Ikaapat na Kabanata

81 10 7
                                    

"Mama, bakit ang tagal namang umuwi ni Papa? Ilang beses na siyang nag-extend," nagtatampong reklamo ko.

Naglikot naman ang mga mata nito na parang naghahanap ng isasagot sa akin. Umuwi na si Ella sa bahay niya kaya naman malaya ko na ulit nakukumpronta si Mama tungkol kay Papa.

"Don't lie to me." 

Tinitigan ko ito nang nagmamakaawa para hindi niya ako matiis. Bumuntong hininga ito saka problemadong tumingin sa'kin. Bigla naman akong kinabahan sa paraan ng pagtingin nito.

"Follow me," tipid na sabi nito saka naglakad patungo sa office ni Papa.

Pagkapasok sa loob ay dumiretso ito sa office table saka may kinuha sa drawer ni Papa. "Uuwi na sana si Demitre noong isang linggo ngunit hindi na siya nakauwi sa'tin. Akala ko ay dahil na-extend na naman ang trabaho niya pero dumating ito, dala ng isa sa mga tauhan nating kasama ng Papa mo. Siya lang natirang buhay," inabot sa'kin ni Mama ang kahon na kinuha niya.

May envelope sa ibabaw at isang tupperware na may mga lamang daliri ng tao sa loob.

May cellphone number na nakalagay sa letter na nasa loob ng envelope at may kasamang picture ni Papa.

"Napa-DNA test na ba ang mga daliring ito, ma?" kalmadong tanong ko.

Naiiyak na tumango naman ito. Hindi tulad ni Papa ay mahina ang loob ni Mama. Siya ang madalas na pumipigil rito sa t'wing may gagawin ito na para kay Mama ay masyadong delikado.

"Don't be sad, Mom. I'll find him, okay?" sabi ko pagkatapos siyang yakapin.

"Please, be careful."

Kung mga normal na tao kami ay tumawag na ako ng pulis ngunit hindi sila pwedeng makisali. Gagawin lang nilang display of authority ang paghahanap kay Papa at baka may malaman pa sila na hindi dapat.

Iniwan ako ni Mama sa office ni Papa para tawagan ang numerong nakalagay sa letter. Nakasaad din sa sulat na dapat ay mag-isa lang ako kapag tumawag ako sa kanila. Binalak ko pang ipa-trace sila noong una ngunit nang matapos kong basahin ang sulat ay nasabi rin nilang pinapanood nila ang bawat galaw namin.

Ibig sabihin lamang no'n ay may traydor sa mga tauhan namin. Wala akong pwedeng pagkatiwalaan sa kanila.

"Hello."

"Anak," medyo nabigla pa ako nang si Papa ang sumagot sa kabilang linya. "Papa, bakit ka naman nagpahuli sa mga 'yan?" medyo disappointed na tanong ko.

"Tumatanda na ang Papa mo, nadali ako," natatawang biro niya.

"Magkano raw ba ang kailangan nila?" bored na tanong ko saka inihanda ang tseke.

"Hindi namin kailangan ng pera," sabi ng lalaking matinis ang boses. Hindi ko pa man siya nakikita ay naiisip ko na kung pa'no dudurugin ang lalamunan niya. Napakapangit ng boses. Mukhang mga pipitsugin lang ang mga nakadakip kay Papa. Hay nako, tumatanda na nga talaga siya.

Ikinalma ko naman ang sarili ko bago pa ako may masabing hindi maganda.

"So, anong kailangan niyo?"

"Ikaw," maangas na sabi nito saka humalakhak. "No, thanks. Inyo na siya," sabi ko saka walang kagatol-gatol na binabaan siya ng telepono.

Lalabas na sana ako sa office ni Papa para ibalita kay Mama na hindi na ito makakauwi nang tumawag ang numero ng may hawak kay Papa.

Pinag-isipan ko sandali kung sasagutin ko ba ang tawag o hindi pero sa huli ay sinagot ko na rin.

"Okay, nag-jo-joke lang ako. Patapusin mo muna kasi ako!" 

B L O O D L U S TWhere stories live. Discover now