Kinabukasan ay ang gaan ng aura ng buong eskwelahan namin. Para bang may dumalaw na anghel at ang sasaya lang nila kahit malapit na ang exam's week.
Iba na talaga kapag walang puna nang puna sa mga ginagawa mo. Kulang na lang kasi pumalit si Principal Ana sa mga magulang namin. Kung sina Mama ay hindi ako pine-pressure, siya namang hindi ko kaano-ano, ang daming nasasabi. Karma na niya siguro na siya ang naging target namin.
Habang focus ako sa paglalakad ay napansin kong may papalapit sa akin, pinakiramdaman ko lang ito dahil hindi siya si Ali o si Ella. Maya-maya pa'y umakbay ito sa akin.
Nag-angat naman ako ng tingin at nakitang si Berna pala iyon. Tumingin din ito sa'kin saka ako nginitian. "Kumusta?" tanong niya.
Nagtataka man sa ikinikilos niya ay kinausap ko na lang ito pero alerto pa rin ako sa mga maaari niyang gawin. Akala ko ay papasok kami sa room ngunit nilagpasan namin iyon. Mukhang na-miss nila akong awayin.
Dalawa ang pwedeng labasan sa building namin kaya naman madali lang kaming nakababa at nakapunta sa likuran ng building. Wala roong pumupunta dahil naging tambakan na iyon ng mga upuang inilabas para ipaayos.
Nandoon ang ilan pa niyang kasama at mga estudyanteng hindi ko kilala maliban sa isa na anak ni nasirang Ana.
Lulugu-lugo naman ako nitong dinala ro'n. "Ano ba 'yan?! Akala ko pa naman ako na may pinakamagandang laruan," sabi ni Berna na binitawan na ako saka lumapit sa mga kasamahan niya.
Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya.
"Tanga mo, hindi mo naisip 'tong si Arianne," sabi naman ng kasamahan ni Berna. Nandoon din ang dalawa niyang kasama noong sinikmuraan niya ako sa locker room.
"Kayong mga kutong-lupa, kapag nagsumbong kayo sa mga teachers, may kalalagyan kayo sa'min," pananakot nila sa amin at sinabing makakalayas na kami sa harapan nila dahil naaalibadbaran sila sa pagmumukha namin.
Nakaalis na ang mga estudyante at kami na lang nina Berna and friends ang natira saka ang anak ni Ana. Tumingin si Berna sa akin saka ako tinaasan ng kilay.
"Anong tinitingin-tingin mo d'yan?! Bingi ka ba?" nanlalaki ang matang singhal niya sa'kin. Mabilis ko namang inalis ang pagkakakunot ng noo ko saka sila nginitian ng matamis. Nabigla pa yata ang mga ito dahil nag-iwas sila ng tingin sa akin.
"Lumayas ka na nga rito at baka 'di kita matantya!" pigil ang inis niyang sabi. Magiliw naman akong sumunod sa kaniya at sumaludo pa.
Pagkatalikod ko ay mabilis na nabura ang ngiti sa mga labi ko.
Iniisip ba nilang mas worth it ang Arianne na 'yon kaysa sa'kin?! Na pangalawa lang ako?!
Hinawakan ko naman ang kamay kong kanina pa nanginginig sa galit upang patigilin iyon. Wala akong mapapala kung magagalit ako. Hindi sila mahalaga at ang maliliit nilang utak.
Pagkarating ko sa tapat ng room ko ay huminga muna ako ng malalim bago good mood na pumasok. Wala namang pakialam ang teacher namin nang pumasok ako. Hindi kasi ito nagtuturo at nakaupo lang habang nag-ce-cellphone. Ang mga kaklase ko naman ay busy na nagdadaldalan.
"Nag-unlock na ba ang next level sa inyo?" tanong ni Ali pagkaupo ko sa tabi nila.
"Hindi pa," sagot ko rito samantalang umiling lang si Ella.
"Sana nga matagal pa bago ang next mission natin dahil malapit na ang sportsfest," problemadong sabi ni Ella. Hindi siya kasama sa mag-o-organize ng event na 'yon pero isa siya sa mag-co-cover kaya naman magiging abala ito ng sobra sa araw na 'yon, pati na rin si Ali na excited na dahil iyon na yata ang highlight ng taon niya.
YOU ARE READING
B L O O D L U S T
AcciónGxG story. Lian is a senior high school student. She is no ordinary student for all she cares about is to satisfy her bloodlust. She has loving parents and two pretty best friends but everything seems to be boring for her if there's no blood. One d...