Ikadalawampu't isang Kabanata

34 3 0
                                    

Dumating kami sa prisintong target namin nang walang problemang nangyayari.

Sa loob ng ilang araw ay kinabisado namin ang blueprint ng prisinto at mga rutang pwedeng daanan ng sasakyan namin kapag kailangan na naming tumakas.

Wala kaming paraan para maobserbahan ang prisinto ng personal gayong nakakulong kami sa mga bahay namin. Mabuti na lang at matagumpay kong napasok ang system nila kaya nagkaroon ako ng access sa mga CCTV camera na nakakabit sa buong prisinto. Kahit maraming pulis ang inconsistent sa oras ng pagpasok nila ay may mangilan-ngilan pa ring tila isinabuhay ang pagpupulis, lalo na ang mga pulisyang nakatoka sa gabi.

Nang tignan ko ang digital clock sa loob ng sasakyan ay saktong alas dos na ng madaling araw. Katulad ng inaasahan ay namataan namin ang isang grupo ng mga pulisya na palabas ng prisinto. Kakain ang mga ito sa mamihan hindi kalayuan sa pinagtratrabahuhan nila.

Hinintay muna naming makalayo ang mga ito bago kami lumabas ni Ella ng sasakyan.

"Galingan mo sa pag-dri-drive mamaya," sabi ko kay Ali habang inaayos ang pagkakahawak sa bag na dadalhin ko.

"Ako pa ba?" mayabang niyang turan.

"Kapag ikaw puro yabang lang—" hindi na pinatapos ni Ali ang sasabihin ni Ella at nagsalita siya agad.

"Oo na! Sige na, umalis na nga kayo," kunwaring inis na sabi niya. Tinawanan ko lang siya 'tsaka naglakad na palayo.

"Ingat kayong dalawa, itatapon ko kayo sa ilog kapag hindi kayo bumalik ng buo," rinig kong sabi ni Ali mula sa maliit na earpiece na gamit namin.

"Drama mo," sagot naman ni Ella kaya napailing-iling na lang ako.

Nang makalapit na kami sa prisinto ay binalot  ng excitement ang buo kong sistema. Sobra-sobrang pagpipigil ang ginawa ko nang makita ko ang isang pulis na nasa tila reception desk ng prisinto.

Hindi pa niya kami napansing lumapit sa kaniya dahil busy ito sa paggamit ng telepono. Parang kinikiliti pa siya sa sobrang kilig. Pakiramdam ko ay durugo ang tainga ko nang marinig ko kung gaano kapabebe ang boses niya nang sumagot siya sa kausap niya.

Tumikhim na si Ella dahil tila may sariling mundo ang babaeng pulis na nasa harapan namin. Gumuhit pa ang inis sa mukha nito nang dumako ang mga mata niya sa'min.

"Wait lang, beb," pabebeng paalam nito sa kausap habang matalim ang mga tinging ipinupukol nito sa'min.

"Bakit ho, mga lola? May problema ho ba?" plastic na tanong niya habang may plastic na ngiti.

"Hija, pasensiya ka na kung nakaaabala ako, 'yong apo kasi namin nawawala," dramatic na sabi ni Ella.

Kahit na sabay kaming nag-practice ni Ella ay namamangha pa rin akong kaya niyang ibahin ang boses niya.

Kung hindi ko alam na si Ella siya ay mapagkakamalan ko rin siyang matandang babae. Walang bahid ng kahit anong pagbabalat-kayo ang boses niya.

"Kailan ho ba nawala ang apo niyo?" bored na tanong no'ng babaeng pulis.

"Kahapon ng umaga, sa pagkakaalam ko ay nasa eskwelahan ang apo namin ngunit hindi na ito nakauwi sa bahay. Nang tanungin ko ang guro niya ay sinabi nitong hindi raw pumasok ang apo ko," malungkot na kwento niya pagkatapos ay lumapit pa sa'kin para yakapin ako saka siya sa akin humagulgol. Todo hagod at pag-aalo naman ako sa kaniya.

"Nako, Lola. Balik na lang ho kayo bukas, wala kasi 'yong iba kong kasamahan dito. Balik kayo bukas para magawan ng police report," sabi niya. Nang tignan namin siya ay may kutob akong hindi niya talaga pinakinggan ang sinabi ni Ella. Busy na kasi ulit ito sa pagkire sa kausap niya.

B L O O D L U S TWhere stories live. Discover now