Nang makarating kami sa hotel na pansamantala naming tutuluyan ay nagpahinga lang kami sandali ni Ella bago pinag-usapan ang tungkol sa pagpunta namin kay Papa.May kung anong bagay pa ring pumipigil sa'king puntahan ito pero mukhang determinado na ang kasama kong seryosong tinitignan ang mga baril na nakalatag sa kama namin.
Pinauna kong ipadala ang mga iyon para wala na kaming masyadong bitbitin. Naging madali lang namang ipuslit ang mga iyon dahil sa perang ibinayad ko sa mga taong naging involve sa pag-tra-transport hanggang dito sa hotel.
"Swimming kaya muna tayo?" pag-su-suggest ko matapos hawiin ang kurtina. Tumambad sa akin ang infinity pool na may iba't ibang maliliwanag na ilaw.
Kahit gabi na ay hindi pa rin niyon naikubli ang kagandahan ng paligid. Hindi mabituin ang langit pero iba ang hatid na ligaya ng madilim na kalangitan sa akin.
"Mukhang uulan," excited kong pagbabalita kay Ella. "Gusto mo bang mag-swimming habang umuulan?"
Tila nag-isip pa ito sandali pagkatapos ay tumango rin at sumang-ayon.
"Kung uulan pero kung hindi, dito na lang tayo. Tinatamad akong lumabas," sabi niya nang ipagpatuloy muli ang paglilinis ng baril niya.
Ibinalik ko na lang ang pagkakatingin sa labas saka pilit na napangiti.
I know I'm being too much for wanting everything to stay the same even after what happened but what else can I do? I just want to be happy.
Hinayaan ko na siya sa sarili niyang mundo at pumunta sa may balkonahe upang pagmasdan ang madilim na langit.
Hindi ko maiwasang isipin ang mga maaaring mangyari kapag mapagtagumpayan naming mabawi si Papa.
Iiwan na kaya ako ni Ella?
Pero hindi niya ako pwedeng iwan. We're supposed to be together forever. Maybe I'm overanalyzing things.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago may mga bisig na yumakap sa akin mula sa likuran. I felt her gentle kiss on my head which fills the loneliness in my heart.
She does these little things that never failed to make me feel alive, happy, and contented. No one could make me feel this contentment like she does.
"I'm sorry," mahinang usal niya. Sa sobrang hina no'n, tila ba sa sarili lang nito sinasabi iyon.
Hindi na ako sumagot pa't hinayaan na lang siyang yakapin ako habang pinapanood namin ang mga ilaw na tila nagsasayaw sa tubig. May mangilan-ngilang gaya naming turista ang lumalangoy sa pool. Parang mga coy fish tuloy ang mga ito sa paningin ko dahil may magkarelasyong parehong kulay kahel ang suot na bikini at trunks.
"Parang coy fish/May coy fish," sabay naming sabi ni Ella. Nagkatinginan pa kaming dalawa saka sabay na tumawa.
Napagpasyahan naming pumasok na sa loob. Nakaligpit na ang mga baril na inaayos niya kanina kaya nahiga na ako agad sa kama samantalang binuksan naman niya ang T.V. sa room namin.
May Netflix account na nakabukas para sa mga guest ng hotel kaya hindi na kinailangan pang sabihan si Ella ng gagawin.
"Anong episode na tayo sa OITNB?" tanong niya habang nagtitipa gamit ang remote na hawak niya. "Season four, episode nine?" hindi siguradong sagot ko.
"Oh, so you haven't watch Poussey's..." hindi na niya tinuloy ang sasabihin niya nang mapansing masama ang tingin ko sa kaniya.
"Nanood ka na naman mag-isa 'no?" nakasimangot kong pag-aakusa sa kaniya.
"I thought we agreed to watch until the last episode of Season four alone!" mabilis niyang dipensa.
"Yeah, right!" sarkastiko kong sabi.
![](https://img.wattpad.com/cover/257804004-288-k646222.jpg)
YOU ARE READING
B L O O D L U S T
ActionGxG story. Lian is a senior high school student. She is no ordinary student for all she cares about is to satisfy her bloodlust. She has loving parents and two pretty best friends but everything seems to be boring for her if there's no blood. One d...