Ikapitong Kabanata

64 9 16
                                    


Matapos nilang malaman ang tungkol sa package ay nagpasya silang pumunta rito sa bahay ngayong gabi. Kahit sinabi kong bukas na lang namin usisain ang laman ng package ay hindi sila nakinig sa'kin at basta na lang ako binabaan ng tawag. Minsan napapaisip ako kung palihim silang nag-bo-bonding na dalawa kapag wala ako. Hay nako.

Pagkalipas ng tatlumpung minuto ay walang habas na bumukas ang pintuan ng kwarto ko at pumasok si Ella. Ni-lock ko naman ang kwarto ko pero dahil may spare key siya ay madali lang siyang nakapasok. Hindi na ako nagulat nang siya ang unang dumating dahil paniguradong pahirapan pang nagpapaalam si Ali sa magulang niya.

Dali-dali itong nag-dive payakap sa akin. "I miss you," malambing na sabi niya. Nangingiting niyakap ko naman siya pabalik.

Bumitaw lang sa pagkakayakap sa akin si Ella nang dumating si Ali.

Una naming binuksan ang tablet. Nasa kanan ko si Ella at nasa kaliwa ko naman si Ali. Nang buhayin ko ang tablet ay unang lumabas ang logo nitong isang lion. Nang tuluyan nang bumukas ang tablet ay isa lang ang app na laman nito.

"Hunting Ground," basa ni Ali sa pangalan ng app. "Gamer pa yata ang mga kumuha kay tito Demi," dagdag pa nito.

Inagaw naman ni Ella ang tablet sa kamay ko saka pinindot ang app ngunit walang nangyayari kaya kinuha mula sa kaniya ni Ali ang tablet. "Pasmado ka yata, Ella," pang-aasar nito pero wala ring nangyari nang pindutin niya ang app. "Sino ngayon ang pasmado sa'ting dalawa?" pang-aasar naman ni Ella pabalik kay Ali.

"Akin na nga," agaw ko kay Ali ng tablet at no'ng ako naman ang pumindot ay saka lang bumukas ang app. "Nag-aaway pa kayo. Pareho lang naman pala kayong pasmado," natatawang sabi ko kaya nakatanggap ako ng kurot mula kay Ella.

"Ikaw lang siguro ang pwedeng gumamit ng tablet na 'yan, Lian," sabi ni Ali nang hindi na naman nila mapindot screen.

"Mukhang gano'n na nga," sabi Ella pagkatapos ay inabot sa'kin ang isang papel. May instruction pala sa loob ng package, hindi ko lang nakita. Nakasaad doon na kung sino lang ang naka-register ang fingerprint sa tablet ay iyon lang makakagamit nito.

Mukhang tama naman ang naging hula ni Ali dahil laro ang app na laman ng tablet.

"Congratulations! You're chosen to play the beta version of Hunting Ground," basa ko sa message na nag-appear sa tablet. After I clicked the, 'Let's get started' button. Two options appear.

"I-click mo ang multi player, Lian," excited na sabi ni Ella. Sinunod ko naman ang gusto niyang mangyari. Lumabas sa screen na kailangan kong gumawa ng username kaya inilagay ko ang pangalan ko at pina-scan muli ang fingerprint ko.

Nag-appear ulit sa screen na kailangan muling gumawa ng username ngunit ako naman ang hindi makapindot sa screen. Inagaw naman ni Ella ang tablet at ginaya ang ginawa ko. Ganoon din ang ginawa ni Ali.

"Welcome to the Hunting Ground, Master Lian, Master Ella, and Master Ali. Swipe left if you want to accept your first mission."

Nagkatinginan naman kaming tatlo saka ako nag-swipe left pero walang nangyari. Sinubukan din naming sabay-sabay pindutin ang screen pero wala pa ring nangyari.

"Aha!" bulalas ni Ali. Hawak na nito ang pamphlet na naglalaman ng instruction na binabasa ni Ella kanina. "Kapag daw multiple player ang pinili, kailangang gamitin ang phone na kasama sa package para makapaglaro," paliwanag nito kaya naman dali-dali nilang binuksan ang phone na akala ko kanina ay isa lang. Dalawa pala ito pero magkadikit lang kaya akala ko iisa lang.

Katulad sa tablet ay lumabas din ang lion na logo sa mga phone nang buhayin nila iyon. Tulad sa tablet ay kung sino ang unang nag-scan ng fingerprint ay siya lang ang makagagamit ng gadget na iyon. Ang pinagkaiba lang ay pagkabukas nila ng app ay nasa part na sila agad kung saan papipiliin sila kung tatanggapin nila ang mission o hindi. Sabay-sabay naman kaming nag-swipe left at lumabas ang profile ng dalawang tao.

B L O O D L U S TWhere stories live. Discover now