Kabanata XIII: Arthur

243 17 2
                                    

Hindi pa rin maalis sa aking isipan ang nakita ko kahapon. Hindi ko lubos maisip na kaya pala talaga akong pagtaksilan at lokohin ni Hanz ng ganung kadali. Sabagay, ano pa ba ang aasahan ko sa isang tulad niya? Ito ang trabaho ko, ‘di ba? Ang magbigay aliw sa mga nagiging kliyente ko. Ano pa ba ang dapat kong asahan sa kaniya, kundi ang gamitin lamang niya ang aking katawan.

Masakit man isipin, ngunit ito ang reyalidad ng buhay ko. Walang tao na gustong sumeryoso sa akin. Alam ko naman ang bagay na iyon. Pero, hindi ko naman siguro dapat na maranasan ang ganung klaseng trato mula sa kanila ‘di ba? Hindi ko dapat maramdaman na parang nanlilimos ako ng atensyon at oras sa kanila.

Sa loob ng napaka-iksing oras at panahon. Natutuhan ko na ring mahalin si Hanz. Kahit noong una, nagdadalawang-isip ako na mahalin ito. Ngunit, sinubukan ko pa ring gawin ang bagay na dapat ay hindi ko ginawa. Napukaw lamang ang aking pag-iisip ng may narinig akong nagsalita mula sa aking harapan.

Awtomatiko namang napatingin ako sa taong nagsalitang iyon. Bumungad sa akin ang lalaking nakahubad, wala itong suot na kahit anong saplot bukod sa tuwalyang nakapulupot sa kaniya. “Ikaw pala, Arthur? A-anong g-ginagawa mo rito?” Utal-utal nitong pagtatanong sa akin.

Isang buntong-hininga ang aking ginawa bago ko sagutin ang kaniyang tanong sa akin. “Nagulat ka ba sa pagpunta ko rito sa apartment mo? Bakit? Natatakot ka ba na malaman ko ang ginagawa mo?” Deretso kong pagsasalita rito.

Base sa mga tinging ibinibigay sa akin ni Hanz, isa lang ang masasabi ko. Tama nga ang hinala at kutob ko sa kaniya. Nang walang sagot akong narinig mula sa kaniya, agad kong kinuha ang oportunidad na iyon upang muling makapagsalita. “Kung alam ko lamang na lolokohin at gagaguhin mo lang ako, hindi na sana ako nagpadala sa mga salita mong walang kuwenta. Ang tanga ko, ‘di ba, Hanz? Minahal ko ‘yong taong dapat kliyente ko lang.” Saad ko sa kaniya.

“Arthur…” huminto ito sa kaniyang pagsasalita at marahan na hinawakan ang aking mga kamay. Ramdam ko sa paghawak niyang iyon, ang paghingi niya ng tawad sa akin. “…sorry sa nagawa ko. Patawad kung niloko kita at hindi ko agad sinabi sa ‘yo ang totoo. Naging duwag ako, naging makasarili. Ni, hindi ko nagawang harapin ka at sabihin sa ‘yo ang tungkol sa bagay na ito. Sana mapatawad mo ako.”

“Bakit hindi mo agad sinabi sa akin ang tungkol sa bagay na ito, Hanz?! Nagmukha akong tanga sa loob ng ilang araw. Ilang araw kitang patuloy na pinupuntahan rito. Ni walang Hanz ang nagpapakita sa akin. Iniisip ko, na baka may nagawa o nasabi akong masama na hindi mo nagustuhan. Kaya ganun na lamang ang pag-iwas na ginagawa mo sa akin. Pero, nagkamali ako.”

“Patawad talaga, Arthur. To be honest, hindi talaga kami naghiwalay ng asawa ko. Sinabi ko lamang sa ‘yo ang bagay na iyon – dahil ayokong malaman niya, na gumagamit ako ng ibang tao upang mapaglabasan ko ng init ng aking katawan. Pasensya na, Arthur, kung ikaw ang taong nagawan ko ng pagkakamali.”

Hindi ko na napigilan pa ang luha na nagbabadyang tumulo mula sa aking mga mata. Bakit ba kailangan ko itong maramdaman? Ang sakit pa lang maloko ng taong, akala mo ay mahal ka talaga. Pero, ginamit ka lamang para gawin ka lamang parausan.

Habang patuloy sa paglandas ang aking mga luha, at kahit nahihirapan akong gumawa ng mga salita. Pinilit ko pa rin ang aking sarili na makapagsalita kay Hanz. “Ano bang magagawa ko? Kung ayun naman talaga ang reyalidad. Asawa mo ‘yon, e. Natural, takot kang mawala siya. Ano ba ako? Isang hamak na callboy lamang. Isang callboy na nagbibigay ng aliw at init sa mga katulad ninyo.”

“Arthur…hindi ganun ang ibig kong sabihin. Huwag kang—” Hindi na natapos pa ni Hanz ang kaniyang sasabihin ng may isang boses ng babae ang bigla na lamang nagsalita. Parehas kaming napatingin ni Hanz sa direksyon kung saan nagmula ang boses na iyon.

“Sino siya, Hanz? Siya ba ‘yong kinukuwento mo sa akin noong isang araw?” Matapos niyang magsalita at bigla na lamang itong naglakad papalapit sa aming dalawa ni Hanz. “Ikaw siguro si Arthur, tama ba? Kahit hindi sabihin sa akin ni Hanz ang ginagawa niya. Kita at ramdam ko ang bawat kilos na kaniyang ginagawa. Kaya, kung ako sa ‘yo, dumistansya ka sa taong pamilyado na.” Awtomatiko akong napayuko matapos magsalita ang babaeng nasa harapan na naming dalawa ni Hanz.

“Ano ka ba, Isabelle? Wala namang namamagitan sa amin. Ikaw lang ang asawa ko, kaya ko lamang ginawa ang bagay na ‘yon. Ay dahil buntis ka at hindi kita puwedeng galawin. Huwag kang magalit kay Arthur. Wala siyang kasalanan rito.” Sa mga narinig kong iyon mula sa naging pagpapaliwanag ni Hanz kay Isabelle.

Para ako sinampal ng isang malakas sa aking pisngi na siyang nagpagising sa nahihimlay kong isipan. Hindi ko man lang naisip na ganun ang gagawin niya sa akin. “Huwag na po kayong magtalo. Aalis na ho ako.” Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin nina Hanz at Isabelle. Matapos kong sabihin iyon ay agad akong tumalikod mula sa kanila at naglakad palayo sa kanilang dalawa.

Habang naglalakad ako paalis sa lugar na iyon, patuloy sa paglandas ang aking mga luha. Hindi ko alam, ngunit tila may parang mga karayom sa aking dibdib ang sabay-sabay na tumutusok. Sino nga ba ang magse-seryoso sa tulad kong callboy? Wala naman ‘di ba? Habang buhay na ata akong magiging mababa sa mata ng mga tao.

Habang buhay na ata nila akong mamaliitin base sa estado ng buhay ko, sa trabahong mayroon ako at sa klase ng pagkataong mayroon ako. Napahinto lamang ako sa aking paglalakad ng marinig ko ang boses ni Lewis na tinawag ako. Bago ko hinarap ang aking kaibigan, agad kong inayos at pinunasan ang aking mga luha. Ayokong makita nila ako sa ganitong klase ng sitwasyon ng buhay ko.

“Kayo pala, Lewis at Melody. Ang aga ninyo atang pumasok ngayon?” Tanong ko sa mga ito. Yumuko ako upang hindi nila makita ang namumula kong mga mata at ilong.

Naramdaman ko namang lumapit silang dalawa sa akin. Agad ko namang naramdaman ang paghawak ni Melody sa aking balikat – na siyang naging dahilan upang mapatingin ako sa kaniya. “Arthur, hindi mo na kailangan pang lokohin ang sarili mo. Alam ko ang lahat ng nangyari, kitang-kita ko ang nangyari sa inyong dalawa noong lalaking iyon.” Sa sinabing iyon sa akin ni Melody. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang tungkol sa bagay na iyon.

Kaya naman, ng wala itong narinig na salita at sagot mula sa akin. Kinuha niya ang oportunidad na iyon upang muling makapagsalita sa akin. “Kita ko ang pag-iyak mo habang umaalis ka sa lugar na ‘yon. Arthur, ‘wag mo sa nang mamasamain ang sasabihin ko. Ayos lang na mahiwalay ka sa kaniya. Hindi siya sapat at bagay sa tulad mong mabait. Ramdam na ramdam ko iyon sa ‘yo.” Napayakap na lamang ako kay Melody nang marinig ko ang mga sinabi niyang iyon.

Napabitaw na lamang kaming dalawa ni Melody sa aming pagkakayakap sa isa’t isa ng biglang magsalita sa amin si Lewis. “Tara na nga. Baka mahuli pa tayo sa klase natin. Mamaya na lang nating pag-usapan ang nangyari sa ‘yo, Arthur.” Hindi ko na sinagot ang sinabing iyon sa akin ni Lewis. Tanging pagtango na lamang ang aking isinagot sa kaniya. Isang ngiti naman ang aking ibinigay kay Melody at matapos iyon, ay sabay-sabay na kaming naglakad na tatlo papunta sa Unibersidad.

Habang abala kami sa aming pagkukuwentuhan na tatlo. Hindi ko napansin na may tao pa lang paparating sa aming direksyon. Nagulat na lamang ako ng tumama ako sa isang matigas na katawan ng lalaki na siyang naging dahilan upang mapa-upo ako sa kalupaan. Natapon naman ang kapeng iniinom ng lalaking nakabungguan ko.

Nang makita ko iyon, agad akong tumayo kahit ramdam ko ang bahagyang pagkirot ng aking balakang dahil sa nangyari. Agad kong kinuha ang aking panyo sa aking bulsa at agad ko iyong pinunas sa uniporme ng lalaki. “Pasensya na po. Hindi ko po napansin. Hindi po kita nakita. Pasensya na po talaga.” Sunod-sunod na aking pagsasalita.

Napatigil na lamang ako sa aking ginagawa ng bigla na lamang hinawakan ng lalaking iyon ang aking kamay, “Huwag kang mag-alala. Hindi naman ako galit dahil natapon mo ang kapeng iniinom ko. Ako nga dapat humingi ng tawad, kasi hindi ako tumitinggin sa dinaraanan ko. Buti at hindi ka na natapunan ng kape. Kundi, baka magpagamot pa ako.” Natawa naman ito sa naging huli niyang sinabi sa akin.

Napayuko na lamang ako sa naging reaksyon niya matapos niyang sabihin sa akin ang mga iyon. Napahinga ako ng malalim. Ang buo kong akala ay makakaranas na naman ako ng kamalasan sa aking buhay. “Pasensya na kung hindi rin ako tumitingin sa dinaraanan ko. Huwag kang mag-alala, papalitan ko na lamang ang kapeng natapon ko.” Aalis na sana ako upang humanap ng kapeng natapon ko at palitan iyon.

Ngunit, napahinto ako sa aking gagawin paglalakad ng bigla na lamang ako nitong hawakan. “Hindi ko naman sinabi na palitan mo ang kape ko. Tsaka, hayaan mo na iyon, kaunti na rin lang naman ang laman noon,” huminto ito sa kaniyang pagsasalita. Nagulat ako sa kaniyang ginawa. Ang panyo na aking hawak-hawak ay maingat niyang kinuha at marahan na ipinahid sa aking mukha. “Hindi mo ba naramdaman na natapunan ka ng kape sa mukha mo? Sige na. Papasok na ako at baka mahuli pa tayo sa kaniya-kaniyang klase.”

Hindi na ako nakapagsalita ng bigla na lamang itong umalis sa aking harapan. Para akong naestatwa sa kaniyang ginawa sa akin kanina. Ang buo kong akala ay magagalit ito sa akin dahil natapon ko ang kapeng iniinom niya. Ngunit, hindi iyon ang nangyari. Nagulat na lamang ako ng may narinig akong dalawang boses na nagsasalita mula sa aking likuran.

Napatingin naman ako sa mga kaibigan kong sina Melody at Lewis na may malalawak na ngiti. At base sa kanilang mga tingin sa akin, tila mga nagtatanong ang mga kanilang mga mata. Imbis na sagutin ko iyon, isang ngiti na lamang ang aking ginawa sa kanila. “Tara na, mahuhuli na tayo sa klase natin.” Nauna na akong naglakad sa kanilang dalawa na may dala-dalang malawak na ngiti sa aking labi. Naramdaman ko namang sumunod silang dalawa sa akin at habang naglalakad kaming tatlo, hindi nakaligtas sa akin ang kanilang bulungan na dalawa.

Matapos ang halos walong oras na klase namin sa isang asignatura. Isa-isa ng nag-aalisan ang aming mga kaklase. Napatingin naman ako kay Melody ng bigla itong nagsalita. “Paano ba ‘yan, Lewis at Arthur. Mukhang mauuna na ako sa inyong dalawa. May pinapa-asikaso sa akin ang Mom ko. Bye, bukas na lang ha?” Tanging pagtango na lamang ang ginawa naming dalawa ni Lewis habang patuloy sa paglalakad at pagkaway si Melody.

Nang tuluyan na itong nawala sa aming paningin. Napatingin naman ako kay Lewis na kasalukuyang abala sa pagkalikot ng kaniyang cell phone. “Lewis, mauna na ako sa ‘yo, ha? May gagawin pa kasi ako, e. Ingat ka.” Tumigil naman ito sa kaniyang ginagawa at nagulat ako ng bigla ako nitong yakapin.

Hindi agad ako nakagalaw sa ginawa niyang iyon sa akin. Alam kong wala iyong malisya. Ngunit, nailang ako sa ginawa niyang iyon sa akin. “Bye na rin, Arthur. May aasikasuhin rin ako. Ingat ka rin, ha?” Nang makabitaw na ito sa kaniyang pagkakayakap sa akin, madali itong naglakad palayo.

Hindi ko na tinignan pa ang pag-alis na iyon ni Lewis. Agad na rin akong tumalikod at nagsimulang maglakad papunta sa Bahay-Aliwan. Ilang minuto ang aking itinagal sa paglalakad ng marating ko ang Bahay-Aliwan. Agad kong tinungo ang aking silid upang magpalit ng damit pangtrabaho. Ngunit, hindi pa ako nakakabihis ng may bigla na lamang kumatok sa aking silid.

“Tuloy po,” simpleng pagsasalita ko. Agad namang bumungad sa akin si Boss Adam na may dalang kahon na maliit. “Kayo po pala, Boss Adam. Akala ko sina Ryan lamang.” Naiilang na pagsasalita ko sa lalaki.

Lumapit naman ito sa akin at marahan na hinaplos ang aking ulo. Sa ginawa niyang iyon sa akin, pakiramdam ko ay parang nakakatandang kapatid ko na si Boss Adam. “Siya nga pala, Arthur. Kaya ako nagpunta rito dahil gusto kong ibigay sa ‘yo ang gamit na ito.” Agad na inabot sa akin ni Boss Adam ang kahon na kaniyang hawak-hawak.

Nag-aalangan man na kuhain iyon mula sa kaniya. Maingat kong kinuha at binuksan iyon sa kaniyang harap. Nanlaki ang aking mga mata ng makita ang isang cell phone na may magandang desenyo. Alam ko na medyo may kamahalan ito. Agad akong napatingin kay Boss Adam at tanging pag-ngiti lamang ang kaniyang ginagawa sa akin.

“Boss Adam, ano po ito? Sobrang mahal po nitong cell phone. Hindi ko po ito matatanggap. Sobra-sobra na po ang tulong na ginawa ninyo para sa akin, sapat na po ang mga iyon.” Maingat kong iniabot sa kaniya ang kahon na ibinigay nito sa akin.

Ngunit, marahan rin niya itong ibinalik sa akin. “Arthur, sa ‘yo na ang bagay na iyan. Maaaring makatulong ‘yan sa pag-aaral mo. Puwede rin iyang magamit sa pag-uusap natin kapag nasa malayong lugar tayong dalawa, o kaya naman ng mga kaibigan mo.”

“Pero, Boss Adam, masyado pong mahal ang cell phone na ito.”

“Pero bigay ko iyan sa ‘yo. Ituring mo na lamang iyan na bigay sa ‘yo ng Kuya mo.” Sa sinabing iyon sa akin ni Boss Adam, hindi ko maiwasan ang mapangiti. Pakiramdam ko nga ay para ko na siyang nakakatandang kapatid dahil sa pagmamalasakit na ginagawa niya para sa akin.

“Sige na, Arthur. Lalabas na muna ako, marami na rin kasing kliyente sa labas. Mauna na ako at magkita na lamang tayo roon.” Hindi na niya hinintay pa ang aking sasabihin ng bigla na itong umalis sa aking harapan.

Muli kong itinuon ang aking atensyon sa cell phone na ibinigay sa akin ni Boss Adam. Nahihiya man akong tanggapin ang bagay na ito. At pakiramdam ko ay, kalabisan na ito. Ngunit, wala akong magaagwa kundi tanggapin ang mga bagay na patuloy na ibinibigay sa akin ni Boss Adam. Bilang kapalit sa mga ginawa niyang kabutihan sa akin, susuklian ko siya. Pagbubutihan ko ang aking pag-aaral upang maibalik ko sa kaniya ang lahat ng mga nagawa niyang tulong sa akin.

Callboy's Duty: Arthur Rodriguez [BOYXBOY] [R+18] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon