"So, si Principal Ana pala ang next nating target?" excited na sabi ni Ali. Masayang tumango-tango naman ako samantalang napailing na lang si Ella dahil para kaming bata ni Ali.Nasa sala kami ngayon ng bahay ni Ella. Plano sana naming gumawa ng individual project nang sama-sama na nauwi lang sa pagtsitsismisan at panonood ng mga movie hanggang sa napunta ang topic sa 'Hunting Ground'.
Dahil naisakatuparan ko ang mystery mission ay na-unlock ang next mission para sa'ming tatlo at doon namin natuklasang si Principal Ana ang next naming target.
Alam kong gustung-gusto na nilang magtanong tungkol sa last mission ko pero pinipigilan lang nila ang sarili nila. Kahit din naman gustuhin kong sabihin ay hindi pwede. Na naging advantage ko dahil hindi ko alam kung pa'no ko sasabihin sa kanila ang pangyayaring iyon.
Wala naman akong pakialam kung malaman ng ibang tao, nina Mama, at lalo na ni Papa pero hindi ko alam kung bakit pagdating sa kanila ay ayokong malaman nila ang parteng iyon ng buhay ko.
"Hoy! Nakatulala ka na naman d'yan," sabi ni Ali na nag-snap pa sa tapat ng mukha ko habang si Ella naman ay nakaunan na pala sa balikat ko.
"A-Ano ulit 'yon?"
"Sabi ko, si Principal Ana pala ang next," sabi ni Ali saka ipinagpatuloy ang pagkain niya ng ice cream.
"Ah, yes! Si Principal Ana," sabi ko saka ngumiti ng nakaloloko kay Ali.
Inirapan ako nito nang subuan ako ni Ella ng lasagna-ng kinakain nito. "Umamin na nga kayo sa'kin. Ayos lang naman kung bakla kayong dalawa," seryosong sabi nito.
"Ali, kahit hindi ayos sa'yo, wala kaming paki," sabi ni Ella. Natatawang tumango naman ako kaya sinimangutan niya kaming dalawa.
"Huwag kayong iiyak-iyak sa'kin kapag hindi kayo nagkatuluyan," masungit na sabi niya saka inagaw ang slice ng pizza-ng kukuhanin ko sana. Hindi ko na sana siya papansinin pero kinuha niya ang buong box ng pizza. "Parang bata ay!" kunot noong reklamo ko.
"Umamin na kasi kayo!"
"Hindi pa nga kami, ang kulit," sabi ko habang pilit na inaabot ang box ng pizza na hawak niya. "Isa, Ali! Kapag nahulog 'yang pizza," inis na saway ko pa.
Napatigil lang ako nang may umagaw sa box ng pizza na hawak ni Ali. "Hindi pa kami kaya tantanan mo na si Lian. Humanap ka na nga ng pipikutin sa kanto at baka sakaling may magkamali pa sa'yo," sabi ni Ella na akala ko ay kinuha ang pizza para sa'kin pero umupo lang ito sa kama ko para sarilinin iyon. Bagsak ang balikat akong tumabi sa kaniya.
"Pero seryoso, kung sakali mang mapagdesisyonan niyo nang maging kayo. Subukan niyong kalimutan ako, ibibitin ko talaga kayo patiwarik," pagbabanta ni Ali saka humiga at umunan sa hita ko.
"Para namang mangyayari 'yon. Kahit yata hindi ka imbitado sa party, kusa mong iniimbitahan ang sarili mo e'," pang-aasar ni Ella kay Ali.
"Girl, I'm the party! What are you talking about?" confident na sabi ni Ali.
"Bakit ba kasi audience na naman ako?" nakasimangot na reklamo ko habang pinapanood silang mag-setup ng sniper.
"Hindi ka naman nanood noong nakaraan, ah?" kunot noong sabi ni Ella. Pasimple naman akong inaasar ni Ali kaya inirapan ko ito.
"Ako ba ang iniirapan mo?" tanong ni Ella sa akin. Medyo nataranta naman ako dahil ang sama ng tingin niya. Hindi ko tuloy alam kung papaslangin ko si Ali na lalo akong inaasar na nasa likuran ni Ella o magdadasal dahil parang ako yata ang mauunang paslangin ng babaeng nasa harapan ko.
Umiling-iling lang ako saka ngumiti ng alanganin bago kinuha ang telescope para silipin doon kung anong ginagawa ng target namin.
"Nag-practice lang a-ako, akala ko kasi stuck na ang mga mata ko," seryosong sabi ko kahit na kinakabahan habang pinapanood magsasayaw sa loob ng room niya ang principal namin.
YOU ARE READING
B L O O D L U S T
ActionGxG story. Lian is a senior high school student. She is no ordinary student for all she cares about is to satisfy her bloodlust. She has loving parents and two pretty best friends but everything seems to be boring for her if there's no blood. One d...