Kabanata XI: Arthur

241 16 1
                                    

Habang inililibot at inaabala ko ang aking sarili sa pagtingin sa mga taong narito sa loob ng classroom. Hindi ko maiwasan ang mapahanga sa ganda at guwapo nilang taglay. Hindi rin nakaligtas sa akin ang maaayos at desente nilang itsura at pananamit. Ganito ba talaga ang estudyante rito sa Unibersidad na ito? Masyado silang pormal makipag-usap.

Gumagamit kasi sila ng salita na hindi ko pa naririnig. O, ‘di kaya ay, narinig ko na ngunit hindi ko maunawaan dahil Ingles ang kanilang gamit sa pakikipag-usap. Hindi naman ako sa mahina ang aking ulo. Nauunawaan ko naman kahit pa-paano ang salitang Ingles. Ang kaso nga lang, hindi ko magawang makapagsalita gamit ang lingguwaheng iyon dahil natatakot akong mahusgahan ng iba.

Habang abala ako sa paglilibot sa loob ng silid. Hindi ko namalayan na may tao na pa lang nakaupo sa aking magkabilang gilid. Bumalik na lamang ako sa aking sarili ng biglang magsalita ang lalaking nasa kanang bahagi ko. “Hi! Kumusta ka?” Tanong nito sa akin habang nakangiti ito.

Napatango naman ako sa kaniyang tanong. Nag-aalangan ako na sagutin siya sa kaniyang tanong sa akin dahil nahihiya ako sa kaniya. Ngunit, kabastusan naman kung hindi ko iyon sasagutin. “Maayos naman. Arthur. Arthur ang pangalan ko.” Ani ko rito.

Tumango naman ito sa naging sagot ko sa kaniya. “It’s nice to meet you, Arthur. Pasensya na, ha? Madaldal talaga ako. Gusto ko kasi may kaibigan agad sa unang araw pa lang ng klase,” huminto naman ito sa kaniyang pagsasalita at may kinuha sa kaniyang bag. “Ayan. Bigay ko ‘yan sa’yo. Simbolo na simula sa araw na ito, magkaibigan na tayo.” Inabot nito sa akin ang isang ballpen na kulay itim.

Panigurado ako na medyo mahal iyon. Kaya naman, agad ko iyong isinauli sa kaniya. “Teka! Okay lang naman kahit hindi mo ibigay sa akin iyan. Masaya ako na may kaibigan rin ako rito. Tsaka, mukhang mamahalin ang ballpen mo, kaya hindi ko iyan matatanggap.” Saad ko rito.

“Ano ka ba, Arthur? Hindi ko naman pinababayaran sa ‘yo ang ballpen ko na ito. Bigay ko ‘yan, okay? Ibig sabihin, simbolo iyan ng bagong pagkakaibigan nating dalawa,” Muli niyang inabot sa akin ang ballpen na ibinigay ko sa kaniya. “Siya nga pala, Lewis. Lewis, your dearest friend.” Natawa naman ako sa naging pagpapakilala sa akin ni Lewis.

Sabay kaming napatingin sa kaliwang bahagi ko ng biglang umubo ang babaeng nasa aking tabi. “Miss, ayos ka lamang ba? Mukhang inuubo ka?” Tanong ko sa babaeng nasa tabi ko.

“Mga siraulo!” Nagulat ako ng bigla kaming sigawan na dalawa ni Lewis ng babaeng nasa aming tabi. Dahil sa ginawa niyang pagsigaw sa amin, nakuha namin ang ilang atensyon ng iilang estudyanteng narito sa loob ng silid. “Siyempre, biro lang na inubo ako. Siya nga pala, magpapakilala na ako kahit hindi ninyo ako tinatanong.” Nakita naman naming dalawa ni Lewis ang pagbuntong-hininga nito bago ito nagpatuloy sa kaniyang pagsasalita. “Hello, my new friends, My name is Melody. You can call me, Mel, for short.” Pagpapatuloy nito.

“Ay, girl! Nagmamaganda ka naman masyado sa introduksyon mo. Kinabog mo pa ako sa ginawa mong iyon. Hindi ka naman kagandahan, no?”

“Hoy, baklitang ulikba! Tunay na babae ho ako. Kaya may karapatan akong mag maganda. Tsaka, for your information, maganda talaga ako.”

Hindi ko pa naman silang lubos na kilalang dalawa. Alam kong magiging masaya akong kasama sila. Sa nakikita ko, mukhang maloko itong dalawang sa ulo. Natigil na lamang sila ng biglang pumasok ang aming Prof kasama ang dalawang estudyante sa kaniyang likuran.

“Good morning, everyone. I am Ms. Evangelista and I will be your Professor in Operations Management by the whole semester. I do expect your while cooperation and participation in all the activities that we’re going to have in the future. So, maasahan ko ba kayo?” Tanong nito sa amin.

Sabay-sabay naman kaming sumagot sa kaniyang tanong. Muli akong napalingon sa gawi ni Lewis ng bigla itong nagsalita. “Arthur, nakikita mo ba ‘yong nakikita ko? Ang guwapo naman niya.” Nangunot-noo naman ako sa kaniyang sinabi. Kaya naman, sinundan ko ng tingin kung saan nakatingin si Lewis. Nang makita ko ang tinutukoy niya. Wala ngang duda. Makinis, maputi at may maamong mukha.

Ngunit, agad ring nawala ang aking ngiti at paghangga ng makita ko ang taong katabi ng lalaking iyon. Hindi ako maaaring magkamali. Siya ang babaeng nakabungguan ko noong nakaraang linggo. Siya rin ‘yong babaeng nagbanta sa akin. Nang walang sagot na narinig sa akin si Lewis. Kinuha niya ang oportunidad upang muling makapagsalita sa akin. “Arthur, ayos ka lamang ba? Bakit namumutla ka?” sunod-sunod na tanong nito sa akin.

Napa-iling naman ako sa naging tanong sa akin ni Lewis, “Wala. Ayos lamang ako,” saad ko sa kaniya. “Ang ganda rin ng babaeng katabi niya. Bagay na bagay silang dalawa.” Dagdag ko pa. Napatingin naman muli si Lewis sa gawi ng dalawang taong iyon.

Nakita ko namang tumaas ang kilay ni Lewis ng makita niya ang babaeng aking tinutukoy. “Siya? Si Tyra? Maganda siya, oo. Pero, ang tanong? Mabait ba?” Sarkastikong sagot na patanong nito sa akin.

“Anong ibig mong sabihin…?” maikli kong tanong rito.

“Kilala ang babaeng iyan sa pagiging maldita at walang hiya. ‘Yan si Tyra. Ang babaeng mahilig magmaganda. Ang akala ng lahat, mabait siya at matulungin. Pero, ang hindi nila alam, mala-demonyo ang ugali niya.” Napalingon naman ako kay Melody ng bigla itong nagsalita mula sa aking gilid.

Napayuko na lamang ako sa naging pagpapakilala ni Melody kay Tyra. Bahagya akong nakaramdam ng matinding kaba at takot dahil sa aking nalaman. Talaga bang ganun ang pag-uugali ng babaeng iyon? Hindi ko tuloy maiwasan na isipin ang mga sinabi niya sa akin noong araw na nagkabungguan kami. Mukhang hindi magiging maganda ang buhay ko rito sa loob ng kampus.

Hindi na ako nagsalita pa dahil muling nagsalita ang aming Prof na kasalukuyang nakatayo pa rin sa aming harapan. Kapwa naman kami napatingin na tatlo sa aming Prof ng bigla nitong banggitin ang pangalan ng dalawang estudyanteng nasa kaniyang tabi.

“Everyone, I want you meet Tyra ang Archie. Silang dalawa ang magiging kaklase ninyo. You, two find your seats,” matapos magsalita ni Ms. Evangelista. Agad namang naglakad sina Tyra at Archie upang humanap ng kanilang mauupuan. Habang papalapit sila sa aking gawi, minabuti ko na lamang na iyuko ang aking ulo.

Ngunit, sa hindi ko inaasahan na pagkakataon. Nahagip ko ang aking paghinga. Hindi ko alam na pupuwesto silang dalawa sa aming likuran nila Melody at Lewis. Ang kaba na aking nararamdaman kanina, ay mas lalo pang tumindi ng marinig kong nagsalita si Tyra mula sa aking likuran.

“Alam kong ikaw ‘yan. Hindi ko inaasahan ang muli nating pagkikita. Mas lalong hindi ko inaasahan na magkaklase pa pala tayo. At alam ko rin na hindi mo pa nakakalimutan ang mga paalala na sinabi ko sa ‘yo. Well, I’ll be good to you, then. I won’t show you how evil I am.” Hindi ko na lamang pinansin ang kaniyang sinabi. Bagkus, inabala ko na lamang ang aking sarili na tumingin sa amig Prof.

“Anyways, that’s it for today. Next week will be our official class. So, don’t be late, okay? Next week na rin ako magbibigay ng mga pointers ng magiging topics natin for the whole semester,” matapos niyang magsalita, agad niyang inayos ang kaniyang mga gamit at isinukbit na ni Ms. Evangelista ang kaniyang bag sa balikat niya. “Okay, then. Bye, class! See you next meeting.” Tuluyan na itong lumabas ng aming silid.

Naramdaman ko namang nagsilabasan na ang aming ibang kaklase. Tanging kaming tatlo na lamang nila Melody at Lewis ang natira sa loob ng silid. Ngunit, nagulat na lamang ako ng magsalita ang taong nasa likuran ko. Ang buo kong akala ay umalis na rin ito, ngunit nagkamali pala ako.

“Nagulat ka ba na muli tayong nagkita? Akala mo ba, nakalimutan ko na ang ginawa mo sa akin? Nagkakamali ka. I won’t forgive so easily. You have to work harder in order you to earn my forgiveness,” naramdaman kong tumayo ito sa kaniyang kinauupuan at marahan itong naglakad papunta sa aking harapan. “Nagkamali ka ng kinalaban. Hindi ako ‘yong tipo ng babae – na basta-basta na lamang nagpapatawad. I will teach you a lesson for hurting me that day.”

“Nakahanap ka na naman ng bagong pagti-trip-an, Tyra? Wala ka ba talagang magandang gawin sa buhay mo? O, sadyang nabuburyo ka lang talaga? ‘Wag mong pagdiskitahan ang taong wala namang ginagawa sa ‘yo.” Napatingin ako kay Melody ng bigla nitong barahin si Tyra sa kaniyang mga sinabi.

“Melody…” Hindi ko na napagpatuloy pa ang aking sasabihin ng biglang magsalita si Tyra rito. Nalipat naman ang atensyo ni Tyra kay Melody. Nakita mismo ng dalawang mata ko, kung paano nagtitigan sina Tyra at Melody. At base sa kanilang mga tinginan, masasabi kong matagal na silang may alitan na dalawa.

“Let me ask you, Melody. Ano bang alam mo rito? ‘Wag mong ugaliin ang sumawsaw sa usapan ng iba, kung hindi mo naman alam ang puno’t dulo ng lahat.”

“Let me remind you, too, Tyra. Sa sarili mo dapat iyan sinasabi. Ako? Sumasawsaw? Oh! Common, girl. Baka ikaw ang mahilig sumawsaw sa iba, ‘di kaya? Bago mo ako sabihan ng ganitong mga salita. Make sure na malinis ka. Hindi sapat ang ganda lang, pero bobang tulad mo.” Ani ni Melody kay Tyra.

Pareho kaming nagulat ni Lewis ng makita naming sinampal ni Tyra si Melody. Hindi agad kami nakagalaw na dalawa dahil sa pagkabigla at sa bilis ng pangyayari. “Serves you right, Melody. Masakit ba ang sampal ko? Don’t test my fucking patience. Hindi mo ako kila—” Hindi na natapos pa ni Tyra ang kaniyang sasabihin ng bigla na lamang naming nakita ang pagsampal na ginawa ni Melody sa kaniya.

Gulat kaming napatingin ni Lewis kay Melody. Parang tila hindi niya iniinda ang sakit ng sampal sa kaniya ni Tyra. “Serves you right, Tyra. Sampal na pa lang matatawag iyon? Ang hina naman. Masakit ba? O, nakukulangan ka pa? Kulang pa ‘yan sa mga ginawa mo sa akin,” sa sinabing iyon ni Melody. Kapwa kami nagkatinginan na dalawa ni Lewis.

Tama nga ang aking suspetsa. May nakaraan silang dalawa – kung bakit ganito na lamang ang galit ni Melody kay Tyra. “Ngayon, binabalaan kita. Huwag na huwag mong kakantiin ang kaibigan ko, kung ayaw mong sa kabilang pisngi mo naman dumapo ang palad ko.” Matapos sabihin iyon ni Melody kay Tyra. Agad na lamang kami nitong hinila na dalawa ni Lewis. Wala na kaming nagawa kundi ang magpatangay na lamang kay Melody.

Callboy's Duty: Arthur Rodriguez [BOYXBOY] [R+18] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon