"Hello, Tita? Bakit po?" magalang na tanong ko pagkasagot ko sa tawag ng mama ni Ali.
Maingay sa lugar na kinaroroonan nito ngunit hindi nakaligtas sa pandinig ko ang mahinang paghikbi nito.
"Bakit po, Tita? May nangyari po ba?" nag-pa-panic kong tanong.
"K-Kasama mo ba si Ella, anak?" halatang pilit nitong pinapatatag ang sarili nang magsalita ito.
Tinignan ko muna si Ella na nasa harapan ko bago siya sinagot. "Opo, bakit po?"
"W-Wala na kasi si... si Ali, pwede ba kayong pumunta ni Ella sa bahay? Nasa hospital kasi ako. Pasensiya na sa a-abala."
Hindi ko alam kung paano niyang nagagawang pigilan ang emosyon niya gayong halos magkasunod nawala ang asawa't anak niya.
"K-Kami na pong bahala kay Aika, nasaang hospital po ba kayo? Papapuntahin ko po si Mama d'yan."
Matapos niyang sabihin ang pangalan ng hospital ay bumaba na kami ni Ella para puntahan si Mama habang sinasabi sa kaniya ang sitwasyon. Tila naaligaga rin ito, hindi na ito nagpalit pa ng damit at hinubad lamang ang kaniyang lab coat.
Kami rin ni Ella ay nagpahatid na sa bahay nina Ali.
Habang binabagtas namin ang daan patungo sa bahay nito ay pabigat naman nang pabigat ang nararamdaman ko.
Am I even allowed to see Ali when I'm the one who cost her, her own life?
"Ikaw na lang kaya ang pumunta, Ella?" sabi ko habang hindi mapakaling pinaglalaruan ang daliri ko.
"Bakit? Magtataka si Tita kapag umuwi siya't wala ka ro'n," pagkontra niya.
"I'm sure magtatampo sa'yo si Ali kapag hindi ka pumunta. This is the least that we can do to somehow ease her mother's pain," pagsasalita niyang muli nang hindi ako sumagot.
Nang hawakan nito ang kanang kamay ko ay siyang naging sanhi ng pag-angat ng tingin ko sa kaniya. There's concern lingering in her eyes that puts me at ease. "And besides, I'm here. I won't leave you."
Siguro nga nag-hallucinate lang ako no'ng araw na namatay si Ali. I genuinely thought Ella would kill me.
"I'm sorry," mahinang turan ko.
"Bakit?" tanong niya habang pinaglalaruan ang kamay kong hawak niya.
"For thinking something ill about you... I thought I saw you pointing a gun at me before I passed out that day. I'm sorry," guilty kong turan habang nakayuko. Nahihiya ako sa inasal ko sa kaniya.
Nagawa ko siyang pag-isipan ng masama gayong wala siyang ibang ginawa kun'di intindihin ako.
"Nandito na po tayo," sabi ng driver ko kaya naman hindi ko na hinintay pa ang sagot ni Ella.
"Kung anu-ano nang nakikita mo. Tara na nga sa loob, lagot tayo kay Ali kapag pinabayaan natin ang kapatid niya," sabi ni Ella nang maabutan niya akong papasok sa bahay nina Ali.
Base sa tono ng pananalita nito ay mukhang hindi naman niya dinamdam ang sinabi ko kaya nakahinga ako ng maluwag.
"Gusto ko nga makita si Ate! Sabi niya, tuturuan niya akong mag-Volleyball pagkauwi niya. Bring me to her!"
Nagwawalang si Aika ang naabutan namin ni Ella pagkapasok sa bahay nina Ali.
Nakapang-alis din ito at may dalang backpack.
Hindi naman magkandaugaga sa pagpapakalma sa kaniya ang tagapag-alaga nito na si Manang Fe.
Si Ali lang kasi ang sinusunod ni Aika bukod sa mommy niya.
YOU ARE READING
B L O O D L U S T
ActionGxG story. Lian is a senior high school student. She is no ordinary student for all she cares about is to satisfy her bloodlust. She has loving parents and two pretty best friends but everything seems to be boring for her if there's no blood. One d...