Ikawalong Kabanata

51 8 12
                                    


Pagkabalik ko sa sasakyan ay parehong tahimik si Ali't Ella. Nakatulala lang ang mga ito sa kawalan.

Sinubukan kong magsalita ngunit mas pinili ko na lang na tumahimik at mag-drive pabalik sa Greenhills. Pagbalik doon ay mabilis na nagpalit sila ng damit at walang kibong sumakay sa kotse ko.

Habang nasa byahe kami ay akala ko wala na silang balak magsalita kaya naman magsasalita na sana ako ngunit naunahan ako ni Ali. "What happened back there, Ella?"

Parang pising napigtas naman si Ella saka galit na tumingin kay Ali na nasa backseat. "My mother's face popped up out of nowhere. I suddenly remembered my family, that's what happened!"

"You never killed anyone, you have a happy life. What are you doing here?!" nag-aakusang sabi nito. Parang nabigla naman si Ali sa narinig pero nakabawi rin pagkalipas ng ilang segundo.

"Anong ginagawa ko rito? What the fuck, Ella? I want to be with you both, that's why I'm here! Y'all my friend!"

"Hindi mo kailangang sirain ang buhay mo para lang sa friendship na 'to," cold na sabi ni Ella.

"Ella naman! Hindi mo ba nakikitang wala akong pakialam? I don't care if you or Lian wants to burn the world, I'd burn it with you," nahihirapang sabi ni Ali.

"Hindi niyo kailangang sirain ang buhay niyo para sa'kin," sabi ko nang tumahimik na silang dalawa. "This is my problem... Both of you are my friends but you don't have to go down with me. Huwag na kayong mag-alala, kaya ko 'to. Okay?" sabi ko pagkatapos ay tumingin sa kanila saka ngumiti.

"But—"

"You've done more than enough, it's okay. I'll be fine," nakaiintinding sabi ko.

Kinabukasan ay parang mga lutang pa rin sina Ella't Ali. Hindi ko naman mapigilang makaramdam ng guilt dahil kung hindi ko sa kanila sinabi ang nangyari kay Papa ay masaya pa rin sana sila.

Ilang beses silang napagalitan ng mga teacher namin dahil lagi silang nahuhuling tulala. Sa unang pagkakataon ay hindi nakasagot si Ella sa tanong ng teacher namin hanggang sa pinauwi na lang silang dalawa ni Ali nang sabihin din nitong masama rin ang pakiramdam niya.

"Good evening, class. Your next activity for me is role-playing. It's gonna be a one-month preparation so I'm looking forward to it, don't disappoint me," sabi ng teacher namin sa Personal Development.

Akala mo namang siya lang magiging subject namin the entire month. Kada may meeting sa kaniya, ilang gawain kaya ang idadagdag niya sa role-playing na 'yan? Isip-isip ko.

"Gaano po kahaba, ma'am?" tanong ng babae kong kaklase na nasa frontrow.

"Maikli lang naman mga 3-5 minutes lang. Any stories would be accepted as long as it's not something lame. May question pa kayo?" wala naman nang nagtanong pa sa kaniya kaya nag-groupings na kami.

"Group 3: Lian, Fae, Berna, Ysais, Glen, and Ella," katulad ng ginawa ng mga nauna ay nagsama-sama kami bitbit ang tig-isang upuan saka gumawa ng bilog. Dahil wala si Ella ay hindi na ako umaasang may kakausap pa sa akin na mga kagrupo ko.

"Ako na lang ang gagawa ng script natin tapos ako na rin ang pipili kung sino ang gagampanan niyo sa script na isusulat ko, ha?" sabi ng isa naming kagrupo. Tumango lang ako bilang pagsang-ayon nang tumingin siya sa akin. Malas talaga, kagrupo ko pa pala ang nanikmura sa'kin. Mabuti na lang at hindi siya ang gagawa ng script.

"Nice! Sasabihan ko na lang kayo kapag tapos na para masimulan na natin ang rehearsal. By the way, pakisabihan na lang si Ella," sabi nito sa'kin kaya tumango lang ako ulit.

Uwian na at nasa locker room na naman ako nang palibutan ako ng mga tumambang sa'kin noong nakaraan pero hindi tulad noong nakaraan ay may kalayuan sila sa akin ngayon. "Kung inaakala mong tapos na kami sa'yo, nagkakamali ka. Hindi ako titigil hangga't hindi ko naaalis 'yang klase ng tingin mo sa'kin," pagbabanta nito pagkatapos ay umalis na sila agad pero binigyan pa ako ng middle finger ng isa niyang kasama bago tuluyang lumabas sa locker room.

B L O O D L U S TWhere stories live. Discover now