Ikadalawampu't walong Kabanata

37 4 10
                                    

"Bilisan mo, Lian! Napakakupad mo talaga," sabi ni Ella na nasa entrance na ng ferry boat na sasakyan namin.

Ako kasi ang may buhat ng bagahe niya kaya hirap na hirap akong lumakad.

Kahit gustuhin kong magsama ng tutulong sa'min ay hindi naman pwede dahil magiging takaw-tingin lang 'yon.

Pareho kaming nagkulay ng buhok at nag-heavy makeup ni Ella para walang trace na sumakay kami sa ferry na 'to.

Pagkapasok namin sa loob ng cabin na tutuluyan namin habang nasa byahe ay bagsak agad ako sa kama.

"Kulang ka na talaga sa exercise, 'yan lang pagod ka na agad," sabi niya habang binubuksan ang maliit na T.V. sa kwarto namin.

"Bakit kasi ang dami mong dala? Ang bigat kaya!" reklamo ko pero inirapan lang niya ako pagkatapos ay umupo na sa kama niya.

Sakto namang balita ang palabas.

"Natagpuan sa isang hotel sa Tondo, Manila ang katawan ng tatlong babae at dalawang lalaki. Isa sa kanila ay nag-aagaw buhay, hinihinalang nagkainitan habang nagkakasiyahan ang mga ito na nauwi sa malagim na trahedya. 'Yan ang umagang balita ni Kaycee Lobre," sabi ng lalaking reporter.

Nagkatinginan naman kami ni Ella bago niya iyon inilipat sa ibang channel.

"Ang bilis naman yata masyado ng media?" nagtatakang turan ko.

Nagkibit-balikat lang siya pagkatapos ay sinimulan nang iayos ang hihigaan niya.

Kung hindi kami naging maingat, talagang mahuhuli kami.

Hinayaan ko na lang siyang magpahinga habang nagsimula naman akong mag-research tungkol sa ibinalita kanina.

Hindi ako mapakali sa kaalamang may nakatunog sa ginawa namin.

Kahit na bago pa lang ang balitang 'yon ay marami na agad akong nakalap na impormasyon dahil sa pag-aakala ng mga nag-iimbestiga na sila-sila lang ang may gawa no'n sa mga sarili nila.

Na-tamper na kasi namin ang laman ng CCTV footage kaya kahit hindi namin binura ang laman no'n ay naging walang kwenta na ring gawing ebidensiya ang laman no'n.

Gaya ng plano ko ay si Pia nga talaga ang nabuhay sa kanilang magkakaibigan na nagkita-kita kahapon. May isang article kasi akong nahanap na nag-released ng update kung sino ang biktimang nakaligtas.

Mukhang may contact sa pulisya ang writer ng article na 'yon dahil bago ang mga impormasyong laman ng artikulo niya.

Hindi ko maiwasang mapangiti sa kaalamang sa oras na magising siya ay sira na ang buhay niya. Buong akala ni Pia'y binuhay namin siya dahil sa pagluhod at paghalik niya sa sahig gaya ng iniutos ko sa kaniya pero ang hindi niya alam, siya ang matuturong pangunahing suspek sa nangyari sa kanila.

How I love her reaction when I reveal my face to her right before she passed out.

Gusto ko sanang makita ang magiging reaksiyon niya sa oras na mangyari 'yon pero may mas mahalaga pa akong dapat gawin.

"Alam mo minsan? Natatakot ako sa'yo. Bakit ba nakangisi ka na naman?" tanong ni Ella na akala ko'y natutulog.

"Naalala ko lang kasi 'yong ginawa natin last night," mas lumapad ang ngiting turan ko.

"Itulog mo 'yan," tila pagod niyang sabi. Humikab ito saka nag-unat kaya pati ako ay napahikab na rin.

"Ella?" pagtawag ko sa atensiyon niya saka tuluyang tumagilid ng higa para humarap sa kaniya.

"Bakit?" nakapikit niyang wika.

"Bakit ang layo mo?" curious kong tanong.

Hindi pa rin naman ako clingy pero nakapaninibagong hindi siya nakadikit sa'kin lalo na't kaming dalawa lang ang nandito.

B L O O D L U S TWhere stories live. Discover now