Ikadalawampu't tatlong Kabanata

27 3 0
                                    

"Tony, sa warehouse tayo ni Papa," utos ko sa kaniya pagkapasok ko sa loob ng kotse.

Walang salita itong nagsimulang magmaneho samantalang inilabas ko naman ang unang kutsilyong ibinigay sa'kin ni Papa.

The memory of me using the same knife on an old lady came rushing to me. It was one of my favorite moments. My father and I became closer after that night.

"May bumabagabag ba sa'yo, hija?" tanong ni Tony kaya nabaling sa kaniya ang atensiyon ko.

Tatlong araw na ang nakalipas mula noong nakabalik ako sa bahay. Balik operasyon na ulit ang eskwelahan namin na parang walang nangyari. Ipinagbawal ang pag-uusap tungkol sa nangyaring trahedya sa mga kaklase namin. Hatid-sundo na rin ng mga magulang nila ang mga estudyante na siyang ikinagagalit ng mga schoolmate ko dahil hindi na nila magawa ang mga gusto nilang gawin.

"Alam kong hindi dapat ako nanghihimasok sa personal mong buhay ngunit nag-aalala lamang ako sa'yo. Parang anak na rin ang turing ko sa'yo," wika niya. Saglit niya akong tinapunan ng tingin ngunit itinuon din niya ang atensiyon niya sa pag-dri-drive.

"Hindi ba't pinagbawalan ka na ni Papa na magsalita ng mga gan'yang bagay?" tila hindi niya inaasahan ang sinabi ko dahil panandalian siyang natigilan na parang pinag-iisipan ang susunod niyang sasabihin.

"Pasensiya na, hija. Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ko," sa huli'y hingi niya ng dispensa. Sakto namang huminto ang sasakyan namin.

Ibinaba ko ang bintana sa tabi ko at nang makita ako ng nagbabantay ay saka lamang kami pinadaan.

Nang iparada ni Tony ang sasakyan sa loob ng parking ng warehouse ay bumaba ito upang pagbuksan ako ng pintuan.

Hindi ko na kinailangan pang utusan itong sumunod sa'kin. Habang naglalakad kami papasok sa loob ay biglang may umatake sa'king malaking lalaki. Mabilis itong napigilan ni Tony at binalian ng leeg.

Gaya ng inaasahan ko ay may mangilan-ngilang nagtangkang patayin ako. Bumagsak sa sampu ang natirang mga tauhan ni Papa na sinabihan kong pumunta rito.

Kahit na may katandaan na ito ay hindi pa rin kumukupas ang galing nito sa pakikipaglaban. What a waste.

"I know that you know why you're here," mungkahi ko pagkaupo sa lamesang nasa loob ng malawak na warehouse.

"Pero hindi ko magagawa 'yon, hija!" mabilis niyang dipensa.

Sa tagal na niyang nagtratrabaho sa pamilya namin. Alam niya na ang ibig sabihin kapag dinala siya rito sa warehouse lalo na kung walang okasyon.

This is the place where we annihilate traitors.

"Magkano mo ibinenta si Papa?" walang emosyong tanong ko.

"Si Demitre ang tumulong sa'kin no'ng walang-wala ako, kinupkop niya 'ko. Hindi ko siya magagawang pagtaksilan!" desperadong turan niya.

"Oh! Nagsisimula na kayo?" tanong ni Ali na kapapasok lang kasama si Ella.

"Hindi, hinihintay pa nila tayo," sarkastikong sabi ng katabi niya.

"Epal talaga," tukoy nito kay Ella. "Anyway, Lian, ang daming kalat sa labas, ah?"

"Ella! Anak! Sabihin mo kay Lian na hindi ako traydor," desperadong sabi ni Tony na sinubukan pang lumapit papunta kanila Ella ngunit nasubsob ito sa sahig nang barilin ko ang hita niya.

Napapito na lang si Ali bago nila nilagpasan ang namimilipit na matanda.

"Did you find the reason why he did it?" tanong ko kay Ella pagkalapit nila sa'kin.

B L O O D L U S TWhere stories live. Discover now