Ikadalawampu't dalawang Kabanata

27 3 0
                                    

"Ayos lang po ako, Ma. Opo, kasama ko po sina Ella. Ikaw na po ang bahala sa family ni Ali."

"Oh, kumusta?" kinakabahang tanong ni Ali sa akin pagkababa ko ng tawag.

"Si Mama na ang bahala," pag-a-assure ko sa kaniya.

Hindi pala sila tumawag sa mga pamilya namin habang tulog ako mabuti na lang at nagawan ng paraan ni Mama dahil muntik nang mag-report sa polislce station ang mga magulang ni Ali.

Parang nakahinga na ng maluwag si Ali na kanina pa kain nang kain.

"Ang takaw mo talaga, hindi ka man lang mamigay," puna ko sa kaniya. Hahablutin ko na sana ang hawak nitong junk food pero mabilis niyang naiiwas 'yon sa'kin.

"Kita mo nang nag-s-stress eating 'yong tao, nagbalak ka pang maki-agaw," sabi niya na may kasama pang pagpitik sa kamay ko.

"Si Mama na nga ang bahala sa'yo kaya hindi mo na kailangan mag-stress eating d'yan," sabi ko pagkatapos ay matagumpay na nahablot ang isang bag ng Lays sa tabi niya.

"Fine!" walang nagawang sabi niya. Halata ang inis nito dahil sa kinuha kong pagkain niya pero wala naman na siyang nagawa para bawiin 'yon.

Nag-aasaran kami ni Ali nang biglang pumasok si Ella sa kwartong kinalalagyan ko. Natigilan kami saglit ni Ali pagkatapos ay nagpatuloy ulit kami sa pag-aasaran na hindi rin naman nagtagal dahil humarang si Ella sa harapan ko.

Nakaupo ako sa edge ng kama habang si Ali ay nakaupo sa sofa.

"I'm sorry," tipid niyang sabi nang dadasog sana ako para makita si Ali.

"Okay, I'm out," rinig kong sabi ni Ali pagkatapos ay sunod kong narinig ang pagbukas at pagsara ng pintuan, indikasyon na iniwan niya kaming dalawa.

"Wala ka nang topak?" tanong ko sa kaniya. Gaya ng inaasahan ay nakatanggap ako ng pinong kurot mula sa kaniya.

"Aray! Akala ko ba nag-so-sorry ka?" kunot-noong tanong ko habang hinihimas ang parteng kinurot niya. "Nabaril kaya ako," kunwaring nasaktang sabi ko. Hindi naman niya natamaan ang tama ko pero syempre kailangan kong umarte ng kaunti para ma-guilty siya.

"Ikaw kasi! Wala naman akong topak," nakasimangot niyang sabi pero inalis rin naman ang kamay ko saka inangat ang damit ko para tignan ang part na kinurot niya. "Sorry," guilty niyang sabi nang makitang namumula iyon.

"Bahala ka d'yan," masungit kong sabi saka dumasog palayo sa kaniya.

"Babe," malungkot niyang sabi pero hindi ko pa rin siya pinansin hanggang sa makarinig ako ng paghikbi. Mabilis pa sa alas kwatrong binalot ako ng guiltness nang makita siyang lumuluha.

"Bakit ka umiiyak? Sorry na, sige na bati na tayo," natatarantang sabi ko. Kinuha ko pa ang isang kamay nito saka ginawaran 'yon ng maliliit na halik ngunit hindi pa rin siya tumatahan kaya niyakap ko na lang siya.

Nanatili lang kami sa gano'ng posisyon hanggang sa maramdaman kong yumakap na rin siya sa'kin pabalik. Maingat ang bawat paggalaw niya na tila ako isang babasaging gamit na dapat ingatan.

"Bawal mo 'ko hindi pansinin," mahinang utos niya.

"Opo," sagot ko habang hinahaplos ang buhok niya.

"Sa susunod, magdadala na talaga ko ng jowa ko," sabi ni Ali na nandito na pala ulit sa loob ng kwarto. Hihiwalay na sana ako kay Ella kaya lang ay mas hinigpitan nito ang pagkakayakap sa akin kaya napangiwi ako dahil sumakit ang sugat ko.

"Gaga ka, Ella! Huwag mong pisakin at may sugat 'yan," saway ni Ali sa kaniya. Kita kasi ni Ali ang mukha ko kaya nakita niya ang pagngiwing ginawa ko.

B L O O D L U S TWhere stories live. Discover now