Archie na manatili na lamang sa kanilang bahay. Wala na rin akong nagawa kundi ang pumayag sa kaniyang kagustuhan. Habang tinutungo namin ang kusina nila, ngayon ko lamang napagtanto, na siya pa lamang ang gumawa nito sa akin.

Nang marating na namin ang kusina, agad kaming sinalubong nito at iginayak kami sa mesa. Magkatabi kaming umupo ni Archie sa dalawang bangko na magkatabi. Isa-isa namang inihahain sa amin ng kasambahay nila Archie ang pagkaing aming kakainin para sa umagahang ito.

“Mauubusan ba natin lahat ng iyan? Ang dami namang iniluto ni ate. Tayong dalawa lang naman ang narito sa mesa,” inilibot ko ang aking tingin sa mga pagkaing nakahain sa aming harapan. Nakakapagtaka lamang dahil kaming dalawa lamang ang naritong nakaupo sa hapag, ngunit napakaraming pagkain ang inihain sa amin ng kasambahay ni Archie.

Narinig ko namang napatawa si Archie sa dahil sa reaksyong ipinapakita ko sa kaniya, “Ano ka ba, Arthur? Ayos lamang ‘yan. Kung kaya mong ubusin ang lahat ng iyan, okay lamang. Ipinaluto ko talaga ‘yan, para sa ‘yo. Para mabusog ka.”

“Seryoso? Kakainin ko ang lahat ng ito? Hindi ba parang nakakahiya naman ang ganito, Archie? Hindi ko naman kayang ubusin ang lahat ng iyan,” tanong ko kay Archie.

Umiling naman sa akin si Archie at marahang niyang hinawakan ang kamay kong nakapatong sa lamesa, “Arthur, ayos lang ‘yan. Kaya, tara na. Kumain na lamang tayo, para makapagsimula na rin tayo sa assignment natin.”

Habang kumakain kaming dalawa ni Archie, hindi ko maitanggi sa aking sarili ang kakaibang tuwa at saya sa aking puso. Hindi ko akalain na may isang taong tulad niya ang tatrato sa akin ng ganito. Ito pa lamang ang unang beses ko na maramdaman ang totoo at tunay na tuwa sa aking mga labi.

Nang nilingon ko si Archie, hindi ko alam ang dapat na maramdaman ko. Pakiramdam ko ang bait-bait niya sa akin, na parang kilalang-kilala niya na ako. Bukod sa mayroon siyang nakakatakot na awra, mayroon rin siyang mabait na parte, na hindi nakikita ng ibang tao.

Ilang minuto pa ang lumipas, nang tuluyan na kaming natapos sa aming almusal. Muli kaming bumalik ni Archie sa kaniyang kuwarto upang ipagpatuloy ang aming gagawing proyekto. Nang makapasok na kami sa kaniyang kuwarto, agad kaming naupo sa kaniyang kama.

Habang abala ako sa pagtingin sa mga sulat ni Archie sa kaniyang papel, hindi ko maunawaan ang mga iyon. Nahihiya rin ako na magtanong sa kaniya. Ngunit, sa hindi ko inaasahang pangyayari, mukhang napansin ni Archie ang pagkalito ko sa kaniyang sulat.

“Arthur, ayos ka lamang ba? Kung medyo nahihirapan ka sa mga sulat ko, you can ask me anyway. I will explain it to you kapag hindi mo alam ang mga nakasullat d’yan,” tugon nito sa akin habang nakaharap sa kaniyang laptop.

Nang marinig ko iyon, bahagya naman akong nakaramdamn ng ginhawa. Kaya naman, sinamantala ko ang pagkakataon na makapagtanong sa kaniya, “Archie, ano ba ang ibig sabihin ng mga ito: introduction, objectives, literature, methodology at scope and limitations na nakalagay rito sa notebook mo.” Tanong ko

Tumigil muna panandalian si Archie sa ginagawa niya, humarap naman siya sa akin at marahan niyang kinuha ang papel na hawak ko, “Okay. Ganito iyan. Ang introduction, dito nakalagay ang lahat ng tungkol sa research na gagawin natin, tulad ng background. Sa objectives naman, dito papasok kung saan patungkop ang gagawin nating research, kung ano iyong gusto natin sagutin sa gagawin nating pag-aaral.

“Ang literature naman, siya iyong magsusuporta sa mga claims natin. Meaning, sila iyong magbibigay foundations sa pag-aaral na gagawin natin—magbibigay patunay. Methodology, dito naman papasok iyong mga ginamit nating research tools sa pagkuha ng mga detail, information at iba. At lastly, sa scope amd limitation, ito naman ‘yong parte na kung hanggang saan lang ang sasakop ang pag-aaral na ating gagawin. Maliwanag na ba sa ‘yo ang bawat isa, Arthur?”

“Ah? Ganun pala. Ngayon ko lamang kasi nakasalamuha ang ganitong gawain. Pasensya na,” napatango na lamang ako sa mga sinabing iyon sa akin ni Archie, “salamat. Kahit papaano, naunawaan ko iyong gagawin natin.”

Ilang oras pa ang lumipas, nagawa na rin naming dalawa ni Archie na matapos ang aming proyekto sa mini-research namin. Kahit pa, naging mahirap iyon sa akin dahil hindi ko naman napagdaanan ang tulad nito noong nasa high school pa lamang ako. Ngunit, nang dahil kay Archie, unti-unti iyong naging madali para sa akin na malaman at maunawaan ang aming gagawin.

Habang inaayos ko ang aking sarili, nakita ko ang sarili ko sa harap ng salaming nakalagay sa loob ng palikuran ni Archie. Habang nakatingin ako roon, kitang-kita ko ang repleksyon ko sa salamin na bakas pa rin ang ngiti sa akin labi. Hindi ko alam, pero parang iba na ata itong ngiting nararamdaman ko.

“Arthur, tapos ka na ba? Halika na, baka mahuli pa tayo sa klase natin.” Mahinang pagtawag sa akin ni Archie mula sa labas ng palikuran.

Mabilis ko namang inayos ang aking gamit at isa-isa kong isinara ang butones ng aking polo. “Tapos na ako, Archie. Sandali lamang at palabas na rin ako,” sagot ko sa kaniya. Matapos iyon, madali akong lumabas ng palikuran at agad na sinundan si Archie pababa ng bahay.

Nang nasa labas na kami ng kanilang bahay, marahang binuksan ni Archie ang kanang bahaging pinto ng kaniyang sasakyan. “Mauna ka nang sumakay, Arthur,” tumango na lamang ako sa kaniya at sumakay sa kaniyang sasakyan. “Always wear your seatbelt,” tugon nito sa akin habang isinusuot amg seatbelt sa akin.

Habang ginagawa niya iyon, naamoy ko si Archie, napakabango niya. Parang nakaka-adik ang amoy na mayroon niya. Nakakalaki ang amoy na para bang dinadala ako sa kawalan. “Ayan, ayos na,” tugon nito sa akin.

Napangiti na lamang ako matapos niyang maayos ang seatbelt ko. Matapos iyon, agad rin siyang sumakay at pinaandar ang kaniyang sasakyan. Ilang oras ang nakalipas nang marating namin ang Unibersidad. Kapwa kami naglalakad ni Archie habang nagkukuwentuhan. Napahinto na lamang ako sa aking paglalakad ng marinig ko ang kaniyang tanong.

“Arthur, kung hindi mo mamasamain ang itatanong ko,” bakas sa ekspresyon ni Archie ang pag-aalangan sa bagay na nais niyang malaman, “nasaan pala ang mga magulang mo?”

Tumingala ako sa langit, habang nakatingin ako doon. Tila parang nakikita ko ang mga magulang ko na nasa itaas—masaya nila akong binabantayan rito sa lupa, “Wala na sila. Matagal na akong walan mga magulang, nawala sila dahil sa isang aksidenteng kinasangkutan namin. Dahil doon, ako na lamang ang nag-iisang naiwan.”

“Nako! Pasensya na. Sorry to hear that. Pasensya ka na kun naitanong ko pa ang bagay na iyan sa ‘yo,” malungkot niyang paghingi sa akin ng tawad sa ginawa niyang pagtatanong sa aking magulang. Hindi ko maunwaan kung bakit niya ginawa iyon. Wala naman siyang kasalanan sa nangyaring iyon sa amin.

Tinignan ko naman siya para alisin sa kaniyang isipan ang lungkot na kaniyang nararamdaman dahil sa kaniyang narinig mula sa akin. “’Wag ka nang malungkot. Wala na iyon sa akin, matagal ko na ring nalampasan ang lungkot mula sa nangyaring iyon.” Sagot ko.

“Kung ganun, sino ang tumutulong sa ‘yo para matustusan ang mga pangangailangan mo sa araw-araw? Huwag mong sabihin na nagtatrabaho ka, habang nag-aaral?” Sa tanong na iyon ni Archie sa akin, bigla akong nakaramdam ng ibayong kaba at takot na siya agad gumihit sa aking puso.

Dapat ko na bang sabihin sa kaniya ang trabahong bumubuhay sa akin? Paano kung mandiri siya? Paano kung layuan at kutyain niya rin ako? Baka hindi ko kayanin na maging ganun ang pagtrato sa akin ni Archie.

Akmang magsasalita na sana ako ng may isang boses kaming narinig na nagsalita papalapit sa amin. Kapwa naman kaming napalingon ni Archie sa direksyon na iyon, kung saan nagmula ang boses. Nang makita namin ang taong iyon, isang Tyra ang bumungad sa aming harapan.

“You two look like a couple—a very sweet couple,” pagsasalita niya habang papalapit sa aming dalawa ni Archie, “so, kaya pala hindi mo na ako hinahabol, dahil may tao na pa lang kapalit ko? Ganun ba, Archie? Meaning, okay lang sa ‘yo kahit na tuluyan akong mawala d’yan sa puso mo—kaya mo bang makita ako sa bisig ng ibang lalaki?”

“Hindi ako ang unang nakipaghiwalay—hindi ako ang unang nagloko sa ating dalawa. At lalong wala ka sa lugar para sabihin sa akin kung ano ang dapat na gagawin ko.” Bakas sa mga mata at pagsasalita ni Archie ang galit dahil sa mga binitawang salita ni Tyra sa kaniya.

Sa mga sandaling ito, hinri ko alam kung paano ako papagitna sa kanilang dalawa. At sa nangyaring ito, sa palagay ko, lalong magagalit sa akin si Tyra dahil nakita niyang magkasama kaming dalawa ni Archie. Ngunit, nagulat na lamang ako ng may naramdaman akong palad na lumapat sa aking mukha.

Agad naman akong napahawak sa parteng iyon na sinampal sa akin ni Tyra. Dali-dali namang pumunta sa akin si Archie at marahan na hinawakan ang aking mukha, “Arthur, ayos ka lamang ba?”

Umiling na lamang ako sa kaniya bilang sagot ko. Naramdaman ko na lamang na biglang naglandas ang aking luha, marahil sa sakit na aking natanggap. Dahil sa ginawang iyon ni Tyra sa akin, nakuha namin ang atensyon ng iilang estudyanteng narito sa Unibersidad.

“Ano, Arthur, masakit ba ang sampal ko? Ganiyan ang napapala kapag inaagaw sa akin ng ibang tao ang atensyon ng boyfriend ko. At wala ka ring karapatan na sumama at kausapin si Archie, habang wala ako sa tabi niya. ‘Yan ang tatandaan mo.”

“Who do you think you are, Tyra? Wala na tayo. Dahil nang araw na nakita ko kayo ng lalaki mo, pinilit kong tapusin pati na rin ang nararamdaman ko. Wala ka na ring pakialam kung sino ang mga taong sasamahan at kakausapin ko. Dahil sa ‘yo, ikinulong ko ang sarili ko sa ‘yo.

“Ang laki ko ngang tanga, e. Naniwala ako sa ‘yo, to the point na naging sunod-sunuran na ako sa ‘yo—sa lahat ng gusto mo. Na hanggang sa nakalimutan ko na iyong sarili kong kaligayahan.”

“Bakit mo ba ipinagtatanggol ang taong iyan? Ano mo ba siya? Bakit ganito ka na lamang magmalasakit sa kaniya? Wala na ba akong halaga sa ‘yo, Archie? Wala na bang pagmamahal d’yan sa puso ang natitira para sa akin?”

Tumayo mula sa kaniyang pagkakaupo sa aking harapan si Archie. Dahan-dahan niyang hinarap si Tyra, at sa mga tinging ipinupukol ni Archie sa kaniya, bakas roon ang matinding galit. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang galit na iyon.

“Dahil boyfriend ko siya.” May riing pagkakasabi ni Archie kay Tyra. “Wala kang karapatan na saktan ang nobyo ko. ‘Wag na ‘wag mo mauulit ang pagdikit n daliri mo kay Arthur. Dahil kung hindi, ako ang makakalaban mo.”

Sa sinabing iyon ni Archie, hindi ko alam kung ano ang dapat na maramdaman ko. Bigla ko na lamang naramdaman ang mabilis na pagkabog ng dibdib ko. “Archie, a-anong… i-ibig…” hindi ko na natapos pa ang aking sasabihin ng magsalita si Archie.

“Totoo ang sinabi ko, Arthur. Ngayon, Tyra, may rason para huminto at tumigil ka sa mga kahibangan mo,” nagulat ako ng bigla na lamang hinawakan ni Archie ang aking kamay, “iba na ang minamahal ko, Tyra at hindi ikaw ‘yon.”

“Hindi! Kung inaakala mo, Arthur, na nanalo ka this time. Well, sasabihin ko na ito sa ‘yo, pagsisisihan mo ang ginawang pang-aagaw sa boyfriend ko. I will make your life miserable—I will do everything to make you pay for what you’ve stolen from me.”

Callboy's Duty: Arthur Rodriguez [BOYXBOY] [R+18] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon