Bago ako bumalik sa living area nina Ali ay tinawagan ko muna ang mommy niya ngunit si Mama ang sumagot. Binigyan ako nito ng instruction tungkol sa mga pupunta rito sa bahay nina Ali para ayusin ang pagbuburulan nito.
Kahit kasi gustuhin nila na sa simbahan ito iburol ay mahigpit iyong ipinagbabawal sa kadahilanang siya ang kumitil sa sarili niyang buhay.
She doesn't want to kill herself but she had to. I'm the one with bloody hands but she took the blow.
Nakita raw si Ali ni Tita Alicia sa kwarto niya na duguan at wala nang buhay.
Hindi ko alam kung anong ginawa nina Kanon para i-setup 'yon nang hindi man lang maghihinala ang magulang nito.
Ilang minuto lang ang nakalipas matapos naming mag-usap ni Mama ay dumating ang funeral service.
Habang inaayos nila ang mga ilaw at kurtina ay may ilang beses ko pang pinaulit sa kanila iyon dahil ang pangit tignan.
"If you can't take your jobs seriously, just quit! Idiots," inis na sabi ko dahil parang hindi man lang sila seryoso sa ginagawa nila.
"Sorry, Ma'am, pero hindi lang ho kayo ang customer namin," sarkastikong sabi ng may katangkarang babae.
"Really?? Maybe you should be the next customer of your funeral service then?" masayang mungkahi ko.
Napataas naman ang kilay niya dahil sa sinabi ko.
"Bata, lubayan mo 'ko sa pagiging brat mo, ha! Bad trip ako ngayon!" gigil na turan niya.
"Pia, tara na. Customer 'yan," sabi ng lalaking katabi niya.
"Sorry po, Ma'am. Condolence po," magalang na sabi nito saka hinila ang babaeng kasama niyang tinawag nitong Pia. Habang papalayo sila ay masama pa ring nakatingin ito sa'kin kaya naman nginisihan ko siya.
I can't wait to see her ugly face begging for me to spare her meaningless life.
Medyo kumalma ako nang maramdaman ko ang pamilyar na kamay na humawak sa kamay kong nangingig dahil sa galit na nararamdaman ko.
I was about to strangle her to death if only we're not in Ali's house.
"I know what you're thinking, dismiss it. We're here for Ali," bulong niya. Piniga pa nito ang kamay ko bago iyon tuluyang bitawan.
I took a deep breath before following her.
Nang dumating ang mga labi ni Ali ay siya ring dating ng mga malalayong kamag-anak nito.
Kahit magkakalayo sila ng mga pinsan niya ay halata ang bond niya sa mga ito no'ng mga bata pa sila.
Si Aika naman ay nagising dahil sa ingay sa loob ng bahay nila. Luhaang lumapit ito sa kabaong ng ate niya.
"Ate, maglaro na t-tayo. Sorry kung pasaway... ako. Hindi na k-kita aawayin ulit," umiiyak niyang turan. Lumapit sa kaniya si Tita Alicia saka inalo ang anak nito. "M-Mommy, dahil ba inaway ko si A-Ate kaya ayaw na niya ako kausapin? Promise po, hindi na ako magpapasaway."
"Wala kang kasalanan, anak. P-Pagod lang si Ate Ali kaya kailangan niya matulog ng matagal, okay? W-Wala kang kasalanan," pilit mang patatagin ni Tita Alicia ang boses niya ay hindi pa rin niyon maiikubli ang lungkot na nararamdaman niya.
Nang ma-settle na ang mga kailangan sa burol ni Ali ay umuwi na rin kami nina Ella. Gustuhin man naming magbantay kay Ali ay hindi pwede dahil may klase pa rin kami kinabukasan.
"Lian, huwag na kaya tayong pumasok bukas?" tanong ni Ella habang nasa byahe kami pauwi sa'min. Sa bahay kasi siya ulit matutulog.
"Okay lang sa'kin pero masisira ang record mo. Baka maapektuhan ang standing mo sa klase," sagot ko habang diretso pa rin ang tingin sa daan.
YOU ARE READING
B L O O D L U S T
ActionGxG story. Lian is a senior high school student. She is no ordinary student for all she cares about is to satisfy her bloodlust. She has loving parents and two pretty best friends but everything seems to be boring for her if there's no blood. One d...