Kabanata IX: Arthur

287 16 1
                                    

Ang sarap sa pakiramdam na katabi mo ang taong unang tumanggap sa pagkataong mayroon ka. Ang sarap lang na may tao na handang tanggapin ang tulad ko, sa kabila ng trabahong mayroon ako. Hindi ko alam kung ano ang nakita at nagustuhan sa akin ni Hanz. Tila, para bang isa itong bangungot sa akin na bigla na lamang may nagkagusto.

Nilingon ko ang taong katabi ko sa higaan. Malaya kong napagmamasdan ang kaniyang mukha. Hindi ko rin maitatanggi na kahit malayo ang agwat ng aming edad, naroon pa rin ang guwapo nitong itsura – na siyang nagpapadagdag sa kaniya upang magustuhan rin ng tao. Aaminin ko, sa bawat pagniniig na aming ginagawa, iba ang aking nararamdam kay Hanz.

Hindi ko maipaliwanag, ngunit may iba akong nararamdam sa tuwing sinasakop ako ni Hanz. Naputol na lamang ang aking tingin kay Hanz ng bigla itong nagsalita sa akin. “Guwapo ba ang nobyo mo, Arthur?” Bigla nitong pagsasalita sa akin.

Bahagya naman akong natawa sa naging tanong nito sa akin. Hindi ko akalain na ito ang kaniyang itatanong sa akin. Sabagay, hindi ko naman iyon maitatanggi sa kaniya. Tama siya, may angking guwapo siya na kahit na sino ay maaaring magkagusto. “Oo, naman. Kaya nga nagustuhan rin kita. Bukod sa guwapo ka na, mabait pa.” Ani ko sa kaniya.

Umayos naman ito ng kaniyang pagkakahiga at marahan na inusod ang aking katawan, padikit sa kaniya. “Alam ko naman na guwapo ako. Kaya nga, nahulog ka sa akin, ‘di ba?” Huminto ito sa kaniyang pagsasalita at deretso ako nitong tinignan sa aking mga mata. “Akin ka lang, ha? Ayoko ng may kahati sa pagmamahal mo. Gusto ko, akin ka lang – ganun rin ang katawan mo.”

Napatango naman ako sa kaniyang sinabi. “Oo. Iyong-iyo lamang ako. At huwag kang mag-alala, wala kang magiging kahati sa akin. Tanging ikaw lang at wala ng iba.” Ngumiti ko sa kaniya matapos kong magsalita.

Isang halik naman ang aking natanggap mula kay Hanz. At sa halik niyang iyon sa aking labi, ramdam na ramdam ko roon kung gaano niya ako kamahal at kung gaano siya katotoo sa kaniyang pangako sa akin. “Iyong-iyo lang rin ako. Wala kang magiging kaagaw sa akin, dahil sa ‘yo lamang ang aking puso, Arthur. Iyong-iyo lamang ako.”

“Hindi ko naman sinabi na may kaagaw ako sa ‘yo. Tsaka, may tiwala naman ako sa ‘yo, Hanz. Alam kong hindi mo ako lolokohin at ipagpapalit sa iba…” tumingin ako sa kaniyang mga mata. Habang pinagmamasdan ko ang mga iyon, hindi ko mapigilan ang aking sarili na mapadala sa mapupungay nitong mga mata. “…kaya sana, ay huwag mo akong sasaktan. Huwag mo rin akong gagawan ng kahit anong kasinungalingan. Huwag mo rin akong paiiyakin. Dahil baka hindi ko makayanan ang sakit, kapag nangyari ang mga iyon.”

“Arthur…” marahan akong niyakap ni Hanz. At sa mga yakap niyang iyon, ramdam ko ang init ng kaniyang katawan, “…hindi ko maipapangako ang mga iyan sa ‘yo. Hindi ko maiiwasan na hindi kita masaktan, na mapaluha. Ngunit, sisiguraduhin ko at sisikapin ko na unawain ka sa abot ng aking makakaya. At hayaan mo akong mahalin ka sa abot ng aking makakaya.” Ani nito sa akin.

Imbes na sagutin ko pa ang sinabi niyang iyon. Dahan-dahan akong humarap sa kaniya upang bigyan ito ng banayad na halik. Isang halik na punong-puno ng pagmamahal. At isang halik na alam kong makakapagbigay sa akin ng kasiguraduhan. “Parang gusto ko na gawin natin ulit ‘yong ginawa natin kanina?” Humiwalay ito sa aming halikan at nagulat ako sa kaniyang sinabi sa akin.

Natawa naman ako sa kaniya. Katatapos lamang namin gawin ang bagay na iyon. Hindi pa nga naaalis ang hapdi at kirot sa parte ko, kung saan ay nagsawa siyang pasukin iyon. “Hanz, puwede ba na sa sususnod na lamang natin gawin iyon? Medyo masakit pa rin ang parte kong iyon, e. Baka hindi na ako makalakad pabalik sa trabaho ko, kung gagawin natin ngayon ang gusto mo.” Ani ko rito.

Napahinga naman ito ng malalim. Kung papayag ako sa nais niyang mangyari, baka ako naman ang hindi makalakad. Aminado ako na may kahabaan at katabaan ang kaniyang pagkalalaki. Kaya nga, kung minsan ay naluluha ako kapag nararamdaman ko na iyon sa aking loob. Nakita ko naman itong tumango sa akin, senyales na sumasang-ayon siya sa naging suhestyon ko.

“Oo na, sige na. Alam ko naman na babawi ka. Ayoko lang rin naman na puwersahin ka pa. Dahil alam ko na puhunan mo ang katawan mo,” muli ako nitong hinalikan sa aking labi. Napangiti naman ako dahil nauunawaan niya ang trabaho ko. “I know that your work, isn’t never been easy. It seems so difficult for you to deal with, but, just go with the flow. And, I actually understand you. Kailangan mo rin ng sapat na pahinga.”

Hindi ko man maunawaan ang iba niyang sinabi. Ngunit, sapat na sa akin ang naiintidihan niya ako, lalo na ang trabahong mayroon ako. Hindi ko maiwasan na kiligin sa kaniyang mga sinabi. Pakiramdam ko, ay namumula na ang magkabila kong pisngi. Kaya naman, bahagya akong yumuko sa kaniyang harapan upang itago ang aking mukha.

“Salamat sa pag-unawa sa akin, Hanz. Pasensya na talaga, ha?” Paghingi ko rito ng paumanhin. Tumango naman ito sa akin habang marahan niyang hinahaplos ang aking likurang bahagi. “Siya nga pala, kailan mo ako balak ipakilala sa anak mo? Hindi na ako makapaghintay na makilala siya.” Pagpapatuloy ko.

Bigla na lamang natahimik si Hanz ng tanungin ko ito kung kailan niya ako ipakikilala sa anak niya. Nakita ko rin itong yumuko sa aking harapan. At sa nakikita ko, bahagya akong nakaramdam ng pag-aalala sa kaniya. “Ayos ka lamang ba, Hanz? May nasabi ba akong masama na hindi mo nagustuhan? O, may nagawa akong mali na ikinagalit mo?” Sunod-sunod na pagtatanong ko rito.

Tanging pag-iling lamang ang kaniyang ginawa bilang pagsagot sa akin. Hindi ko alam, ngunit nakaramdam ako sa kaniya ng pagkadismaya. Ang buo kong akala ay ipakikilala niya ako sa kaniyang anak – oras na naging opisyal kaming dalawa. Bigla na lamang tumayo sa aking tabi si Hanz at nananatili pa rin itong walang kibo.

Agad niyang kinuha ang kaniyang mga damit at agad niya itong mga sinuot. Bigla na lamang akong nagtaka sa naging kilos niya matapos ko itong tanungin ukol sa kaniyang anak. Nang wala pa rin akong naririnig na salita mula sa kaniya, muli akong nagwika rito. “Ayos ka lamang ba, Hanz? May nasabi ba ako na hindi mo nagustuhan?”

Tila parang wala itong naririnig. Ito na ang pangalawang beses na inulit ko ang aking tanong sa kaniya ngunit, wala pa rin akong nakukuhang sagot mula rito. “Wala. Siya nga pala, mauuna na ako. Nakalimutan ko na may gagawin pa pala ako sa opisina. Mauna na ako, Arthur.” Agad itong lumabas ng kuwarto matapos siyang magpaalam sa akin.

Napahinga na lamang ako ng malalim sa naging kilos sa akin ni Hanz kanina. Tumayo na rin ako at isa-isang isinuot ang aking mga damit. Matapos iyon, kinuha ko na rin ang aking gamit at pumunta na lamang sa Bahay-Aliwan. Habang naglalakad ako, hindi ko lubos maisip kung mayroon ba akong mali o masama na nasabi sa kaniya. Wala namang mali sa naging tanong ko sa kaniya kanina. Ngunit, bakit naging ganun siya sa akin kanina?

Ilang minuto rin ang aking itinagal sa paglalakad papunta sa Bahay-Aliwan. Hindi naman malayo ang motel na aming pinuntahan kagabi ni Hanz mula rito sa Bahay-Aliwan. Nang papasok na ako, bigla ko na lamang napansi ang aking kaibigan na si Ryan, na nakaupo sa gilid at malalim itong nag-iisip.

Hindi na ako nagdalawang-isip pa, agad ko itong nilapitan upang tanungin kung ano ang nangyayari sa kaniya. “Ryan, ayos ka lamang ba? Parang ang lalim ata ng iniisip mo? May nangyari ba?” Sunod-sunod kong tanong rito.

Hindi ko maiwasan na mag-alala sa tuwing nakikita ko siyang ganito. Para bang hindi kaya ng kalooban ko, na may kaibigan akong dumadaan sa pagsubok. Pakiramdam ko’y tanging pagsasabi lamang nila ng kanilang problema ang tangi kong magagawa upang matulungan sila sa mga pinagdaraanan nila sa buhay.

Napayuko naman si Ryan sa naging tanong ko sa kaniya. Pakiramdam ko tuloy na malaki ang problema na hinaharap niya ngayon. “Arthur, masama ba akong kapatid? Makasarili ba ako? Kaya ko naman ginagawa ang lahat ng ito, ay para sa kanila. Para maibigay ang lahat ng pangangailangan nila.” Bigla ko na lamang nakita ang unti-unting pagdaloy ng mga luha ng aking kaibigan sa kaniyang pisngi. 

Umupo ako sa kaniyang tabi. Marahan kong hinaplos ang kaniyang likod upang pagaangin ang bigat na kaniyang nararamdaman. “Hindi, Ryan. Kahit kailan, hindi ka naging ganun. Sa lahat ng kaibigan ko, ikaw ang pinakamabait. Ikaw rin ‘yong tipo ng kaibigan na, uunahin ang iba bago ang sarili. Wala akong nakikitang mali sa mga ginagawa mo, Ryan.”

“Ang bigat lang sa puso, na ginagawa ko na ang lahat – pero hindi pa pala iyon sapat para sa kanila. Halos isangla ko na ang katawang lupa at kaluluwa ko sa demonyo, para lamang matustusan ang pang-araw-araw na gastusin. Halos wala ng matira sa akin, pati dignidad at pagkatao ko ay wala na rin.”

“Ryan, ano ba talaga ang nangyari? Hindi ko na tatanungin kung ayos ka lamang. Kita at ramdam ko naman sa ‘yo na hindi. Puwede ko bang malaman kung bakit ka nagkakaganito? Ano ‘yong dahilan o rason kung bakit ka nasasaktan ngayon?”

“Noong nakaraan kasi, naisipan kong umuwi sa bahay. Nadatnan ko roon ang panganay kong kapatid na nagwawala. Habang ang aking ina naman ay nagagalit. Ayon ang iniiwasan kong mangyari, ang magalit ang aking ina. May sakit siya at bilin ng doktor na iwasan itong magalit ng husto,” tumigil ito sa kaniyang pagsasalita.

Nananatili pa rin akong walang kibo at nakatitig lamang kay Ryan. Muli itong nagpatuloy sa kaniyang pagkukuwento sa akin. “Nag-away kami ng kapatid ko. Hindi ko napigilan ang sarili ko na masaktan siya. Dahil…sobra na ang ginagawa niyang perwisyo sa buhay namin, sa buhay ng aming ina. Wala na siyang nagawang maganda, kundi ang bigyan kami ng sama ng loob at problema.”

“Kaya ba may mga sugat at pasa ka sa labi mo? Ay dahil sa nangyaring pag-aaway ninyo ng kapatid mo?” Simple kong tanong rito. Tumango naman ito sa akin bilang pagsang-ayon niya. Napa-iling na lamang ako sa naging tagpo ng aking kaibigan sa kaniyang kapatid.

“Ryan, hindi ako magaling sa pagbibigay ng mga pangaral. Ngunit, tanging paalala lamang ang maitutulong ko sa iyo,” humugot muna ako ng isang malalim na paghinga bago ko tuluyang ipagpatuloy ang aking sasabihin. “Walang mali sa ginawa mong pagtutuwid sa panganay mong kapatid – lalo na, kung mali na talaga. Ang akin lang, kung kaya namang idaan sa mabuting usapan, at kung maiiwasan ang dahas. Mas mainam na ganun na lamang ang gawin mo. Nasa sa kaniya na iyon, kung makikinig siya o hindi.”

Isang yakap naman ang aking naramdaman matapos kong sabihin ang mga iyon kay Ryan. Napangiti naman ako ng bahagya kong nabawasan ang bigat na nararamdaman niya sa kaniyang dibdib. “Salamat ng marami, Arthur. Kung wala ka, hindi ko alam kung paano ko malalabanan ang matinding emosyon na siyang nagsisimulang lumukob sa akin. Buti at nariyan ka. Handang makinig sa akin.” Ani nito sa  akin.

Magsasalita na sana ako ng bigla akong natigilan. Sabay kaming napalingon sa dereksyon kung saan nagmula ang boses na siyang tumawag sa aking pangalan. “Arthur, puwede ba kitang makausap sandali?” Tumambad sa amin si Boss Adam kasama ang kaniyang kanang kamay na si Cherry.

Kapwa kami nagkatinginan na dalawa ni Ryan. Nangungusap ang mga tinging iyon sa akin ni Ryan, ngunit bikit-balikat ko itong sinagot. “Ano po iyon, Boss Adam? May ipagagawa po ba kayo sa akin?” Magalang kong pagtatanong rito.

Ngumiti naman ito sa akin bago siya nagsalitang muli. “Gusto mo talagang makapasok muli sa kolehiyo, ‘di ba? Kung ganun, may ibibigay ako sa ‘yo.” Inabot nito ang isang sobre na puti sa akin.

Nagtaka naman ako sa kaniya kung bakit niya ako binigyan ng sobre. Ano ba ang kinalaman nito sa kagustuhan kong makabalik sa kolehiyo? “Ano po ito? Hindi pa naman po sahod ngayon, ‘di ba po?”

“Open it and you’ll see it.” Matapos niyang sabihin iyon, ay agad rin itong umalis sa aming harapan. Agad ko iyong binuksan at nagulat ako sa aking nakita. Hindi ako makapaniwala na kaya niya akong bigyan ng ganitong halaga. Sobrang laki ang magiging tulong nito para  sa akin.

Callboy's Duty: Arthur Rodriguez [BOYXBOY] [R+18] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon