Nagtakbuhan papunta sa gitna ng court ang mga kaklase namin at pinuri ako. Binalak pa nila akong buhatin ngunit pinigilan sila ni Ella na ipinagpapasalamat ko dahil pakiramdam ko ay bugbog na bugbog ang katawan ko.
Ang mga nanakit naman sa'king kaklase namin ay mga nakasimangot lang na nakatingin sa'kin.
Lumapit sa akin si Ella at nilagyan ako ng towel sa ulo. Si Ali naman ay payakap akong inakbayan at ginulo ang buhok ko na natatabunan ng tuwalya.
"Ang galing mo pala talagang mag-Basketball! Kailangan mo 'kong labanan next time!" sabi niya na tila proud na proud sa akin.
Tinignan ko si Ella para humingi ng tulong pero nakangiti lang na tila proud din ito sa'kin.
Natigilan kami nang may babaeng humarang sa daraanan namin. "Lian, water?" tanong ni Kanon na may hawak na malamig na water bottle.
Umayos naman ako ng tayo at inalis ang towel na nasa ulo ko saka tinanggap iyon. "Thank you," nakangiting sabi ko.
"Ang galing mo kanina, let's play some other time," nakangiti ring sabi niya habang titig na titig sa akin.
"How about me? Magaling din naman ako kanina, 'di ba?" pagsali ni Ali sa usapan.
"Magaling ka rin," sagot naman ni Kanon at tinapunan lang sandali ng tingin si Ali saka tumingin sa'kin ulit.
"Iba na talaga kapag favorite," parinig pa ni Ali kaya mahina ko siyang siniko sa tagiliran.
Magsasalita pa sana si Kanon pero sumingit ang ilan naming kaklase sa'min. "Captain! Sa'n na libre namin?" tanong ng kaklase naming lalaki. Kasama rin nito ang mga kaklase namin saka ang kabilang section.
"Oo nga pala! Tara na," sabi ni Ali saka ako hinila pati si Ella na tahimik lang sa tabi namin. "Ikaw rin, Kanon. Tara," aya niya kay Kanon na tila hindi alam kung sasama siya o hindi ngunit sumunod din naman.
Kaniya-kaniyang sakay kami sa mga kotse namin papunta sa isang Korean Restaurant para mag-Samgyup. Kaming apat nina Ella ang magkakasama sa iisang table kaya sobrang awkward dahil ang tahimik, mabuti na lang at maingay si Ali. Wala itong ibang ginawa kung hindi dumaldal. Si Kanon at Ella naman ang nagluluto.
"Marunong din akong kumain, mga mare," sabi ni Ali nang puro sa akin binibigay nina Kanon ang mga naluluto nila habang nagkwekwentuhan sila.
"Ay, sorry," paghingi ng dispensa ni Kanon at sinimulan na ring bigyan si Ali.
"Kumain din kayo. Kaya ko sarili ko guys," alanganing sabi ko.
Palihim na hinawakan ko sa ilalim ng lamesa ang hita ni Ella para kalmahin siya. Magkatabi kasi kaming dalawa samantalang katapat ko naman si Kanon. Medyo nag-relax si Ella at nagsimula na ring kumain. Naging matiwasay ang pagkain naming lahat lalo na ako dahil hindi sila mahilig sa maliliit na patatas kaya wala akong kaagaw doon.
Pagdating sa bayaran ay bigla na lang hindi mahanap ni Ali ang wallet niya, halos mag-away pa si Kanon at Ella kung sino ang magbabayad sa kanila kaya sa huli ay ako na lang ang nagbayad para hindi na sila magtalo pa.
Kinabukasan ay isinagawa na namin ang plano namin nina Ella. Nag-hire ako ng mga tauhang mag-ki-kidnapped sa ilang mga estudyante kasama si Ma'am Yna para hindi mahalatang siya ang kailangan namin. Kahit maraming sibilyan sa buong eskwelahan namin ay madali nila kaming nadakip. Pagkarating sa loob ng van ay pinatulog nila agad ang tatlong estudyanteng sinama nila pati si Ma'am pagkatapos ay saka lang nila inalis ang itim na telang itinabon nila sa mukha namin.
"Nice one," nagagalak na sabi ko at nakipag-hi-five pa sa katabi kong kidnapper.
"Papakawalan niyo na po ba ang pamilya namin?" tila takot na tanong niya sa'kin. Nilakihan ko naman ito ng mata para sabihing tumahik siya ngunit huli na dahil narinig na iyon nina Ali.
YOU ARE READING
B L O O D L U S T
ActionGxG story. Lian is a senior high school student. She is no ordinary student for all she cares about is to satisfy her bloodlust. She has loving parents and two pretty best friends but everything seems to be boring for her if there's no blood. One d...