Kabanata XXVI: Arthur

236 15 0
                                    

“Alam n’yo, kakaiba talaga ang kapal ng pagmumukha ng Tyra na ‘yan pati ang kasama niyang si Hanz. Akalain mo ‘yon, nagpunta pa talaga doon para lang insultuhin ka at ‘yong pinagtatrabaho-han mo.” Hindi maiwasan ni Melody na mainis habang sinasabi niya iyon sa amin ni Lewis.

Napa-iling na lamang kaming tatlo sa nangyari kagabi sa Bahay-Aliwan, “Kahanga-hanga talaga ang babaeng ‘yan. Siya na talaga ang pinakadesperadong nilalang na nakita ko sa balat ng lupa.”

“Ano ka kayo? Hayaan ninyo na lang siya. Mas lalo lang lalaki ang gulo kapag pinatulan pa natin ‘yong mga pakulo nioang dalawa.” Tugon ko.

“Arthur,” pagtawag ni Melody sa akin. Napahinto naman kami sa aming paglalakad, “bakit kahit anong pang iinsultong ginagawa nila? Bakit parang wala lang sa ‘yo? Tao ka pa ba?”

“Melody, ayoko lang talaga ng gulo. Saka, hindi naman ako tulad nila na may sapat na tapang para mangmaliit ng tao. Saka, alam ko na mapapagod rin sila at sila na mismo ang hihinto sa ginagawa nila sa akin.”

Matapos kong magsalita, muli naming ipinagpatuloy ang aming pagpalakad. Habang naglalakad kasabay ang mga estudyante, bigla ko na lamang nakita sila Tyra at Hanz na nakatayo ‘di kalayuan mula sa amin.

Agad akong napahinto sa aking paglalakad, nang makita ako nila Lewis at Melody agad nilang sinundan ng tingin ang aking tingin.

“Arthur, ayos ka lang? Nariyan na naman ang mga diyablo. Ako na ang nagsasawa sa ginagawa nila.” Napa-iling na lamang si Melody matapos niyang sabihin iyon.

Mula sa aking kinatatayuan, nakita kong naglakad palapit sa amin sina Tyra at Hanz. Nang makalapit na ang dalawa sa amin, may mga tingin sa kanila na parang may masamang binabalak sa akin.

“It’s you, Arthur. Maayos naman ba ang tulog mo kagabi?” tanong nito sa akin.

“Ano na naman ba ang gagawin mo sa akin, Tyra? Nananahimik ako, puwede ba na… tigilan ninyo na ako.” Bakas sa aking boses ang kaba, dahil sa mga tinging ibinabato nila sa akin.

“Arthur,” napalingon naman ako kay Hanz ng tinawag nito ang pangalan ko, “talaga bang wala ka nang nararamdaman para sa ‘kin? Talaga bang ipinagpalit mo na ako sa Archie na ‘yon?”

Agad namang pumagitna sa aming tatlo si Meloldy, “Teka nga. Iniipit ninyo ang kaibigan ko sa mga tanong ninyong matagal nang nabigyan kasagutan,” naglakad si Melody ng ilang hakbang palapit kina Tyra at Hanz, “ikaw, Tyra, iniwan mo si Archie dahil sa kakatihan mong taglay.

“Dahil lang sa maliit na misuderstanding, naging immature ka na. Seriously? Ikaw naman, Hanz, tama ba? Ginawa mong panakip butas ang kaibigan ko. Pinaasa mo siya na mahal mo—ginamit mo—at higit sa lahat, pinaglaruan mo. Alam n’yo, bagay rin pala kayong dalawa. Parehas patapon.”

“Kayang-kaya ko pang bawiin si Archie mula sa kaniya. Kaya ko rin na mapaniwalang muli sa akin si Archie. Nagawa ko na siyang kontrolin noon, magagawa ko rin ulit ‘yon ngayon kung gugustuhin ko.” Buong pagmamalaking tugon sa amin ni Tyra.

“Arthur, minahal kita, totoo ‘yan. Hiniwalayan ko na si Isabelle dahil sa ‘yo. Ano pa ba ang dapat kong gawin para muli mo akong mahalin?!” Nagulat ako ng bigla ko na lamang nakita si Hanz na sapilitan akong inaakap.

Kahit gaano pa kalakas si Hanz sa pagyakap sa akin, ginawa ko amg lahat para lamang maitulak ko siya. “Wala kang dapat gawin. Dahil matagal na kita kinalumtan. Ginawa mo akong tanga, Hanz. Pinaglaruan mo ‘yong puso ko—pinaasa mo ako sa pangako mong akala ko ay totoo,” bahagya akong lumapit sa kaniya at mariin ko siyang tinignan sa kaniyang mga mata, “ikaw ang nagsabi sa akin na parausan lang ang tulad ko.”

Habang sinasabi ko ang mga iyon kay Hanz, hindi ko nagawang mapigilan ang aking luha na dumaloy sa pisngi ko. Naikuyom ko rin ang aking kamao dahil sa namumuong galit sa puso ko.

“Kung ganun, wala na talaga akong pag-asa na maging tayong muli?” tanong nito muli sa akin.

Bago ko sinagot ang tanong niyang iyon, marahan kong inilibot ang aking ulo. Bumungad sa akin ang mga estudyanteng nakapalibot na sa amin at matiyaga kaming pinanonood.

“Wala! Walang-walang.” Tugon ko.

Ilang segundo ang lumipas, naramdaman ko ang mahigpit na paghawak sa aking pulsuhan ni Tyra. Dahil doon, agad na nilapitan ako nila Melody at Lewis. Ngunit, maagap rin silang naharangan ni Hanz.

“Halika rito. Sa araw na ito, malalaman ng lahat ng estudyanteng naririto ang trabaho na mayroon ka. Sisirain ko ang natitirang tiwala mo sa sarili mo.” Hindi ko magawang malabanan ang kamay ni Tyra na humahawak sa akin.

Habang kinakaladkad niya ako papunta sa pinakagitna ng Unibersidad, nakita ko ang mga estudyante na nagsunuran sa amin. Habang sina Lewis at Melody naman ay naiwan dahil sa pagbabantay na ginagawa sa kanila ni Hanz.

Nang maratin na namin ang quadrangle ng Unibersidad, agad akong hinawakan ni Tyra sa aking mukha upang iharap sa lahat ng estudyanteng narito. Dahil doon, sobrang kaba at takot ang aking nararamdaman sa mga sandaling ito. Mabilis ring naglandas ang luha ko pababa sa aking pisngin. Nangangatog na rin ang aking katawan dahil sa takot at hiyang nakukuha ko mula sa mga estudyanteng pinanonood kami. 

“Tyra, huwag mo namang gawin sa akin ito. Maawa ka sa akin. Wala naman akong ginagawa sa ‘yo. Parang awa mo na,” umiiyak kong pakiusap sa kaniya.

Ngunit, tila bingi si Tyra sa mga pagmamaka-awang ginawa ko. “Maawa? Bakit? Do you really think you are deserving for that? Hindi. Sinabi ko na sa ‘yo, umpisa pa lang. Na piliin mo ang magiging kaaway mo. Hindi ka pa nakuntento, nalaman ko rin na nililigawan ka na rin ng boyfriend kong si Archie.

“Alam mo ba, Arthur? Sobra akong napupuot sa ‘yo. Hindi ko rin maipaliwanag kung bakit sa tuwing nakikita kita, kumukulo ang dugo ko.”

Marahan kong iniiling ang aking ulo, ngunit napaigtad ako ng marahas niyang hinawakan ang aking ulo, “Nakikita n’yo ba ang lalaking ito? His name is Arthur Rodriguez. Mag-iingat kayong lahat sa kaniya. Mukha lamang siyang inosente, pero sa kaloob-looban niya, napakarumi.

“Kilala ninyo ako, ‘di ba? Kilala ako sa University na ito bilang isang campus-crush ng lahat. Boyfriend ko rin ang isang Archie Buenaventura na isa sa pinakaguwapo rito sa kampus. Kilala kaming dalawa bilang, power couple—not until, dumating ang lalaking ito”

Patuloy lamang ako sa pag-iyak at sa pagtingin sa mga estudyanteng narito. Nang makita ko ang mga tingin sa kanilang mga mata, tila para akong dinudurog sa mga masasamang tingin nila.

“Ms. Tyra, dapat lang pala talagang ganituhin ‘yan. Lalaki ka, pero inagaw mo ang boyfriend ni Ms. Tyra.”

“Salot ka sa lipunan. Salot ang mga tulad mo. Dahil sa ‘yo, nasira ang relasyon nilang dalawa. Kaya, tama lang ‘yan sa ‘yo.”

Patuloy lamang ako sa pag-iling dahil sa mga maling paratang nila sa akin. “Kita mo na, Arthur? Nasa akin ang sympathy ng lahat,” bulong nito sa akin, “but wait, there’s more.” Sapilitan akong pinaluhod ni Tyra. Dahil sa panghihina ko dulot ng nangyayari ngayon, kusa na lamang akong bumagsak sa lupa habang hawak-hawak pa rin ni Tyra ang buhok ko.

“Ang lalaking ito ay isang—” hindi naituloy ni Tyra amg balak niyang sasabihin sa mga tao, nang bigla naming narinig ang pagsigaw ni Archie.

Kapwa kami napatingin dalawa ni Tyra kung saan nanggaling ang boses ni Archie. Nang makita ko itong tumatakbo papunta sa amin, at mula sa kaniyang likuran, nakasunod sina Melody at Lewis.

“What the hell are you doing, Tyra?!” galit na tanong ni Archie kay Tyra. Marahas na inalis ni Archie ang kamay ni Tyra sa aking buhok. At maagap naman akong inalalayan nina Lewis at Melody na makatayo.

“Nababaliw ka na ba talaga, Tyra?! How did you do this to Arthur?! You freak!” sigaw ni Lewis kay Tyra.

Ngunit, sa mga salitang kaniyang natanggap kina Archie, Melody at Lewis. Tila baliwala ang mga iyon sa kaniya. Muling nagtagpo ang aming mga mata at sa tingin niyang iyon sa akin at saka ito nagsalita, “It’s about time para malaman n lahat ng estudyanteng narito kung sino at ano nga ba si Arthur Rodriguez. Kung anong klase ng trabaho ang ginagawa niya para lamang mabuhay.

Sa mga narinig kong iyon kay Tyra, bigla na lamang nanlambot ang aking mga tuhod. Agad akong napahawak kina Lewis at Melody, kasabay rin noon ang panlalabo ng aking mga paningin.

“What do you mean by that, Tyra? Is there something important that I should know more about Arthur?”

“He’s a callboy.” Saad niya.


Callboy's Duty: Arthur Rodriguez [BOYXBOY] [R+18] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon