Ikalabing-siyam na Kabanata

32 4 0
                                    

Kinagabihan ay matagumpay na nakuha ng mga tauhan namin sina Berna at ang tatlong lalaking bumugbog sa'kin. Gaya ng iniutos ko sa kanila ay nagsama sila ng tatlo pang estudyante na kasama ng mga ito noong dinakip sila.

Isinama na namin si Ma'am Yna sa mga naunang bihag namin. Lahat sila ay nakatali sa upuan habang may takip sa mata't bibig samantalang dinala ng mga tauhan namin sina Berna sa kwarto kung saan dapat papatayin si Ma'am Yna. Upang makasiguradong walang malalaman ang mga hostage na hindi papatayin ay drinoga ang mga ito ng mga tauhan namin para makatulog at kung magising man ay puro sila wala sa wisyo.

Gaya ng mga naunang misyon ay suot namin ang official attire namin para hindi kami makapag-iwan ng ebidensiyang magtuturo sa amin habang nakatali sa upuan ang siyam na estudyanteng nasa harapan naming tatlo at walang nakalagay sa bibig saka mata.

Tulog pa rin ang mga ito kaya nagpaputok na ako ng baril para magising sila. Wala akong pasensiyang maghintay ngayon dahil nagugutom na ako.

Napabalikwas ang mga ito bago napabaling ang tingin sa'ming tatlo. Gumihit ang takot sa mga mukha nila habang nakatingin sa baril na hawak namin maliban na lang sa isang babae na may black eye at pasa sa pisngi. Tila wala siyang pakialam sa paligid niya at sa kung anumang pwedeng mangyari sa kaniya.

"T-Tangina niyo! Matatapang lang kayo dahil may baril kayo!" tapang-tapangang sigaw ng lalaking binalak akong saksakin dati.

"Mga tarantado! Makawala lang ako rito, ako ang papatay sa inyo," sabi naman ng babaeng masama ang tingin sa'min habang nagpupumiglas.

"Hindi niyo kami papatayin dahil puro kayo mga hampaslupang nangangailangan ng pera namin," mayabang na sabi ng lalaking katabi ni Berna na pakiramdam ay ang talitalino niya dahil sa sinabi niya.

"T-Tama!" mahinang pagsang-ayon ni Berna. Hanggang sa huli, pabida pa rin talaga sila.

"Mga duwag! Mga gago!" sabi pa nila ngunit hindi namin sila pinansin. Lumapit ako sa babaeng walang pakialam sa paligid niya.

"Hindi ka ba natatakot sa'min?" tanong ko sa kaniya habang nakatutok ang pistol na hawak ko sa sintido niya.

Natahimik ang paligid.

"L-Lian?" hindi makapaniwalang usal ni Berna.

"Oops!" sabi ko dahil hindi ko pala na-activate ang voice changer ng maskarang suot ko. "Hi, Berna!" bati ko sa kaniya pagkatapos kong alisin ang maskarang suot ko saka mapang-insulto siyang tinignan.

"Putangina! Ikaw lang pala 'yan! Ni hindi ka pa nga yata nakapatay ng lamok. Jusko!" bulalas ng lalaking galit na galit sa'kin. Tila nawala ang tensiyon sa paligid para sa kanila dahil relax silang nagtatawanan na parang mga nasa bakasyon lang. Napahinto lang sila nang humalakhak din ako.

"Bitch, I was holding back to kill you in our school," natatawang sabi ko.

"Akala mo naman matatakot—" hindi na niya naituloy ang sasabihin niya nang barilin ko sa noo ang katabi niyang lalaki.

Tila mga gulat na gulat ang mga ito sa nangyari kaya pagkakataon ko naman para tumawa.

"Red! Tangina, Red!" natatarantang pagtawag ni Berna sa lalaking binaril ko. "Putangina ka! Bakit mo pinatay si Red?! Papatayin kita!" nagwawalang sabi ng mayabang na ungas na katabi no'ng Red.

"Paul, si R-Red!" humahagulgol sa wika ni Berna. Pati ang mga kasama nila ay nagsimula na ring mataranta at pilit na kumakawala mula sa pagkakagapos nila.

"Hala! Patay na?" painosenteng tanong ko kaya lalo naman silang nagwala dahil doon. Nginisihan ko lang sila saka ibinalik ang tingin sa babaeng nasa harapan ko na ngayon ay titig na titig sa akin. Kung titigan niya ako ay tila nakakita siya ng isang treasure chest.

B L O O D L U S TWhere stories live. Discover now