Kabanata VII: Archie

420 27 1
                                    

Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin ang mga salitang binitawan sa akin ng aking ama. Hindi ko akalain na sa sarili niyang bibig iyon manggagaling. Kung ituring niya ako, ay parang hindi niya ako sariling anak. Nakakasakit lamang sa loob dahil kahit minsan, hindi ko naramdaman ang pagiging ama niya sa akin.

Ni kahit minsan, hindi ko naramdaman na may ama ako sa aking tabi, habang lumalaki at nagkakaisip ako. Palaging mainit ang kaniyang dugo sa tuwing nakikita at nakakasama niya ako. Kaya minsan, mas ninanais ko na lamang na wala sa aming bahay upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan namin ng aking ama.

Napabalik na lamang ako sa reyalidad ng marinig kong nagsalita si Tyra sa aking gilid. Napatingin naman ako sa kaniya at bakas sa kaniyang mga mata ang matinding pag-aalala nito sa akin. “Archie, ayos ka lamang ba? Kanina ka pa walang kibo, simula noong dumating tayo rito sa Luneta. Ayos ka lamang ba talaga?” Sunod-sunod na pagtatanong nito sa akin.

Napa-iling naman ako rito. Hinawakan ko ang kaniyang kamay. Mula noon hanggang ngayon ay wala pa ring kupas sa lambot ang kaniyang kamay. Ito ang lagi kong gustong gawin, ang hawakan ang kaniyang kamay. Dahil kapag ginagawa ko ang bagay na iyon, napapagaan nito ang aking pakiramdam.

“Wala naman, Tyra. Napapa-isip lamang ako sa mga sinabi sa akin ng papa ko,” huminto ako sa aking pagsasalita. Napatingin ako sa kalangitan. Hindi ko alam kung paano ko ito sasabihin kay Tyra. Na kahit ako, ay nahihirapan sa sitwasyon namin ng sarili kong ama. “Hindi ko tuloy minsan maisip, kung talagang anak niya ba ako? O, hindi. Hindi ko rin masisisi ang sarili ko, kung minsan, ganun ang pumapasok sa isip ko.”

Naramdaman ko naman ang marahan na paghaplos ni Tyra sa aking likod. Sa ginawa niyang iyon, bahagya akong nakaramdam ng pag-gaan ng pakiramdam. “Archie, huwag mong isipin na hindi ka anak ng papa mo. Siguro, ganun lamang talaga siya. Dahil gusto niya lamang na maging maayos ka…” Pero, hindi ko ramdam na ganun ang gusto niyang iparating sa akin, na ganun ang nais niyang gawin sa pagtutuwid sa ugaling mayroon ako. “ …alam mo, walang magulang ang nais na mapasama ang anak. Marahil, kaya ganun ang papa mo, dala na rin siguro ng pagod niya sa kaniyang trabaho. Unawain mo na lamang siya.”

“Sa totoo lang, kahit minsan, hindi ko naramdaman na naging Ama siya sa akin. Hindi ko naramdaman na may Ama akong kasama habang lumalaki at nagkaka-isip ako. Pakiramdam ko, ang layo-layo ko mula sa kaniya. Parang ibang tao nga ang turing niya sa akin. Minsan, kapag magtatanong ako sa kaniya, lagi siyang nakasikmal sa akin. Hindi ko alam kung bakit ganun na lamang ang galit at inis niya sa akin.”

“Archie, may ganun talagang magulang minsan. Pero, hindi natin mai-aalis sa kanila na kaya ganun na lamang ang trato ng papa mo sa ‘yo – marahil ay gusto niya lamang na makita mo ang mali sa sarili mo. Archie, huwag mong bigyan ng maling kahulugan ang ginagawa ng papa mo sa ‘yo.” Ani nito sa akin.

Napayuko na lamang ako kay Tyra. Ewan ko. Pero, hindi ko mapaliwanag sa aking sarili kung ayon nga ba ang nais ng aking papa. Na ginagawa niya lamang iyon para sa ikabubuti ko. “Kaya tayo nagpunta rito sa Luneta, para mamasyal at maglibang. Hindi para isipin ang mga problema natin. Tama ba ako, Archie?” Napatango na lamang ako sa kaniya, senyales ng aking pagsang-ayon.

“Tama ka. Pasensya na kung sinira ko ang lakad nating ito.” Paghingi ko ng paumanhin sa kaniya. Isang ngiti naman ang kaniyang ibinigay sa akin. Nang makita ko ang ngiti niyang iyon, agad rin sumilay sa aking labi ang ngiting hinahanap ni Tyra sa akin.

Nagulat na lamang ako sa kaniyang ginawa nang bigla na lamang ako nitong hinila patayo sa aming kinauupuan. Naging lakad-takbo ang aming ginawa. Wala akong ideya kung saan niya ako dadalhin, kaya naman, nagpaubaya na lamang ako sa kaniya. “Tara, Archie! Doon tayo sa may kalabaw.” Ani nito sa akin.

Habang papunta kami sa lugar na kaniyang sinasabi, hindi ko maiwasan ang humanga sa babaeng kasama ko ngayon. Ngayon ko mas nakikita ang kagandahan ni Tyra. Parang tumigil ang bawat segundo ko ng lalo ko pa itong napagmasdan ng malapitan. “Ang ganda talaga rito, no? Ang raming taong narito at namamasyal. Archie, dalasan natin ang pagpunta rito sa Luneta. Alam ko na medyo malapit itong pasyalan. Ngunit, hindi ko pa rin maitatanggi, napupukaw nitong lugar na ito ang aking interes.”

Napatingin naman ako sa kaniya ng bigla itong nagsalita. Napangiti naman ako sa kaniyang sinabi sa akin. “Oo naman, bakit hindi? Alam ko naman na paborito mo ang lugar na ito. Kung ito ‘yong isa sa magpapasaya sa ‘yo, handa akong gawin ito maging masaya ka lamang.” Saad ko rito.

Agad naman akong nakatanggap sa kaniya ng isang mahigpit na yakap. Dahil sa ginawa niyang iyon, sinagot ko na rin ang pagyakap na kaniyang ginawa. Binigyan ko rin ito ng isang halik sa kaniyang ulo, na siyang naging dahilan upang mapangiti ito. “Salamat, Archie. Kahit sa simpleng lugar mo lamang ako dalhin. Hindi naman ako magrereklamo,” huminto ito sa kaniyang pagsasalita.

Kumalas ito sa pagkakayakap sa akin. At tinignan niya ako ng deretso sa aking mga mata, “Simple places makes my heart happy. Walking together under the lights in the road, eating together of streetfoods and having fun with each other while seeing a sunset. Lahat ng iyon, Archie – ayun lamang ang magpapasaya sa akin.” Ani nito sa akin.

Nang marinig ko ang mga iyon, lalong nahulog ang loob ko sa kaniya. Napakasimpleng babae niya talaga. Sa lahat ng babaeng nakilala ko, tanging si Tyra lamang ang walang arte sa katawan. “Tyra, sapat na sa akin na makita kang masaya. Lahat ng gusto mo, lahat ng magpapasaya sa ‘yo ay gagawin natin. Susuklian ko ang pagmamahal na ibinibigay mo sa akin. I love you, Tyra.”

“I love you, too, Archie.” Simpleng sagot sa akin ni Tyra. Matapos iyon, muli ako nitong hinila papunta sa fountain na may mga tubig na nagsasayaw, bukod pa roon, ang mga tubig na iyon ay mga ilaw na siyang nagpapaning-ning sa gabi. Napahinto kaming dalawa roon at sabay naming pinagmasdan ang dancing water fountain. “Ang ganda rito, no? Ang lamig, ramdam na ramdam ko ‘yong mga talsik ng tubig na nagmumula sa fountain. Isa pa, ang rami ring taong nanunood rito.”

“Oo nga, e. Bukod sa atin, may mga magpamilya ring narito. May mga magka-kaibigang nagkukulitan habang mga nanonood. May mga magkarelasyon na tulad natin ang narito rin. Ito na ata ang pinakamagandang gabi na naransan ko, kasama ka.”

Nakita ko namang napapikit ito habang dinaramdam ang lamig ng tubig na siyang tumatama sa amin. “Alam mo, Archie? Ang pagtalsik ng mga tubig na ito, ay parang relasyon ng tao,” Ani nito.

Napakunot noo naman ako sa naging pagsasalita niya sa akin. “Huh? Paano naman naging relasyon ng tao ang patak at talsik ng tubig?” Pagtataka kong tanong rito.

“Ang patak ng tubig, maihahambing sa relasyon ng tao. Minsan dere-deretso, madalas putol. Pero, pagbumagsak na sa kalupaan, doon lamang nabubuo. Parang relasyon, sa una, puro pagsubok. Sa katapusan, magiging maayos at nagiging isa na.” Napatingin naman ito sa akin. Sa mga tingin niyang iyon, mababakas roon ang seryoso niyang pagsasalita.

Akmang magsasalita na sana ako, nang biglang may isang boses ang tumawag sa aking pangalan. Sa hindi ko inaasahang pagkakataon, sabay kamin napatingin ni Tyra sa boses na nagsalita, “Archie, ikaw pala iyan. Hindi kita nakilala, akala ko ay kung sino lamang iyong nakatayo.” Nagulat ako ng si Kayleigh ang aming nakita.

“Sino ka naman? Kilala ka ba namin?” Magkasunod na tanong ni Tyra kay Kayleigh. Agad namang tumingin sa akin si Tyra matapos niyang tanungin si Kayleigh. Hindi ko alam kung paano ko ipaliliwanag kay Tyra ang bagay na ito.

“Siya si Kay—” Hindi ko na natapos pa ang aking pagsasalita nang biglang magpakilala ang babaeng nasa aming harapan ni Tyra.

“It’s me, Kayleigh. I was his first ever ex-girlfriend. And, you must be Tyra, right?” Agad akong napalingon sa gawi ni Tyra. Nang makita ko ang kaniyang ekspresyon, alam ko ang kaniyang nararamdaman. Nagsisimula na itong mag-init dahil bakas sa kaniyang maputing balat ang pagiging kulay pula na nito ngayon.

Nakita ko namang napangiwi at napairap si Tyra kay Kayleigh nang matapos na itong magpakilala sa amin. “Yes, I am his current girlfriend. What brought you here? Stalking your ex-boyfriend?” Nang marinig ko iyon, agad kong inawat si Tyra sa nagsisimula nitong pagtataray kay Kayleigh.

“No. Napadaaan lamang ako rito. I didn’t expect na kayo pala ang makikita ko sa lugar na ito,” huminto ito sa kaniyang pagsasalita at deretso niya akong tinignan sa aking mga mata, “Alam ko, Archie. Kahit hindi mo sabihin sa akin, alam ko kung gaano ka na kasabik sa mga haplos ko, sa mga labi kong nagpapa-init sa ‘yo ng husto.”

Matapos magsalita ni Kayleigh, nagulat ako sa ginawang iyon ni Tyra. Hindi ako agad nakagalaw ng bigla nitong sampalin ng malakas si Kayleigh sa kaliwang pisngi nito. “Serves you right, bitch. Ayan ang napapala ng mga malalanding tulad mo. Hindi mo ba nakikita? May girlfriend na ‘yong tao, tapos sasabihin mo ang mga kalandian mo noong kayo pa?”

“Bakit? Masama bang ipaalala sa ex ko, kung gaano siya nabaliw sa akin? Kung gaano niya ako sinamba noong kami pa? I bet, hindi niya sinabi sa ‘yo na may nauna bago naging kayo,” napahimas naman si Kayleigh sa parte na sinampal ni Tyra. Matapos iyon, nakita ko kung paano ito napangiti habang haplos-halpos ang kaniyang pisngi. “Ikaw man ang kasalukuyang nobya ni Archie. Hindi pa rin natin maiaalis sa kaniya, na sa akin siya unang naging masya, una siyang umungol sa akin.”

“Manahimik ka! Sabihin na nga natin na ikaw ang una sa lahat ng aspeto ni Archie. Ngunit, huwag mo ring itanggi – na kayang-kaya kaya kitang palitan at burahin ang lahat ng pinagsamahan ninyong dalawa. Hindi lang sa kaya ko, hihigitan pa kita.” Sa mga sinabing iyon ni Tyra, bakas roon ang buong determinsayon niya na patuyan kay Kayleigh ang sinabi niya.

“I wanna see how your determination works,” ani ni Kayleigh kay Tyra, na siyang mas nagpa-init sa ulo ng isa. “Anyways, I have to go. Napadaan lamang ako rito dahil nakita ko si Archie. By the way, see you soon, Archie. Labas tayo minsan.” Matapos niyang magsalita. Agad itong tumalikod sa amin at mabilis na nilisan ang lugar.

Nang tuluyan ng nawala sa aming paningin si Kayleigh, agad akong tinignan ni Tyra ng masama. “Bakit hindi mo sinabi sa akin ang tungkol sa inyong dalawa? All this time, ang buo kong akala – ako ang una mo. But, I was wrong thinking that freaking way, Archie.”

Napahawak na lamang ako sa aking mukha, ng magsimula na namang uminit at magalit si Tyra. Ito ang isa sa pinaka-ayaw kong mangyari. Dahil mahirap itong pigilan sa nais niyang gawin. “Tyra, please? Pinagtitinginan na tayo ng mga tao rito. Ple—” Hindi ko na natapos pa ang aking sasabihin ng bigla itong nagsalita.

Dahil sa ginawa niyang iyon, tuluyan na naming nakuha ang atensyon ng mga taong naririto sa lugar na ito. “Pinapatigil mo ko? Bakit, Archie? Nahihiya ka ba sa kanila? Pero, sa akin na nobya mo, hindi? You’re unfair, Archie.”

Sa mga sandaling ito, hindi ko na muna pinansin ang emosyon at nararamdaman ni Tyra. Agad ko itong hinila at dinala sa lugar na kung saan ay walang gaanong tao. “No, am not unfair. Kaya ko hindi sinabi sa ‘yo, ang tungkol sa bagay na ‘yon. Dahil matagal na kaming tapos. Matagal na kaming wala.”

“Pero, hindi mo pa rin sinabi sa akin? Hindi mo ba nakita kanina, kung paano niya ako maliitin sa harap mo? Hindi mo ba  napansin…na sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya. Ramdam na ramdam ko pa rin doon na may nararamdaman pa rin siya sa ‘yo. Paano ako titigil? Kung alam kong may umaahas pala sa nobyo ko?”

Napahinga na lamang ako ng malalim. Ito ang ayokong mangyari. Ang magkasagutan kaming dalawa dahil lamang sa isang bagay na matagal ng tapos. “Please, try to understand me. Matagal na kaming tapos ni Kayleigh. Oo, minahal ko siya, noon. Pero, iba na ‘yong ngayon. Ikaw na ang mahal ko at ayon ang mahalaga.”

“Hindi ko alam kung dapat pa ba akong maniwala sa sinasabi mo ngayon, Archie. Kaya mo lang siguro ako minahal, dahil nakikita mo sa akin si Kayleigh. Alam mo ba…?” Huminto si Tyra sa kaniyang pagsasalita at pinunasan ang mga bakas ng luha sa kaniyang mga mata. “…habang nagsasagutan kaming dalawa. Kitang-kita ng dalawang mata ko, ang pagkakapareho naming dalawa. Kaya, Archie, hindi mo ako masisisi kung ayon agad ang napuna ko.”

Napayuko na lamang ako sa naging argumentong iyon sa akin ni Tyra. Hindi ko maintindihan, ngunit parang sampal iyon sa akin ng sabihin ni Tyra ang bagay na ‘yon. Hindi ko alam, ngunit may ilan sa kaniyang sinabi ang totoo.

“Tyra, hindi naman sa ganun. Hindi totoo ‘yang mga sinasabi mo. Minahal kita dahil sa ikaw. Nagustuhan kita dahil gusto kita. Mahirap bang unawain ang bagay na ‘yon?” Ani ko rito.

Napatingala naman si Tyra, alam ko na sinusubukan niyang huwag tumulo ang luha mula sa kaniyang mga mata. “Sobrang daling unawain,” huminto ito sa kaniyang pagsasalita at nagsimula itong maglakad papalayo sa akin. “Ngunit, sobrang hirap paniwalaan.” Wala na akong nagawa kundi ang magpatalo na lamang sa argumento sa pagitan naming dalawa.

Napahawak na lamang ako sa aking ulo dahil sa mababaw na dahilan na siyang ikinagalit ni Tyra sa akin. Hindi ko rin naman inaasahan na narito rin pala si Kayleigh. Kung alam ko lamang na mangyayari ito, hindi na sana ako pumayag pa sa ideyang iyon ni Tyra.

Umiiling akong sinundan si Tyra na medyo malayo na sa akin. Naging lakad-takad ang aking ginawa upang mahabol ang babaeng mahal ko. Hindi ko hahayaan na magduda sa akin si Tyra ng dahil lamang sa mga sinabi ni Kayleigh sa kaniya.

At hindi rin ako magsasawa na ipaunawa at ipaintindi sa kaniya na wala na kaming dalawa ni kayleigh. At siya na ngayon ang mahal ko. Kahit mahirap, gagawin ko iyon huwag lamang masira ang aming relasyon na dalawa.

Callboy's Duty: Arthur Rodriguez [BOYXBOY] [R+18] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon