Ikatlong Kabanata

103 11 10
                                    


"Ella, sorry talaga. Kailangan ko nang umuwi, may emergency lang sa bahay," nalulungkot na sabi ni Ali. Dapat kasi ay dito rin siya sa bahay ni Ella matutulog.

Hindi kasi pwedeng wala siyang kasama ngayong gabi. "Okay lang, sige na. Ingat ka," nakaiintinding sabi ni Ella.

Pagkapasok ni Ali sa loob ng kotse niya ay tumingin pa ito sa'kin na parang sinasabi na ako nang bahala kay Ella kaya naman tinanguan ko ito.

Pinanood muna naming dalawa ang sasakyan ni Ali hanggang sa mawala ito sa paningin namin.

"Tara?" masayang aya ko sa kaniya.

Huminga muna ito ng malalim bago tumango at kumapit sa braso ko.

Nagtungo kaming muli sa basement nila saka inalis ang lamesa't carpet upang makita ang pintuan papunta sa ilalim kung saan nakalagay ang panic room nila.

"I told you, I'll give him to you the moment you completed your rifle," masayang sabi ko saka inalis ang tela sa ibabaw ng ulo ng lalaking nagpapatay sa mga magulang ni Ella.

Pagkatapos naming mag-shopping ni Ella ay inaya ako nitong matulog sa kanila ngayong araw at dahil matagal-tagal na rin noong huling beses na nag-sleepover ako sa kanila ay pumayag na ako.

Hindi naman mapakali sa upuan niya si Ella buong byahe. Hinayaan ko na lang ito dahil akala ko ay naiihi lamang siya.

Pagkarating namin sa bahay nila ay nakabukas ang mataas na gate at nakahandusay naman ang guard nila malapit sa gate. Dali-dali kaming nagtungo sa loob at tumambad sa'min ang mga bodyguard saka mga maid nilang puro duguan at wala nang buhay.

Kahit nalulungkot dahil sa sinapit ng mga tauhan nila ay mabilis kaming nagtungo sa kwarto ng mga magulang niya at doon namin nakita ang mga katawan nitong wala na ring buhay. Mukhang pinahirapan pa muna ang mga ito bago pinatay.

Si Ella ang tipo ng taong hindi basta-basta umiiyak. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakita ko ito kung paanong mawalan ng control sa sarili niya. Iyak ito nang iyak habang nagwawala. Pinigilan ko naman ito sa pamamagitan ng pagyakap sa kaniya. Noong una ay nagpupumiglas siya kaya naman hindi maiwasang masaktan niya ako ngunit alam kong wala pa iyon sa sakit na nararamdaman niya.

"L-Lian, I wanna kill the person who's responsible for my parent's death," puno ng luha ang mga mata nitong nakatingin sa akin ngunit hindi maitatanggi ang determinasyong nakaukit doon.

Umilap ang mga mata ko at hindi malaman kung paano siya sasagutin. "I knew your father's hobby. I overheard you and your father talking."

I was relieved that she doesn't entirely know about me and my father's hunting session but her knowledge alarms me.

"Please, Lian... Help me find the person responsible for their death," nagmamakaawang sabi niya.

"Shh, I'll find them. Come on, let's go to my house."

Dumating ang mga tauhan ni Papa para ayusin ang bahay nina Ella. Hindi nagkaroon ng proper funeral ang mga magulang niya. Diretsong pina-cremate ang mga ito pati ang mga tauhan nila upang maiwasan ang pagkalat ng balita at pagdami ng maaaring magtangka sa buhay ni Ella kapag nalaman ng mga itong wala na ang mga magulang niya.

Umuwi ang Lolo't Lola niya para i-manage ang business nila ngunit sa ibang mansion ang mga ito tumutuloy kaya naman mag-isa lang si Ella sa bahay nila bukod sa mga tauhan nila.

"I can do it for you," nag-aalalang sabi ko.

Nanginginig kasi ang kamay nito habang nakatutok ang baril sa ulo ng lalaking may takip sa bibig. Umiiling ito at nagpupumilit kalagin ang pagkakatali sa kaniya. "N-No." 

B L O O D L U S TWhere stories live. Discover now