Nang dahil sa nangyaring insidente sa loob ng eskwelahan namin ay napilitang ipatigil muna ang pag-aaral namin sapagkat natatakot din ang mga magulang ng mga estudyanteng nag-aaral doon na baka maulit ang nangyari sa'min sa ibang estudyante lalo na't walang nahuli at may mga namatay kaming kaklase.
Hindi rin matukoy ng pulisya kung anong motibo ng abductors namin kung bakit ginawa ng mga ito ang krimeng iyon.
Gaya ng ipinangako ko sa mga tauhan kong inutusan ko ay pinalaya ko ang mga pamilya nila saka binigyan sila ng tig-dadalawang milyon upang makapagsimula sila ng bagong buhay at magpakalayo-layo.
Under surveillance din ang estudyanteng hinayaan naming mabuhay. Katulad ng sinabi niya ay wala nga itong ginagawang hakbang laban sa akin. Dahil din sa nangyari ay naungkat na naman ang isyu ni Mr. Brown na pinatay at hindi nabigyan ng hustisya.
May ilang estudyante ring nagbunyi nang malaman kung sino ang mga namatay sa nangyaring insidente, mga estudyanteng masaya dahil nawalan ng klase, at mga estudyanteng nalungkot saka nagalit dahil hindi na tinuloy pa ang sports fest.
"Lian, take a look at this," pagkuha ni Ella sa atensiyon ko. Kasalukuyan kaming nasa Gym sa bahay. Habang tumatakbo ako sa treadmill ay nakaupo naman itong pinapanood lang ako o kaya'y mag-ce-cell phone.
Lumapit siya sa'kin saka ipinakita ang screen ng phone na ginagamit namin sa mission habang patuloy pa rin ako sa pagtakbo.
Hindi ko alam kung dahil sa matagal na pagtakbo ko kaya sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko o dahil sa excitement na nararamdaman ko.
Muntik pa akong masubsob dahil napatigil pa ako sa pagtakbo. Mabuti na lang at nahawakan ako ni Ella saka napatigil niya ang treadmill.
"Thanks," nahihiyang sabi ko.
"No worries," sabi niya saka ipinakitang muli ang screen ng cell phone.
Imbis na profile ng tao ang nandoon ay picture ng isang prisinto ang nakita ko. Lalo pa akong ginanahan dahil bukod sa mga pulis ang susunod naming target, nakasaad din doon na kung magtatagumpay kami; i-re-reveal nila sa next mission kung sino ang traydor.
Mukhang magiging exciting ang mission na 'to.
Pagkalipas ng tatlong araw ay tumigil na ang mga reporter sa pagsubok na kumuha ng statement mula kay Mama, lalo na sa amin ni Ella ukol sa nangyaring pagdakip sa amin. Kasabay ng pagtigil nila ay siyang pag-alis din ng mga pulisyang nagbabantay sa amin para raw sa proteksiyon kung sakaling bumalik ang mga dumukot sa amin.
Instant celebrity ang ilan sa mga kasama naming dinakip, pati na rin si Ma'am Yna na pumayag magpa-interview.
Pagkalipas pa ng dalawang araw ay nagpadala nang muli ang mga kumuha kay Papa ng package.
Nang dahil sa nangyari ay hindi makapunta si Ali sa bahay kaya nag-video call na lamang kami habang binubuksan namin ni Ella ang package para hindi siya mahuli sa balita.
"Tingin mo anong motibo no'ng kumuha sa papa mo?" tanong ni Ali habang hinihiwa ni Ella ang tape ng kahon.
Napaisip naman ako sa tanong niya. Sa dami kasi ng nangyari nitong mga nagdaang buwan ay hindi na ako nagkaro'n ng pagkakataon isipin ang mga nangyayari. Para bang kusa na lang akong kumikilos para sundin ang gusto ng mga dumukot kay Papa.
Itinaas ko ang kamay kong may hawak na cutter na tila may sasabihin ngunit hindi rin ako nakapagsalita. "That doesn't cross her mind these days," sagot ni Ella para sa'kin.
"Tingin mo, Els. Anong motibo no'n?" tanong pa ni Ali.
"Wala akong maisip na dahilan maliban sa pera pero hindi naman sila nanghihingi sa pamilya ni Lian kaya hindi ko na alam," sagot naman ni Ella.
YOU ARE READING
B L O O D L U S T
ActionGxG story. Lian is a senior high school student. She is no ordinary student for all she cares about is to satisfy her bloodlust. She has loving parents and two pretty best friends but everything seems to be boring for her if there's no blood. One d...