Unang Kabanata

328 14 4
                                    

"M-May anak pa po akong binubuhay," sabi ng isang may edad na babae habang nagmamakaawang nakaluhod. Basang-basa ang mukha nito ng luha at mababakas ang takot dahil sa taong nasa harapan niya.

"Lian, anak, lumapit ka kay Papa. Hindi ba't gusto mong maging katulad ko?" tanong ng lalaking matipuno ang pangangatawan sa batang kararating lamang sa lumang gusali na kinaroroonan nila.

Magiliw naman itong lumapit sa kinikilala nitong ama habang nakangiti ng malapad, hindi alintana ang mga armadong lalaki't mga katawang duguan sa paligid niya.

Pagkalapit sa tatay nito ay tila nagningning ang mga mata nito nang makita ang ilang dekalibreng baril at patalim sa lamesa malapit sa kaniyang ama.

"Anong gusto mong gamitin, anak?" kalmado ang pagkakatanong nito sa anak niya na para bang pinapapili lamang nito ang bata ng laruan.

Walang pag-aalinlangang lumapit ito sa mga armas ngunit bago pa man makuha ang gusto niya'y huminto siya't tumingin sa ama niya.

"Pero Papa... Sabi ni Mama, bawal pa ako dahil bata pa raw ako, 'di ba?" taliwas sa inosenteng itsura nito ang kislap sa mga mata niya dahil sa kagalakang nararamdaman para sa maaaring mangyari.

"Ang mama mo talaga," tila problemado nitong sabi. Nawala sa isip ng lalaki ang asawa niyang kontra sa mga bagay na gusto niyang gawin.

"Yari tayo kapag nalaman niya 'to," may pag-aalalang mungkahi niya nang makita ang sampung taong gulang niyang anak na kunin ang isang patalim at itarak sa katawan ng batang lalaking gumalaw sa harapan niya.

"Kapag nalaman lang naman ni Mama, hindi ba?" turan nito matapos hugutin ang kutsilyong nababalot na ngayon ng dugo.

Hindi naman napigilang humalakhak ng kaniyang ama na parang iyon na ang pinakanakatatawang biro na narinig niya sa buong buhay niya.

"Seryoso ako, Papa!" angil nito saka sumimangot.

Agad namang tumigil sa pagtawa ang lalaki saka umiling-iling. "O, siya. Ako nang bahala sa Mama mo."

Parang mabangis na hayop naman itong sumugod sa matandang babaeng sumisigaw para humingi ng tulong nang marinig niya ang pagpayag ng kaniyang ama. Walang humpay niya itong pinagsasaksak hanggang sa masiyahan siya.

"Lian! Bakit ngayon ka lang, ha?" galit na bungad ni Ella sa'kin pagkapasok ko sa room namin.

Late akong nagising kaya naman second subject na ako pumasok.

"Aba, Lian! Nagiging expert ka na yatang hintayin si Ma'am na makaalis bago ka pumasok?" natatawang sabat ni Ali na katabi si Ella habang pinapagalitan ako kaya sinamaan ko naman siya ng tingin pero tinawanan lang ako nito.

"Tinanghali—"

"Tinanghali ka na naman ng gising?! Lagi ka na lang tinatanghali ng gising samantalang ang aga-aga mo kung matulog!" kulang na lang ay may lumabas na usok sa ilong at mga tainga nito sa sobrang pagkakunsumi sa akin.

"Miss mo lang 'yang si Lian eh," nang-aasar na sabi ni Ali kay Ella habang sinusundot-sundot ang tagiliran nito. "Alam mo ba? Halos mabali na leeg niyan kalilingon tuwing may papasok sa pintuan dahil hinihintay ka."

Parang mas lalo namang namula ang mukha ni Ella dahil sa sinabing iyon ni Ali bago niya ito mabilis na binatukan.

"Imbento ka!" dipensa pa nito.

"Ang tahimik mo kaya kapag wala si Lian! Parang hindi niyo 'ko best friend," nakasimangot na sabi ni Ali.

Ayan na nga, tampururut na naman siya.

Kumuha naman ako ng isang burger sa bag ko saka 'yon iniabot sa kaniya.

"Huwag ka nang magtampo, gusto mo bang pagalitan ka rin ni Ella t'wing umaga? Sabay na lang tayo pumasok lagi, gusto mo?" turan ko habang inaabot sa kaniya ang burger.

B L O O D L U S TWhere stories live. Discover now