Ikatatlumpu't isang Kabanata

126 5 1
                                    

Later that day, I saw him eye-fucking a teenager at the rooftop. Lalapitan na sana niya ang babae ngunit natigilan ito nang makita niya ako.

Mukhang gawain talaga ng matandang 'yon ang mangbiktima ng mga kabataan. Kadiri talaga ang hayop.

Nang may madaanan akong grupo ng mga kalalakihan na parang mga sanggano ay lumapit ako sa kanila. Tila mga asong ngayon lang nakakita ng babae naman ang mga ito kung makatitig sa'kin ngunit nawala ang libog nila matapos kong iangat ang laylayan ng t-shirt ko ng kaunti para ipakita ang baril ko na hindi ko na inalis pagkarating sa hotel kanina no'ng umuwi ako.

May dalawang baril at ilang magazine na baril ako sa katawan ko dahil sa pag-aakalang mapapalaban kami ni Ella ngayong araw.

Umayos ng tayo ang mga ito at tila naghanda sa anumang pwede kong gawin.

"Chill, I won't kill anyone here even though y'all making it hard for me to not do it," naaaliw kong mungkahi. Tila nagulat naman ang mga ito sa sinabi ko. Hindi pa rin sila nag-relax pero hindi ko na lang 'yon pinansin.

"Anong kailangan mo sa'min?" tanong ng sa tingin ko ay pinakabago nilang miyembro. Halatang nagpapabida siya sa boss niya para makuha ng tuluyan ang approval nito na mapasali siya sa grupo nila.

Hindi ko siya pinansin at tinignan ang boss niya. "Let's talk to your cabin," pautos kong sabi. Magpapabibo na naman sana ang lalaking nagsalita kanina pero sumenyas ang pinakalider nila na susundin ng mga ito ang gusto ko.

Mabuti naman at marunong siyang bumasa ng sitwasyon. Patunay lamang 'yon kung bakit siya ang leader nila.

Kaming dalawa lang ng boss nila ang pumasok sa cabin nila. Hindi naman umalma ang ibang mga kasama niya maliban na lang sa isa na nakatanggap ng suntok sa sikmura mula sa tingin ko ay kanang kamay ng lider. Napansin siguro nito ang akma kong pagbunot sa patalim ko.

Pagkapasok namin sa loob at umupo ako sa kamang nasa gawing kanan at siya naman ay sa kaliwa.

"Mario," pakilala nito na inilahad pa ang kamay ngunit imbis na makipag-kamay ay nilagyan ko 'yon ng tseke. Nang makita niya ang amount na nakasaad doon ay nanlaki pa ng bahagya ang mga mata niya. Halatang small time lang ang mga ito dahil nagulat siya sa halagang 'yon.

"Anong ipapagawa mo?" malaki ang ngiting tanong niya matapos niyang kuhanan ng litrato ang tseke at ipasuri kung tunay nga iyon.

"Do you know the old man awhile ago?" sa halip ay tanong ko sa kaniya imbis na sagutin siya. Tila nag-isip naman ito sandali bago tumango-tango.

"Iyong mahilig ba sa mga bata?" pagkukumpirma niya sa nasa isip niya.

"Yeah... Kaya niyo bang itapon ang matandang 'yon sa dagat?"

"Consider it done," nakangisi niyang sabi.

"Good," sabi ko saka tinalikuran na siya para bumalik sa cabin ko ngunit mabilis itong tumayo para pagbuksan ako ng pintuan.

"Mario Mag-isa, Facebook ko para kung sakaling may ipapagawa ka ulit," pahabol niya pang sabi. Tumango na lang ako kahit wala naman akong balak na utusan pa siya.

Mag-a-alas dose na ng madaling araw nang may kumatok sa pintuan ng cabin ko. Pagkabukas ko no'n ay bumungad sa'kin ang isang lalaki.

"Nasa taas na silang lahat, pinapatanong ni Boss kung gusto mo raw mapanood?" tanong nito. Kung hindi pa niya sinabi kung anong pakay niya sa'kin ay hindi ko pa maaalala ang tungkol sa iniutos ko sa kanila kanina.

"Nah, just do it already. Kung sakali mang mabahag ang buntot niyo at hindi niyo ituloy. Alam niyo naman na ibig sabihin no'n?" bored kong sabi.

Tumango lang ito saka nagpaalam na.

B L O O D L U S TWhere stories live. Discover now