"No!" sigaw ni Ali nang makita namin ang next target.
May kumatok naman sa pintuan pagkatapos ay bumukas iyon. "Ali, keep it down. Matutulog na kami, matulog na rin kayo mga anak at may pasok pa kayo bukas," sabi ng Mama ni Ali.
Nandito kasi kami ngayon sa bahay nina Ali dahil hindi siya pinayagang mag-sleepover sa'min kaya kami na lang ni Ella ang nagpunta sa kaniya. Hindi niya kasi sinipot ang blind date na in-arrange para sa kaniya ni Tito.
"Opo, My," sagot naman ni Ali saka lumapit sa pintuan para isara 'yon.
Tila pagod na pagod naman itong lumapit sa'min at humiga sa tabi ko saka ako niyakap.
Iyong crush niya kasing teacher namin ang profile na lumabas sa game kaya siya malungkot ngayon at nakalagay pa ro'n na siya lang ang papatay kay Ma'am dahil kaming dalawa ni Ella ang mag-a-assist sa kaniya.
"Pwede naman nating i-skip ang mission na 'to, Ali," sabi ko nang hindi na ito nagsalita.
Nagbuntong hininga lang siya saka humiwalay sa akin, si Ella naman ay patuloy lang sa pagkain ng chico na binili ko para sa kaniya kahapon. "It's okay, nanghihinayang lang ako," sabi niya. Nakangiti man siya ay alam kong mahirap para sa kaniya ito. Naging kaibigan na niya kasi si Ma'am Yna at sa tingin ko ay hindi na lang crush ang nararamdaman niya para rito.
Buong magdamag kaming nagplano nina Ella ngunit may mga pagkakataong napapatulala na lang bigla si Ali.
"Pwede mong hindi gawin 'to, Ali. Maiintindihan ka namin," nag-aalalang sabi ko.
Umiling-iling naman siya. "I'll do it."
"Just remember that we gave you an option," wika ni Ella na abala pa rin sa pagkain. Umirap lang si Ali dahil sa sinabi nito. "I know."
"Bakit ako kasali? Marami namang matatangkad na babae sa room natin, ah?" kunot-noong reklamo ko. Nasa room kami ngayon at ina-announce na ni Ali ang mga sasali sa sportsfest. Kapag sinuswerte ka nga naman! Napili pa akong mapasama sa Volleyball team namin.
"Ang arte mo naman! Pang-reserba ka lang naman," malditang sabi ng isa naming babaeng kaklase.
"Kaya nga, hindi naman siya maglalaro. Paniguradong bangko lang siya tapos kung makaarte akala mong sa kaniya nakasalalay kung mananalo ang team o hindi," naiinis namang sabi ng katabi niyang babae.
"Huwag niyo ngang awayin si Lian, may punto rin naman siya," pagtatanggol naman sa'kin ni Berna na ikinagulat ko pero napasimangot din nang tumingin ito kay Ella. Sipsip.
"Fine! Sasali na ako," sabi ko saka humalukipkip.
"Nice one! I'm looking forward to play with you," sabi ng katabi ni Ali sa harapan pagkatapos ay nginitian ako. Sinimangutan ko naman ito dahil sunod itong tumingin kay Ella pagkatapos ay mas lumapad ang ngiti.
"Play with you ka d'yan, Patria? Sa basketball ka kasali, hindi sa Volleyball," sermon ni Ali sa kaniya kaya napakamot na lang siya sa batok niya.
Weirdo.
One week kaming walang klase para mapaghandaan ang sportfest at matutunan ang basics ng bawat laro. Pati kasi ang mga player katulad ni Ali ay pwedeng sumali kaya naman advantage na agad ng isang classroom kung marami silang varsity player na kaklase.
Pinagpatuloy naman ni Ali ang pag-a-announce. Kasama ko sa Volleyball team si Ella, Kanon, Ali, at tatlong babae mula sa kabilang section. Napunta kasi halos lahat sa Basketball, pwede pa rin naman kaming maglaro ng ibang game pero ang in-announce ni Ali, iyon ang mga official player ng bawat laro. Para kung sakali ay hindi na magtuturuan.
YOU ARE READING
B L O O D L U S T
ActionGxG story. Lian is a senior high school student. She is no ordinary student for all she cares about is to satisfy her bloodlust. She has loving parents and two pretty best friends but everything seems to be boring for her if there's no blood. One d...