Pagkatapos kong mag-mental breakdown sa kauna-unahang pagkakataon ay balik na ulit ako sa dati kinabukasan. Sa tuwing naaalala ko ang nangyaring iyon sa akin ay pakiramdam ko, para akong tanga.Inagahan ko rin ang pagpasok ko upang hindi makita si Mama na drinamahan ko kagabi. Swerte na lang talaga ako na may mata akong hindi basta-basta namamaga kaya naman hindi halatang para akong mamamatay kakaiyak kagabi.
Nakahihiya pa ring isipin na nakita ako ni Mama sa ganoong sitwasyon.
"Bunutan kung sino ang unang mag-pe-perform, lapit dito," sabi ni Ma'am.
"Landi-landian mo ang pagbunot, ha?" rinig kong bulong ni Berna kay Fae at tumango naman ang huli. Lumapit si Fae kay ma'am bilang tagabunot namin.
Halata mo ang kaba sa mukha ng bawat isa dahil ang simpleng activity ay ginawa ring parte ng exam ni Ma'am. Dito sa play kukuha ng 50 points kaya naman kailangan talaga naming galingan.
Pagbalik ni Fae sa amin ay bagsak ang balikat namin nang makitang kami ang unang sasalang. "Ang baho mo namang bumunot, Fae," sabi pa ni Berna.
"Group three, may five minutes kayo para mag-setup at magpalit ng damit. Bilisan niyo, 'yong susunod sa kanila magpalit na rin kayo," dali-dali naman kaming kumilos at nagtungo sa restroom malapit sa room namin.
"Guys, galingan niyo mamaya, ha? Huwag niyo kakalimutan ang lines niyo, goodluck!" sabi ni Fae saka bumalik sa room para ayusin ang front curtain namin.
Pagkatapos ng ilang pagbabanta sa akin ng mga kagrupo kong ayusin ko ang pag-arte ko ay natapos din kaming magbihis at naghanda na para sa pagtatanghal.
May mga nag-iingay pa kaming mga kaklase pero nang sawayin ni Ma'am ay agad din namang mga tumahimik. Halata ang kaba sa mga kagrupo ko maliban lang sa akin at kay Ella. Bukod kasi sa mga kaklase namin ay may mga alalay pang kasama si Ma'am mula sa ibang section.
"Nasa hapag kainan ang pamilyang Perez at habang kumakain ng agahan ay pinapangaralan ng mga ito ang kanilang anak na si Lian," sabi ni Fae na siyang narrator din namin.
"Anak, dalaga ka na. Nais kong dito ka sa bahay magpapaakyat ng ligaw at hindi sa lansangan," sabi ni Ysais na siyang kunwari kong ama habang kunwari kaming kumakain. "Tama ang ama mo, Lian. Dalaga ka na kaya huwag ka nang dumidikit sa mga binata mong kaklase," sabi naman ng aking nanay-nanayan na si Berna. "Mag-aral ka ng mabuti," bilin pa nito. "Opo, mama't papa. Hindi ko po kayo bibiguin," sabi ko pagkatapos ay nagsara ang kurtina.
"Laging sabay na umuuwi ang magkaibigang Lian at Ella ngunit iba ang araw na ito dahil may kailangang puntahan si Lian," sabi ni Fae.
"Narrator, pakilakasan ang boses. Hindi 'yong para kang bubuyog d'yan," rinig naming sabi ni Ma'am. Walang boses na nag-sorry naman si Fae sa amin saka muling binuksan ang kurtina.
Nagkunwari naman kaming sabay na naglalakad pauwi ni Ella pagkatapos ay tumigil sa gitna ng ginawa naming stage. "Ella, may mahalaga pa pala akong pupuntahan. Mauna ka na sa'king umuwi, kapag tumawag sa'yo sina Mama pakisabi na may ginawa pa ako sa eskwela," naguguluhan man ay pumayag naman si Ella.
"Nako! Bata ka, yari ka sa mama mo!" rinig kong sabi ng isa sa mga kasama ni Ma'am, nagtawanan naman ang mga kaklase namin pati si Ma'am bago sila muling pinatahimik.
"Mag-iingat ka pauwi," sabi nito nang tumahik na ulit saka nauna na kunwaring umuwi. Nagsarang muli ang kurtina.
"Lingid sa kaalaman ni Ella at ng mga magulang ni Lian na may kasintahan na ito. Pagkaalis ni Ella ay nagtungo si Lian sa kaniyang nobyo," sabi ni Fae sa mas malakas na ngayong boses.
YOU ARE READING
B L O O D L U S T
ActionGxG story. Lian is a senior high school student. She is no ordinary student for all she cares about is to satisfy her bloodlust. She has loving parents and two pretty best friends but everything seems to be boring for her if there's no blood. One d...