Kabanata IV: Ryan

697 43 2
                                    

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa mga sandaling ito. Napupuno ang puso ko ng inis at galit, dahil sa natatamong paghihirap ng aking kaibigan. Kahit kailan, hindi naging maganda o maayos ang pakikitungo ni Adam kay Arthur. Hindi ko alam kung ano ba ang rason ni Adam upang pahirapan niya ng ganito ang kaibigan ko.

Masyado pang bata si Arthur para maranasan ang hagupit ng mundo – masyado pa siyang bata para maranasan ang hirap na dapat ay ginugugol niya ang kaniyang sarili sa pag-aaral. Ngunit, ito rin ang nagtulak sa kaniya upang pasukin ang buhay ng pagiging isang callboy, para lamang sa kaniyang pag-aaral. Kami na lamang ang mga kaibigan niya ang maaaring tumulong sa kaniya.

Wala rin naman siyang matatakbuhan na pamilya. Naaalala ko nu’ng araw na ikinuwento niya sa akin ang naganap sa kaniyang mga magulang. Namatay raw ang mga iyon dahil sa isang aksidente na nagpabago sa takbo ng kaniyang buhay. Dahil dun, itinuring na naming bunsong kapatid si Arthur. Kami na lamang ang maaaring tumingin at tumulong sa oras na kailangan ni Arthur ng karamay.

Habang pinagmamasdan ko ang aking kaibigan na nahihimbing sa kaniyang pagtulog rito sa silid. Hindi ko maiwasan na makaramdam ng matinding awa sa mga dinaranas niya sa kamay ni Adam. Wala kaming magawa, dahil siya ang boss sa loob ng lugar na ito. Wala kaming kapangyarihan upang ipagtanggol ang isa’t isa laban sa kaniya. Masyado na siyang nahihirapan sa ginagawa niya, ngunit nakikita ko sa kaniyang sarili ang matinding determinasyon.

Kahit na nahihirapa si Arthur, patuloy pa rin siyang lumalaban para lamang sa pangarap niyang muling makapasok sa kolehiyo. Kaya naman, bilang kaibigan niya, handa ako, kami na suportahan at ingatan siya hanggang sa maabot niya na ang pangarap niyang makapag-aral.

Napukaw na lamang ang aking pag-iisip, nang marinig kong nagsalita mula sa aking likuran si Mikaela. “Hanep talaga itong si Adam, no? Sinasamantala niya ang kahinaan ng bata. Porque ba, alam niya na matindi ang pangangailangan ni Arthur, ay sasamantalahin niya na ito? Tsk! Si Arthur lang naman ang kaya niya.” Awtomatiko akong napatingin kay Mikaela ng matapos siyang magsalita.

Tama siya. Tanging kay Arthur niya lamang nagagawa ang mga bagay na ito – marahil ay, si Arthur lamang ang kaya niya, bukod pa roon, alam niya rin na may matinding pangangailangan si Arthur. “Kaya kailangan nating ingatan si Arthur mula kay Adam. Hindi natin alam kung ano pa ang kaya niyang gawin kay Arthur,” napahinto ako sa aking pagsasalita. Tanging itong bagay lamang ang magagawa naming tulong para kay Arthur, ang protektahan siya. “Ingatan natin si Arthur, ayun lamang ang sapat na proteksyon na kaya nating gawin para sa kaniya.”

“Gustuhin man nating tulungan si Arthur, ngunit maging tayo, ay hindi natin magawa. Hangga’t nasa loob tayo ng lugar na ito, wala tayo katwiran at karapatan. Tanging pagsunod lamang kay Adam ang siyang magagawa natin.”

“Tama ka, Jeff. Wala tayong boses sa lugar na ito. Tanging katawan lamang natin ang habol sa nila sa atin. Sapat na sa kanila ang napapaligaya natin sila, naibibigay natin ang kanilang tawag ng laman. Ngunit, paano naman tayo? Wala ba tayong karapatan na tumanggi kahit minsan? Wala na ba tayong karapatan na huwag magpagamit kahit minsan?”

Napabuntong-hininga na lamang ako sa mga nangyayari sa amin ngayon. Hindi ko akalain na hahantong kaming lahat sa ganitong punto ng aming mga buhay. Tumayo ako mula sa aking pagkakaupo sa tabi ni Arthur. Bago ako umalis sa silid na iyon, minabuti ko muna na magsalita sa kanila, “Alam ninyo? Walang lugar ang emosyon natin sa lugar na ito. Hindi rin nila pakikinggan ang lahat ng mga saloobin natin. Dahil para sa kanila, pera ang mas mahalaga. Balewala rin ang dignidad, katawan natin, dahil kapalit nang mga perang nakukuha natin mula sa kanila – ay, ang pagpapaligaya sa kanila.”

Matapos kong magsalita, maingat akong naglakad palabas ng silid ni Arthur. Naramdaman ko namang sumunod sa akin sina Mikaela, Rusell at Jeff. Habang naglalakad kami pabalik sa aming trabaho, at sa hindi naming inaasahang pagkakataon. Nakasalubong namin ang taong kanina lamang namin pinag-uusapan.

Nakita ko kung paano niya itinaas sa amin ang kaniyang kaliwang kilay. Habang ang alalay naman niyang si Cherry, ay pinagmamasdan kami mula ulo hanggang paa. “Kayo pala, ang mga alaga kong suwail at matitigas ang ulo. Saan kayo galing na apat?” Tanong nito sa amin.

“Ikaw rin pala, boss. Ang boss naming matigas ang puso – ang boss naming pinaglipasan na ng panahon. Ikaw, ho? Saan ka po galing?” Sa sinabing iyon ni Mikaela, hindi ko naiwasan ang mapatawa ng mahina. Naging dahilan iyon upang titigan ako ni Adam ng masama at matalim. Tanging si Mikaela lamang ang siyang nakakapagsalita ng sarkastiko kay Adam.

“Bastos kang babae ka, ha? Hindi mo ba alam na may-ari ng Bahay-Aliwan ang kaharap at kausap ninyo ngayon? Siya rin ang nagbibigay sainyo ng pera na siyang ikinabubuhay ninyo.” Galit na pagsasalita sa amin ni Cherry.

Magsasalita na sana ako, ngunit naputol iyon nang biglang mangatwiran rito si Mikaela, “Alam ho namin ang tungkol sa bagay na iyan. Bakit, ho? Pinaghihirapan naman namin ang perang nakukuha namin sa inyo, ‘di ba? Kapalit pa nga ng malaking halaga na iyon, ay ang mga katawan at dignidad namin. Ngayon, hindi kikita itong Bahay-Aliwan, kung wala ang mga tulad namin.”

“Tama ka, Hija,” huminto si Adam sa kaniyang pagsasalita. Naglakad ito at pumuwesto sa aming likuran, tsaka nito pinagpatuloy ang kaniyang sasabihin. “Totoo ‘yon, hindi kikita ang Bahay-Aliwan, kung wala ang mga tulad ninyo. Pero, hindi ninyo ba naisip kung bakit may mga ganitong negosyo? Isa sa maraming rason, kung bakit may ganitong trabaho, ay upang tulungan ang mga tulad ninyo…”

Ano ba ang nais niyang palabasin sa mga tulad namin? Kung ganito ang naging trabaho at hanapbuhay namin, ibig sabihin, ganun rin ang naging buhay niya noon. “…tulungan ang mga kapus-palad na tulad ninyo. Hindi rin naman ito makikilala, kung hindi kayo magaling at mahusay sa pagpapaligaya ng mga kliyente.”

“Dahil iyon ang trabaho namin rito sa punyetang lugar na ito. Ang pasayahin at paligayahin ang mga taong hayok sa sex – kahit kapalit na nito ang aming mga dignidad. Ikaw, boss? Ni minsan ba hindi mo naisip na maransan ang sumubok ng ganitong trabaho?” Nagulat ako sa ginawang paghahamon ni Mikaela kay Adam.

Sa aming apat, tanging nananahimik lamang kaming tatlo nila Rusell at Jeffrey. Hinahayaan lamang namin si Mikaela na ilabas ang lahat ng kaniyang nararamdaman sa lugar na ito, at sa aming boss na si Adam.

Nakita naman naming napangiti ng bahagya si Adam. Hindi ko alam kung paano niya nagagawang kalmado ang kaniyang sarili, sa kabila ng pakikipagtalo sa kaniya ni Mikaela. “Sa totoo lang, hindi ko naman itatayo ang negosyong ito, kung hindi ko naransan kung ano ang nararanasan ninyo ngayon. Tulad ninyo, naransan ko rin na ibenta ang sarili kong katawan, kapalit ng malaking halaga. Kaya huwag ninyong sabihin sa akin na, hindi ko nararamdaman kung ano nararamdaman ninyo ngayon.”

Nakita naman naming tatlo ang pag-iling na ginawa ni Mikaela, habang pinapakinggan niya ang mga sinabi ni Adam. “Anong gusto mong gawin namin? Na tanawin namin ng isang malaking utang na loob ang mga bagay na ginagawa mo para sa amin?” Huminto ito sa kaniyang pagsasalita. Ngayon ko lamang nakitang nagalit ng ganito si Mikaela. Masayahing tao siya, kalog at laging mapagbiro sa mga kaibigan. Hindi ko naisip na, may ganito pala siyang itinatagong tapang. “Nakikita mo ba ang ginawa mo kay Arthur? Ganun ba ang dapat naming ipagpasalamat namin sa ‘yo?”

“First and foremost, hindi ko hinihingi ang pasasalamat ninyo sa mga tulong na nagawa ko para sainyo. ‘Yong kay Arthur, he accepted it. As his boss, I just wanted to helped him out, para makapag-aral siyang muli,” napabuntong-hininga naman si Adam habang ipinapaliwanag niya ang kaniyang saloobin sa amin. “At ang nangyaring iyon sa kaniya, hindi ko alam na ganun pala ang gagawin nang mga taong iyon sa kaibigan ninyo. As your boss, hangga’t maaari, iniingatan ko kayo at ayoko rin na malagay kayo sa alanganing sitwasyon.”

Matapos magsalita ni Adam, agad itong naglakad paalis mula sa amin. Nagkatinginan naman kaming apat kung dapat pa naming paniwalaan ang mga sinabing iyon ng aming boss. O, isang pagpapakitang tao lamang ang kaniyang ginawa.

“Ryan at Rusell, mauna na kami ni Mikaela. May pupuntahan kasi kaming raket ngayon. Sayang rin kasi, medyo malaki rin ang bigayan roon.” Bigla na lamang nagsalita sa aking likuran si Jeff.

Napatingin naman ako sa kaniya dahil sa raket na kaniyang binanggit. “Sige lang. Mag-iingat kayong dalawa, ha?” Pagpayag ko sa kanila. Matapos iyon, ay agad na umalis silang dalawa sa aming harapan. Tanging ako at si Rusell na lamang ang naiwang nakatayo sa labas ng silid ni Arthur.

Sa hindi ko inaasahang pagkakataon, kapwa kami nagkatinginan na dalawa ni Rusell. Matagal na rin simula nang masolo ko ang taong ito. Sobra ko na siyang gustong masolo. Hindi ko alam kung kailan ko ulit magagawang paligayahin ang taong ito. Sobrang pag-iingat ang aming ginagawa upang itago ang aming relasyon sa lugar na ito.

“Ayos ka lamang ba, Ryan? Bakit parang namumutla ka? May nararamdaman ka ba?” Sunod-sunod na pagtatanong nito sa akin. Hindi ko na kaya pang itago ang aking nararamdaman. Imbes na saguting ang mga tanong na iyon sa akin ni Rusell, agad ko itong hinawakan sa kaniyang pulsuhan at mabilis kaming nagtungo sa aking silid.

Nang makapasok na kami, sinigurado ko na naisara ko ang pintuan ng aking kuwarto upang walang nakapasok na kung sino rito. Matapos iyon, agad kong hinalikan sa kaniyang labi si Rusell. Narinig ko naman ang kaniyang impit na ungol, senyales iyon na nagugustuhan niya ang aking ginagawang paghalik ko sa kaniyan.

“Ang tagal kong hinintay na masolo ka, Rusell. Sobra-sobra ang ginawa kong pagtitiis para lamang itago sa kanilang lahat ang relasyon nating dalawa. Sobra akong nananabik sa ‘yo, sobra akong nananabik sa mapupula mong labi.” Matapos kong sabihin sa kaniya, muli ko itong hinalikan sa kaniyang labi. Habang ang aking dalawang kamay ay nagsisimula nang maglakbay sa kaniyang katawan.

Naramdaman kong hinawakan ni Rusell ang aking pisngi at ramda na ramdam ko ang kaniyang labi sa aking labi – kung paano niya sagutin ang aking mga halik. Naging agresibo ang ginagawa naming halikan. Hanggang sa hindi namin namalayan pareho na kaming walang saplot at kapwa na kami nakahiga sa papag na narito sa aking silid.

Habang patuloy kami sa aming halikan, hindi ko napigilan ang aking mga kamay na bigyan ito ng isang masarap na romansa palibot sa kaniyang dibdib at sa ibabang bahagi niya. Marahan kong nilaro ang kaniyang dibdib at nang magsawa ako sa parteng iyon, ay dahan-dahan kong ibinaba ang aking kamay patungo sa kaniyang pagkalalaki.

Nang tuluyan ko nang mahawakan iyon, isang malakas at impit na ungol ang aking narinig mula kay Rusell. Napangiti naman ako ng marinig ko iyon mula sa kaniya, kaya naman, sinimulan ko na ang pagbaba’t taas sa parte niyang iyon. Hindi rin nakaligtas sa akin, kung laano niya inunat ang kaniyang dalawang binti, habang patuloy siya sa paghalik sa aking labi.

“Alam nating dalawa na sikreto itong relasyon natin. Kaya sana, huwag kang madala sa ibang kliyente mo na mas magaling kumpara sa akin.” Kahit nahihirapan itong magsalita. Ay ginawa niya pa rin para lamang masabi sa akin ang nais niya. Alam kong hindi na ako birhen bago pa namin gawin ang bagay na ito.

Tulad ko, ganun rin ang pagpapaligayang ginagawa ni Rusell sa kaniyang mga nagiging kliyente. Ngunit, ang kaibahan nga lang sa mga iyon, ay walang halong pagmamahal – na tulad ng ginagawa namin ngayon. “Kahit kailan, may katalik man akong iba, hindi man ikaw ang katabi ko sa higaan. Ikaw pa rin ang laging laman ng puso at isipan ko. Hinding-hindi ko hahanapin sa iba ang wala sa ‘yo. Dahil para sa akin, ikaw lang ang nag-iisang taong mahal ko.”

Nang masabi ko ang nais ko sa kaniya, muli ko itong hinalikan, ngunit sa pagkakataong ito. Isang halik na banayad at puno ng pagmamahal ang aking inilagay roon. Gusto kong iparamdam sa kaniya na totoo at tunay ang aking nararamdaman para sa kaniya. Kaya sa pamamagitan ng halik, doon ko mas mapapadama ang sinasabi ng puso ko para sa kaniya.

Nang magsawa na kami sa aming halikan na dalawa. Isang halik ang aking ibinigay kay Rusell sa kaniyang noo. Napangiti naman siya sa aking ginawa. Marahan akong tumayo at pumuwesto sa pagitan ng kaniyang binti. Maingat kong itinaas ang dalawang binti nito at maingat ko ring ipinatong sa aking magkabilang balikat.

Bago ko tuluyang angkinin si Rusell, nilagyan ko muna ang kaniyang butas ng pampadulas gamit ang aking laway, ganun rin ang aking ginawa sa galit kong pagkalalaki. “Rusell, hindi ko maipa-pangako na hindi kita masasaktan sa gagawin ko. Pero, sisiguraduhin ko sa ‘yo, na mararamdaman mo rito ang buo kong pagmamahal para sa ‘yo.”

“Kahit gaano man kasakit ang gagawin mong pag-angkin sa akin, handa akong tiisin ang lahat ng sakit at hapdi na ibibigay mo sa akin. Maging maligay at masaya ka lamang, Ryan.” Matapos iyon, marahan kong inilugat ang aking galit na pagkalalaki sa kaniyang butas. Dahan-dahan kong ipinasok iyon sa kaniyang butas.

“Arrrghhh!” Napasigaw naman ng impit si Rusell sa ginawa kong iyon. Kaya, hindi muna ako gumalaw ng tuluyan kong maipasol ng buo ang aking nagagalit na laman. Tumigil muna ako ng ilang segundo, pinakikiramdaman ko lamang ang bahaging iyon ni Rusell. Ayokong mapuwersa siya sa oras na gumalaw ako sa kaniyang ibabaw.

“Sige na, Ryan. Simulan mo na. Titiisin ko na lamang ang sakit.” Nang marinig ko iyon, dahan-dahan kong iginalaw ang aking balakang. Nag-umpisa na rin akong mag-atras-abante sa kaniyang harapan. Dahil doon, hindi ko napigilan ang aking sarili na bilisan ang pag-indayog na ginagawa sa ibabaw ni Rusell.

Sa loob ng silid, tanging pagsasalpukan lamang ang aming mga katawan ang maririnig, kasabay nu’n ang parehas naming paghahalinghingan ng ungol – marahil sa sarap na aming nararamdaman sa ginagawa naming pagniniig. Lumipas pa ang ilang minuto, sabay naming narating na dalawa ang rurok ng tagumpay.

Nang mailabas ko na iyon sa kaniyang parte, bigla na lamang ako napabagsak sa ibabaw ni Rusell. “Salamat, Rusell. At hinayaan mo akong gawin ito sa ‘yo, hinayaan mo akong iparamdam ang pagmamahal ko para sa ‘yo. Kapag ayos na ang lahat at kapag wala na tayong dalawa rito sa lugar na ito. Gusto kong magsimula tayong dalawa at bumuo ng isang masaya at desenteng pamilya.” Saad ko sa kaniya.

Sa mga sandaling ito, kapwa namin hinahabol ang aming mga hininga. Siguro ay sa pagod, resulta ng aming pagniniig na dalawa. “Oo, naman. Gusto ko na rin na magbagong buhay at umalis sa ganitong klaseng trabaho. Ayoko rin na, balang araw ay pamarisan tayo ng mga magiging anak natin. Hindi itong trabahong ito ang pangarap ko para sa magiging anak natin. Ginagawa lamang natin ito, para maka-ipon at maibigay ang lahat ng kanilang pangangailangan.”

Matapos iyon, natagpuan ko na lamang ang aming sarili na magkayakap habang nahihimbing sa pagtulog at magkatabi sa papag ng aking silid. Nagising na lamang ako dahil sa naramdaman ko na parang naalimpungatan ako. Kaya naman, tumayo na ako at nang madapo ang aking paningin sa taong nasa tabi, ay wala na ito roon.

Hindi na ako nagtaka kung bakit hindi na siya nakapagpaalam pa sa akin. Siguro ay mau kliyente siyang kailangan na pagsilbihan. Inabala ko na lamang ang aking sarili upang mag-ayos. At bigla na lamang pumasok sa aking isipan na bisitahin ang aking ina at nakaba-batang kapatid ko. Nang matapos na ako sa aking ginagawa, madali akong lumabas ng silid at agad kong tinungo ang palabas ng Bahay-Aliwan.

Hindi naman naging mahirap ang biyahe dahil tricycle ang aking ginamit pauwi sa bahay ng aking Ina. Habang naglalakad ako papasok sa aming iskinita, mula rito sa aking kinatatayuan, rinig na rinig ko ang boses ng aking ina. Kaya naman, nagmadali akong maglakad upang tignan kung ano ang nangyayari sa loob ng bahay.

“Walanghiya ka! Wala ka na nga pakinabang rito, nakukuha mo pang makipag-inuman sa mga kabarkada mo. Letche ka, Jonas! Hayup ka talaga. Ang sama-sama mo!” Naabutan kong galit na galit ang aking Ina sa panganay kong kapatid na si Kuya Jonas.

Agad akong pumasok upang pakalmahin ang naggagalaiting kong Ina. “Nay, tama na po iyan. Baka po ano pa ang mangyari sa ‘yo kapag nasobrahan ka sa galit.” Pagpapakalma kong sabi rito. Inalalayan ko naman itong umupo sa bangko na malapit sa mesa. Nang kumalma na ito, ako naman ang humarap sa aking panganay na kapatid.

“Ano na naman ba ito, Kuya Jonas? Ganito na lamang ba ang gagawin mo sa Nanay? Ang pasigawin at galitin? Alam mo naman na may sakit siya, ‘di ba? Nasaan na ba ‘yang kokote mo?” Galit na pagsasalita ko sa aking kapatid.

Dahil sa mga lumabas sa aking bibig, agad itong tumingin sa akin ng masama. Sa tuwing gagawin niya ang bagay na ito, hindi na ako natatakot. Tama naman ang Inay, simula noon hanggang ngayon, pabigat siya sa bahay. Ni hindi niya nga matulungan ang aming magulang sa paghahanap buhay, ngunit nakukuha niya pang makipaglasingan sa mga kaibigan niya.

“Ryan, ang paboritong anak ni Nanay. Alam mo? Sobra kang mainam, porque ba may trabaho ka, gaganituhin mo na ako? Bakit? Ano bang ipinagmamalaki mo? ‘Yang trabaho mo? ‘Yang trabahong magbenta ng laman para lang kumita.” Sa mga narinig kong iyon sa aking panganay na kapatid, hindi ko nagawang pigilan ang aking sarili na masuntok ito sa kaniyang mukha.

Dahil sa lakas na aking nagawa, bahagya itong napaatras mula sa kaniyang kinatatayuan. “Kahit ganito ang trabahong mayroon ako, nagagawa ko pa ring matulungan ang Nanay sa mga gastusin rito sa bahay. Ikaw? Ano bang naitulong mo? Maging pabigat? Maging palamunin rito?”

“Hindi na ako magtataka, kung iniwan tayo ng Tatay. Totoo nga, talagang nakakarindi ang mga bunganga ninyo. Ikaw, Nanay? Dapat lang talaga na iwanan ka ng Tatay. Kahit ako na asawa mo, gagawin ko ang bagay na ‘yon. Dahil hindi ko maatim na mayroon akong asawa na hindi marunong mag-ayos sa sarili. Ayoko ring magkaroon ng kapatid na callboy.”

Nagulat ako sa ginawang iyon ng aking Ina sa aking kapatid. Isang malakas na sampal ang ginawa ng aking Ina sa kapatid kong minaliit siya. Hindi pa roon nakuntento ang aking Ina, ang lahat ng platong narito sa mesa, ay walang pagdadalawang-isip niyang inihagis sa aking kapatid.

“Oo! Hindi na ako marunong mag-ayos. Alam mo ba kung bakit? Dahil pinagsusumikapan ko kayong buhayin. Inuuna ko kayong mga anak ko, kahit maging loshang na ako sa paningin ng iba, at wala akong pakialam sa kung ano ang isipin sa akin ng ibang tao. Dahil kayo, kayong mga anak ko ang mas mahalaga kaysasa kanila, kaysa sa sasabihin nila. Kahit ganito ang itsura ko, ni minsan, hindi ko kayo napabayaan. Laging maayos ang pananamit ninyo. Ni minsan hindi kayo naging marungis sa paningin ng tao. Sana kahit dito man lang, Jonas – mauawaan mo ako.” Mahabang pagsasalita nito kay Kuya Jonas.

Matapos iyon, walang salitang umalis sa aming harapan ang aking kapatid. Narinig ko naman ang aking Ina na umiiyak kaya naman, agad ko itong inakap at pinakalma. Nauunawaan ko ang aking Nanay Thelma. Dahil sa amin, hindi na niya nagawang ayusin ang sarili niya. Ni minsan, hindi ko naramdaman na pinabayaan niya kami.

Hindi tulad ng magaling ‘kong ama, na sumama na sa kaniyang kabit, at iniwan ang aming Inang nag-iisa. Hinding-hindi ko siya mapapatawad. Iisipin ko na lamang na wala na siya sa buhay namin, na kahit kailan, ay wala kaming naging amang tulad niya.

Callboy's Duty: Arthur Rodriguez [BOYXBOY] [R+18] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon