Imbis na sundin ako ay naramdaman ko na lang na may bumuhat sa akin. Napapikit pa ako sandali nang malanghap ko ang pabango niya ngunit nang maalala kong hindi kami ayos ni Ella ay nagpumiglas ako pero mas inayos lang niya ang pagkakabuhat sa akin kaya naman mas napalapit ako sa kaniya.
"Kapag naihulog kita, lalo kang magkaka-injury. Ikaw rin, hindi naman ako ang matatagalan maka-recover," pananakot nito kaya kahit gusto ko nang lumayo sa kaniya ay hinayaan ko na lang itong buhatin ako.
Hindi ko na napigilang palihim na isiksik ang katawan ko sa kaniya. I miss having her this close to me.
"Alam kong galit ka at nasasaktan pero sana pakinggan mo ang paliwanag namin," malungkot na sabi ni Ali na sumunod pala sa'min ni Ella.
Hindi ko naman sila pinapansin at nagtalukbong agad pagkababa sa'kin ni Ella sa kama ko.
"Kahit hindi mo kami pakinggan, magpapaliwanag pa rin ako," rinig kong sabi ni Ella. Naramdaman ko namang may humiga sa tabi ko at yumakap sa akin. Dahil nakatalukbong sa akin ang comforter ko ay hindi ako makakilos kaya hinayaan ko na lang ang kung sinumang nakayakap sa'kin.
"Hindi namin ginustong iwasan ka pero kailangan," rinig kong sabi ng katabi ko na si Ella pala.
"Noong gabing iyon, pagkatapos nating maghiwa-hiwalay. Nagpula ang cell phone na galing sa mga kumuha sa papa mo. Kahit hindi kami ayos ni Ali ay tinawagan ko siya para malaman kung ganoon din ang nangyari sa nasa kaniya at nakumpira kong ganoon din," pagsasalaysay nito.
"Pumunta si Ella sa bahay para mapag-usapan namin ang nangyari. Sinabi kong puntahan ka namin dahil baka gano'n din ang nangyari sa tablet mo pero nang magkita kaming dalawa at pagtabihin ang dalawang cell phone ay bumalik ito sa dati pero may bagong notification na dumating," kwento naman ni Ali. Medyo umismid pa si Ella dahil sinapawan siya ni Ali sa pagkwekwento.
"We were instructed to treat you like a stranger while finishing your mystery mission. That was mine and Ali's punishment."
Kumawala naman ako sa pagkakayakap sa akin ni Ella at inalis ang comforter na nakatabon sa akin saka sila tinignan. Nakita ko si Ali na nakatayo habang tahimik na umiiyak sa paanan ng kama ko. Sinenyasan ko itong lumapit sa'kin. Parang batang umiyak naman ito nang umiyak pagkadamba sa hita ko at yumakap sa beywang ko. Mabuti na lang talaga at manhid pa rin ang hita ko dahil sa anesthesia. Ang iyakin talaga ng babaeng 'to.
"Sorry, Lian. Gusto talaga kita pansinin pero... pero baka mapahamak si Tito dahil sa'min," nangingiting hinimas-himas ko naman ang buhok nito. "Sorry rin. Salamat, Ali."
Nanatili lang kami sa ganoong posisyon hanggang sa makatulog ito na nakaunan sa hita ko. Nilingon ko naman si Ella na inihilig ang ulo sa balikat ko.
"I'm sorry, babe," nahihiyang sabi ko.
Inalis nito ang pagkakapatong ng ulo niya sa balikat ko saka nakipagtitigan sa akin.
"You know that I... that I—" hindi na nito pinatapos ang sasabihin ko at nilagay ang hintuturo niya sa ibabaw ng labi ko para patigilin ako sa pagsasalita.
"I know," mahinang sabi nito saka ginulo ang buhok ko. "Masyado nang nag-e-enjoy ang babaeng 'yan sa hita mo," kunot noong sabi niya nang mapatingin kay Ali na peaceful na natutulog.
Inilipat nito si Ali sa kaliwang bahagi ng kama, sinuri rin nito ang hita ko at nang masigurong ayos pa rin ay saka siya pumwesto sa gitna dahil baka raw yakapin ako ni Ali habang natutulog siya.
Kinabukasan ay tanghali na kami nagising na tatlo. Namangha pa ako kay Ali dahil pagkagising namin ay tulog pa rin ito at nakalipat pa sa gitna namin ni Ella kaya naman mainit tuloy ang ulo no'ng isa habang kumakain kaming tatlo ng brunch.

YOU ARE READING
B L O O D L U S T
ActionGxG story. Lian is a senior high school student. She is no ordinary student for all she cares about is to satisfy her bloodlust. She has loving parents and two pretty best friends but everything seems to be boring for her if there's no blood. One d...