Kabanata XIV: Archie

239 13 0
                                    

Habang naglalakad ako papasok ng Unibersidad. Hindi ko maiwasan maisip kung ano ba ang nangyayari sa aming dalawa ni Tyra. Nagka-ayos na kaming dalawa ng mapatawad niya na ako noong aksidenteng nagkita kami ni Kayleigh. Ngunit, sa mga nakalipas na araw. Bibihira na lamang kaming magkausap na dalawa.



Lagi itong wala sa kabilang bahay sa tuwing pupuntahan ko siya sa kanila. Sa Unibersidad naman, bihira kami magkasama dahil madalas rin itong wala sa tabi ko. Hindi ko maiwasan maisip na baka mayroon na siyang iba. Na may ibang tao na ang nagpapasaya sa kaniya.



Napahinto na lamang ako sa aking paglalakad ng makita ko ang babaeng nakasagutan ni Tyra noong nakaraan sa loob ng aming silid-aralan. Hindi na ako nagdalawang-isip pa na puntahan ang dalaga. Agad akong lumapit sa kaniya at hinawakan ko ito sa kaniyang braso na siya namang ikinabigla niya upang mapahinto ito sa kaniyang paglalakad.



Nakita ko namang tumaas ang kanang kilay nito sa akin. Nais ko man na bitawan siya, ngunit hindi ko iyon ginawa. "Ano bang problema mo? Bitawan mo nga ako!" Galit at pasigaw na utos nito sa akin. Nananatili pa rin akong nakatingin sa kaniya. At malaya ko siyang pinagmamasdan sa galit na ekspresyon ng kaniyang mukha.



Nang wala itong narinig na salita mula sa akin, ay agad rin itong tumigil sa ginagawa niyang pagpiglas sa akin. "Ano bang problema mo? Puwede ba, bitawan mo ako? Mahuhuli na ako sa klase ko!" Galit nitong sikmal sa akin.



Marahan ko namang binitawan ang kaniyang braso. Umatras ako ng ilang hakbang palayo sa dalaga at tsaka ako nagsalita rito, "Ikaw 'di ba si Melody? 'Yong babaeng nakasagutan ni Tyra ilang araw na ang nakalipas." Pagsasalita ko sa kaniya.



"Oo, bakit? Ako nga 'yong babaeng sumampal sa hayop mong nobya. Bakit? Narito ka ba para saktan ako? Inutusan ka ba ng magaling mong nobya na saktan ako?" Sunod-sunod nitong pagtatanong sa akin.



Napabuntong-hininga naman ako sa mga naging tanong nito sa akin. Tanging pag-iling lamang ang naging sagot ko sa mga tanong niya sa akin. "Hindi. I won't let her control me, even she's my girlfriend. Kaya kita sinundan, ay dahil may gusto lamang akong malaman tungkol kay Tyra." Pagtatapat ko rito.



At sa sinabi kong iyon sa kaniya, bigla na lamang nag-iba ang kaniyang ekspresyon. Base sa mga tingin na kaniyang ibinibigay sa akin, tila nagtataka siya sa mga sandaling ito. "Tama ba ang narinig ko? You asked me about your current girlfriend? Wait!" Huminto si Melody sa kaniyang pagsasalita at naramdaman ko namang itong lumapit sa akin. "Bakit, Archie? Nagdududa ka na ba ngayon sa nobya mo? Hindi ba kayo madalas na magkasama? O, mas madalas siyang wala sa mga bisig mo?"



Sa mga naging tanong sa akin ni Melody. Bahagya akong nakaramdam ng hiya sa mga iyon. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang mga ganung bagay sa aming dalawa ni Tyra. Nang wala itong narinig na salita mula sa akin, kinuha niyang muli ang pagkakataong iyon upang muling makapagsalita sa akin. "So, silence means yes. Tama ba ako, Archie?"



Napabuntong-hininga na lamang ako sa kaniyang sinabi sa akin. Hindi ko na maikakaila pa ang katotohanang nakikita ngayon sa akin ni Melody. Muli akong napatingin sa kaniya ng bigla na lamang siyang nagsalita sa akin. At sa mga sinabi niyang iyon, tila may gusto siyang puntuhin na hindi ko alam kung ano.



"You should keep an eye on her, Archie. Hindi mo pa kilalang lubusan si Tyra. Sabihin na nga nating, mahal na mahal ninyo ang bawat isa. Sabihin na rin natin na, ilang taon na kayong magkasama na dalawa. Pero, sobrang daling itago ang ugali. Archie, be wise. Kilalanin mo munang mabuti si Tyra, bago ka tuluyang magtiwala sa kaniya."



Matapos niyang sabihin iyon sa akin. Ay agad itong naglakad palayo sa akin na hindi man lang hinintay ang aking sasabihin sa kaniya. Muli akong napa-iling at marahan akong napahawak sa aking batok. Sa mga sandaling ito, hindi ko alam kung dapat ko bang sundin ang sinabing iyon sa akin ni Melody.

Callboy's Duty: Arthur Rodriguez [BOYXBOY] [R+18] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon