Kabanata XVIII: Arthur

205 12 0
                                    

Inaya ko sa labas ng kainan si Hanz upang makapag-usap kami ng maayos at ng kaming dalawa lamang. Maayos naman akong nagpaalam sa mga kasama kong nasa loob. Ngunit, bago ako lumabas kasama si Hanz, marahan akong hinawakan ni Archie sa aking pulsuhan. Agad naman akong napatingin sa kaniya. Pero agad rin itong bumitaw at nagbigay na lamang sa akin ng isang ngiti.

“Arthur,” bigla na lamang bumalik ang aking isip sa reyalidad ng biglang nagsalita si Hanz. Napatingin naman ako sa kaniya at sa itusra na kaniyang ipinapakita niya sa akin, tila may mabigat itong dinadala. “Arthur, puwede ba na samahan mo ako ngayon? Nakikiusap ako.” Pagpapatuloy nito.

Nagulat ako sa kaniyang sinabi sa akin. Nakikiusap siya samahan ko raw siya ngayon. Isang malalim na buntong-hininga ang aking ginawa bago ako nagsalita, “Wala na tayong dapat pag-usapan pa. Hindi ma rin ako papayag na makasama ka.” Saad ko.

“Then, babayaran kita ngayong araw para lamang makasama ka. Tutal, naging kliyente mo naman ako. Isa pa, bayaran ka naman, hindi ba? Kaya pumayag ka na.” Sa narinig kong iyon, pakiramdam ko ay ang bababa kong tao.

Samakatuwid, isang bayaran lang pala talaga ang tingin sa akin ni Hanz. Hindi niya ako talaga minahal—o, itinuring man lang na nobyo simula’t sapul. “Hindi. Bayaran mo man ako para samahan ka. Hindi ko iyon gagawin. Ayoko na, Hanz.” Tugon ko rito.

“Hindi ka puwede tumanggi sa alok ko sa ‘yo, Arthur. Malaki ang pupuwede kong ibayad sa ‘yo bilang tip. Samahan mo lang ako at alisin ang problema ko. Ayon lang.” Pagpupumilit sa akin ni Hanz.

Habang sinasabi niya ang mga bagay na iyon. Patuloy ako sa aking pag-iling. Ayoko na muling magkaroon pa ng kahit na anumang relasyon o koneksyon sa kaniya. Kahit na bayaran ang tingin niya sa akin, hindi ko maitatanggi na minsan na ring nahulog ang loob ko sa kaniya.

“Humanap ka na lang ng iba na puwedeng ibigay sa ‘yo ang langit, Hanz. Hindi ako ang taong hinahanap mo para paligayahin ka buong magdamag. At iyang pera mo, iyong-iyo na. Tigilan mo na ako, at kung pupuwede, ‘wag ka ng magpapakita pa sa akin.”

“’Wag mo akong subukang tanggihan, Arthur. Hindi ako magdadalawang-isip na ipagsigawan ang buhay at trabahong mayroon ka. Kaya, sa ayaw at gusto mo. Susundin mo ang nais ko.” Pagbabanta sa akin ni Hanz.

Sa mga sandaling ito, hindi ko alam ang dapat kong gawin. Kung tatanggapin ko ba ang alok niya? O, tatanggihan ko iyon? Habang nasa malalim ako ng matinding pag-iisip, bigla ko na lamang natagpuan ang aking sarili na nakaluhod na sa daan at unti-unting naglalandas ang aking mga luha sa aking pisngi.

“Ano, Arthur? Pumapayag ka na ba sa alok ko? Ito ang trabaho mo, ang magbigay aliw sa mga taong hayok sa pakikipagtalik. Babayaran naman kita ng malaking halaga. Ang gagawin mo lang, aliwin ako at pasiyahin ang gabi ko. Ayon lang!”

Wala na akong nagawa. Kapag ginawa kong tanggihan ang alok niyang iyon, ipagkakalat niya sa lahat ng taong narito ang tungkol sa buhay ko—pati na rin ang trabahong bumubuhay sa akin. Siguro, dapat ko nang patulan ang inaalok sa akin ni Hanz. Para wala na ring usapan at gulo na maganap sa pagitan naming dalawa.

“Sige. Tinatang—” Hindi ko na naituloy pa ang aking sasabihin ng bigla ko na lamang nakitang nakandusay na sa daanan si Hanz at duguan na ang mukha nito.

Nang mag-angat ako ng aking tinging upang tignan ang taong gumawa noon kay Hanz, isang galit at seryosong Archie ang bumungad sa akin. At sa kaniyang likuran, naroon sina Melody, Lewis at ang dalawa niyang kaibigan.

“Anong ginagawa ng lalaking ito sa ‘yo, Arthur? Kita namin mula sa loob ng kainan kung paano ka niya puwersahin,” huminto ito sa kaniyang pagsasalita. At nagulat ako ng bigla ako nitong inalalayan patayo. “Ayos ka lamang ba, Arthur? Hindi ka ba nasaktan sa ginawa ng lalaking iyan?” Sunod-sunod na tanong sa akin ni Archie.

Umiling lamang ako sa tanong niyang iyon habang inaalalayan niya ako na makatayo. “Hindi. Ayos lamang ako. Hindi naman ako nasaktan.” Maikli kong tugon kay Archie. “Tara na. Umalis na tayo sa lugar na ito. Baka nagkakamali lang siya ng taong nilapitan.” Agad kong inaya si Archie pati na ang aking mga kaibigan upang lisanin ang lugar na iyon.

Ngunit, nang akmang maglalakad na ako. Bigla ko na lamang naramdaman ang pagpigil na ginawa sa akin ni Archie. “Huwag ko lang ulit makikita na sinasaktan mo si Arthur, or else, ako ang makakalaban mo.” Sa bantang iyon ni Archie, hindi ko alam kung bakit niya sinabi ang bagay na iyon kay Hanz.

Hindi niya alam ang totoong nangyayari sa pagitan namin ni Hanz. Akmang magsasalita na sana ako ng biglang nagsalita si Hanz. “Bakit? Who do you think you are para utusan ako na huwag guluhin ang kasama mo?” maangas na balik-tanong nito kay Archie.

Bahagya naman akong inusod ni Archie sa kaniyang likuran. At dahan-dahan niyang nilapitan si Hanz at nagwika ito rito, “Dahil ako ang nobyo niya.” Mahinang bulong niya kay Hanz. Ngunit, sapat na ang lakas na iyong upang marinig ko pati na ng aming mga kasama.

Sa mga sandaling ito, hindi ko alam kung ano ang dapat na maging reaksyon ko sa sinabing iyon ni Archie kay Hanz. Matapos iyon, ay agad akong hinawakan ni Hanz sa aking kamay at tsaka kami umalis ng sabay-sabay sa lugar na iyon. Tanging pagsunod lamang ang aking nagawa sa kaniya.

Dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin magawang maiproseso ng aking utak ang mga nangyari. Habang naglalakad kami, hindi ko maiwasang itanong ang bagay na iyon sa kaniya. “Siya nga pala, hindi mo na dapat ginawa ang bagay na iyon.” Pagbasag ko sa katahimikan.

Awtomatiko namang napahinto kaming dalawa sa aming paglalakad, habang ang mga kasama namin ay nauuna at masayang mga nagkukuwentuhan. “Ginawa ko iyon para tigilan ka na ng lalaking iyon. Hindi naman masama kung sabihin ko na nobyo mo ako, hindi ba?” Saad nito.

Napayuko na lamang ako sa kaniyang harapan. Hindi ko alam pero bahagya akong napangiti sa sinabi niyang iyon. Ano ba itong nararamdamam ko? Tila ba parang nakakaramdam ako kilig at pagbilis ng tibok ng aking puso. Imbes na magsalita ako, hinayaan ko na lamang siya sa nais niya. Muli kaming naglakad na dalawa.

At habang magkahawak-kamay kaming dalawa, hindi ko maikubli ang tuwang aking nararamdaman sa mga sandaling ito. Alam ko na kahit hindi ito totoo, kahit sandali lamang ay naramdaman ko ang pakiramdam ng pahalagahan ng isang tao. Ang sarap pala sa pakiramdam na may taong handa kang ipagtanggol sa mga taong nang-aapi sa ‘yo.

Matapos ang ilang minutong paglalakad namin. Narating na namin ang terminal ng mga jeep, at sa lugar na ito—dito na kami maghihiwalay lahat upang umuwi sa kaniya-kaniyang bahay. “Arthur, mauuna na kaming dalawa ni Lewis. Kailangan naming magbrainstorming para sa mini-research na gagawin namin.” Pagpapaalam sa akin ni Melody.

Ngumiti naman ako sa kaniya, ganun rin kay Lewis. “Ayos lang iyon. Ang suwerte niyo nga dahil kayo ang magpartner na dalawa.” Saad ko sa kaniya. Sa dinami-rami pa ng aking magiging kasama ay iyong taong nabigyan ko pa ng serbisyo sa Bahay-Aliwan. Hindi ko tuloy alam ang aking gagawin dahil patuloy pa rin akong naiilang sa kaniya. Marahil ay mayroon siyang matatapang na tingin at personalidad.

“Ano ka ba, Arthur?! Ang suwerte mo nga dahil si Archie ang kapartner mo. Bukod kasi sa guwapo, maskulado ay kilala rin bilang isa sa matalino sa Unibersidad.” Matinding pagpuri ni Lewis kay Archie. Napatingin naman ako sa kaniya habang kausap nito ang kaniyang mga kaibigan.

Ngunit, nagulat na lamang ako ng nasa aking tabi na ito kasama sina Miko at Chester. “Sabay-sabay na tayo Melody at Lewis. Tutal, gagawa rin naman kami ni Chester ng mini-research natin. Kaya isang jeep na lamang ang sakyan nating apat.” Mahabang saad ni Miko sa amin.

“Walang problema iyan sa akin. Since, mga guwapo naman kayong dalawa ni Chester. Kaya tara na.” Agad na nagpaalam sa amin sina Melody, Lewis, Miko at Chester. Habang ako naman ay patuloy sa pagkaway sa kanilang apat. Nang tuluyan na silang nakasakay sa jeep. Humarap ako kay Archie upang magpaalam para umuwi.

Kaya naman, agad akong nagwika rito, “Archie, mauuna na ako sa ‘yo. Tutal naibigay ko na naman ang number ko sa ‘yo. Itext mo na lamang ako, o kaya ay tawagan mo na lang ako. May gagawin pa kasi ako.” Pagpapaalam ko rito.

Ngunit, nang marinig niya iyon. Ay agad itong nagsalita sa akin. “Hindi. Sa bahay ko ikaw matutulog ngayon gabi. Gagawin rin natin ang mini-research natin. Kaya kung ano man iyang gagawin mo, puwede mo bang ipagpaliban muna?”

“Archie…” Hindi ko alam kung ano sasabihin ko sa kaniya. Kaya, wala na akong nagawa kundi ang pumayag sa suhestyon niyang iyon. “Sige, gawin na lang muna natin iyong research.” Saad ko. Nakita ko namang muli itong napangiti matapos kong pumayag sa kaniyang inbitasyon.

Ngunit, nagulat na lamang ako ng agad niyang hawakan ang aking pulsuhan. Wala akong ideya kung saan niya ako balak dalhin. Matapos ang ilang segundo, narating namin ang isang garahihan ng mga sasakyan. At sa lugar na ito, ay agad aking nagtungo sa isang magarang kotse.

Nang mabuksan na ni Archie ang kanang bahagi ng kaniyang sasakyan, ay maingat niya akong inalalayan na makasakay sa loob. Agad rin naman siyang sumunod. Habang pinapanood ko lamang siyang isuot ang bagay na iyon sa kaniyang katawan. Nabigla na lamang ako ng bigla nitong nilapit ang kaniyang mukha sa akin.

“Fasten your seatbelt. Mahirap na at baka madisgrasya pa tayo.” Saad niya. Napahinga naman ako ng bahagya. Akala ko kung ano na ang kaniyang gagawin sa akin.

Ilang segundo ang lumipas, habang nakatingin ako sa labas ng kotse. Hindi ko maiwasang mamangha sa ganda ng lugar na aming nadaraanan. Ngayon pa lamang ako nakakita ng ganitong kaganda na lugar sa talam ng buhay ko. At habang abala ako sa aking pagtingin sa magagandang tanawin. Hindi ko napansin na nakapasok na pala kami sa isang magara at eksklusibong subdibisyon.

Napatingin naman ako kay Archie ng huminto kami sa isang napakagandang bahay. “Bakit tayo huminto rito? Nandito na ba tayo?” Naguguluhan kong tanong sa kaniya.

Ngumiti muna siya sa akin bago niya sinagot ang aking tanong, “Oo. Dito ako nakatira sa bahay na ito. Tara na at para makapagsimula na rin tayo. Pero,” tumigil ito sa kaniyang pagsasalita. Marahan niyang tinanggal ang seatbelt na nakakabit sa akin. Nauna itong bumaba sa kaniyang sasakyan at agad na lumipat sa akin upang alalayan ako sa pagbabawa. “Magpadala na lamang tayo ng pagkain. Baka kasi nagugutom ka na. Nakakahiya naman.” Pagpapatuloy niya.

“Hindi. Hindi, ayos lang ako. Simulan na natin para mabilis rin tayong matapos. Isa pa, busog pa naman ako.” Hindi ko maiwasang mataranta ng marinig ko iyong sinabi niya sa akin. Matapos kong magsalita, napayuko na lamang ako dahil pakiramdam ko ay nakaka-abala na ako sa kaniya.

“Sir Archie, narito na po pala ikaw. Nakahanda na po ang hapunan.” Bigla pagsasalita ng isang babae na nanggaling sa bukana ng pinto ng kanilang bahay. “Ah? Ganun ba? Nariyan na ba sila Mama at Papa?” Narinig kong balik na tanong ni Archie sa kasambahay.

“Wala pa ho. Nagbilin sila na baka raw ho sa makalawa pa sila makakauwi.” Sagot ng babae.”Padalan na lamang po kami sa kuwarto ko, Ate Baby. May gagawin ho kasi kaming project ng kaklase ko.” Pakiusap ni Archie sa kasambahay.

Matapos ang bilin na iyon ni Archie, magalang na umalis ang kasamabahay sa aming harapan. “Tara na. Pumunta na tayo sa aking kuwarto. Pag-usapan na rin natin iyong gagawin sa research.” Pagsasalita nito. Imbes na sumagot ako sa kaniya.

Tahimik lamang akong sumunod kay Archie papunta sa kaniyang kuwarto. At habang tinatahak ang kaniyang silid, muli akong namangha sa ganda at laki ng kaniyang bahay. Hindi rin nakalagpas sa akin ang mga naglalakihang litrato na nakadikit sa kanilang dingding sa hagdan nila.

“Narito na tayo sa aking kuwarto. Pagpasensyahan mo na kung medyo makalat at magulo. Hindi pa kasi ako nakakapaglinis.” Napakamot na lamang siya sa kaniyang ulo habang sinasabi niya iyon sa akin.

Dahan-dahan naman akong pumasok sa magara niyang kuwarto. Magulo man at medyo makalat. Hindi ko maitatanggi ang laki nito at ang ganda. “Ayos lang iyon. Ako nga dapat ang mahiya, e.” Saad ko.

Akmang magsasalita sana si Archie. Nang may ilang magkakasunod na katok kaming narinig sa kaniyang silid na nagmula sa labas ng kuwarto. Agad namang binuksan ni Archie at tinignan ang tao sa labas. “Sige, Ate Baby. Salamat po.” Dinig kong pagsasalita ni Archie.

“Eto, maghapunan na muna tayo. Alam ko na gutom ka na.” Pagsasalita nito habang maingat na inilalapag sa kaniyang mesa ang pagkaing inihatid sa kaniya ng kanilang kasambahay.

Agad ko naman siyang tinulungan ng makita kong medyo nahihirapan siya sa paglalapag ng mga pagkain. “Salamat, ah? Mukhang masasarap ang mga ito.” Base sa mga pagkaing nakahain ngayon sa aking harapan, pakiramdam ko ay masasarap ang mga iyon.

“Masarap talaga iyan. Kaya magpakabusog ka.” Matapos niyang sabihin iyon, isa-isa niyang inilagay sa aking plato ang ulam at kanin. “Ayan. Matapos niya, magpahinga ka na muna. Makakapaghintay naman ang project natin.” Tanging pagtango na lamang aking isinagot sa kaniya.

Ilang minuto pa ang lumipas nang matapos na kaming kainin ang hapunan na inihanda ng kanilang kasambahay. At sa mga sandaling ito, tanging pagtitig lamang ang aking nagagawa kay Archie. Matapos niyang kumain kanina, bigla na lamang siyang nakaidlip.

At habang pinagmamasdan ko siya, hindi ko maitatanggi na guwapo si Archie. Maganda rin ang hubog ng kaniyang pangangatawan. Ngunit, ang kaniyang mukha na may nakakatakot ng tingin ang siyang nakakadagdag sa kaguwapuhan niya. Mayroon rin siyang magagandang mga mata at matangos na ilong—idagdag pa ang mapupulang labi.

Habang patuloy ako sa ginagawa kong pagtingin sa tulog na si Archie. Hindi ko namalayan na unti-unti na rin pala akong hinihila ng aking antok. Kaya naman, wala sa aking loob na tumabi ako kay Archie. Marahil dala na rin siguro ng matinding kaantukan. Bigla ko na lamang naramdaman ang mga bisig ni Archie na dahan-dahan na umaakap sa aking katawan.

Callboy's Duty: Arthur Rodriguez [BOYXBOY] [R+18] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon