Dumaan akong muli sa balkonahe ng kwarto ni Ali at doon ay naabutan ko silang prenteng kumakain ng pizza.
"Kanina pa kayo kain nang kain, hindi pa ba kayo busog?" manghang tanong ko pagkatapos ay kumuha ng isang slice ng pizza.
"Gano'n talaga kapag matalino ka, mabilis ka magutom," proud na sabi ni Ali.
"Ang sabihin mo, matakaw ka lang talaga," sabi naman ni Ella na lumapit sa akin pagkatapos ay pinitik ang noo ko. "Aray! Para saan 'yon?"
"Kapag nagtago ka pa ulit ng mga ganitong bagay, ikaw na gagamitin kong target kapag nag-practice ulit akong bumaril," pagbabanta niya.
"Opo," nakangusong sabi ko.
"Okay ka lang ba?" maya-maya'y nag-aalalang tanong niya habang tinitignan ang katawan ko kung may kahit anong galos kaya naman hindi ko na napigilang mapangiti. Mukhang hindi na siya galit sa akin dahil balik normal na siya ulit.
"I'm fine, gutom lang ako," sagot ko saka nilagpasan na siya para umupo sa higaan ni Ali. "May mga daga kasing umubos ng pagkain ko kanina," duktong ko pa.
"Excuse me, ang gagandang daga naman yata ng mga tinutukoy mo," mayabang na sabi ni Ali.
Manghang tinignan ko siya saka sarkastikong sumang-ayon sa kaniya.
Kinabukasan ay usap-usapan sa buong eskwelahan namin ang nangyari kay mr. Brown. Ibinalita kasi sa national T.V. ang nangyaring pagpaslang sa naturang guro. Tulad ng inaasahan ko ay napagkamalan akong lalaki ng kasama niyang babae kagabi.
Abala ako sa pag-aayos ng gamit ko sa locker ko nang marinig kong may nagsara ng pintuan. Ako na lang mag-isa ang nandoon dahil maagang umuwi si Ella at Ali. Pumunta kasi sa bahay ni Ella ang grandparents niya samantalang aalis naman si Ali kasama ang pamilya niya.
Pagkasarado ko ng locker ko ay naghanda na akong umalis. Kita ko sa peripheral vision ko ang tatlong taong nakamasid sa'kin pero nagkunwari na lang akong hindi ko sila nakikita. Wala akong panahong makipaglaro sa kanila ngayon lalo na't hindi ako nasiyahan sa nangyari kagabi.
Lalagpasan ko na sana sila ngunit humarang ang isa sa harapan ko. Sa tuwing susubukan kong umiwas ay haharangan naman ako ng iba pa niyang kasama.
Pinigilan ko namang mapairap sa harapan nila. Here we go again.
"What do you want?" tanong ko sa babaeng nasa harapan ko. Siya ang kaklase kong bumato sa'kin sa mukha noong nag-dodgeball kami sa P.E.
Matalim ang mga pinupukol nitong tingin sa akin ngunit walang kainte-interes ko lang itong tinignan pabalik. Parang mas napikon naman ito kaya hinawakan niya ang collar ng uniform ko saka ako gigil na ibinalya sa mga locker.
"Tignan natin kung hanggang sa'n makakarating 'yang angas mo, sa tingin mo nakalimutan ko na ang pagbato mo sa mukha ko?!" mariing sabi niya. Tukoy nito nang matamaan ko siya ng bola habang tumutulong sa mga kakampi niyang pumulot ng bola. Kasalanan ko ba kung tatanga-tanga siya?
Sobrang pagpipigil ang ginawa ko ngunit natawa pa rin ako sa sinabi niya. "Ano namang gagawin mo sa'kin?" naghahamong tanong ko.
Parang nabigla pa ito ngunit nakabawi rin agad at walang pag-aalinlangan akong sinikmuraan ng ilang ulit.
Napaupo naman ako sa sahig at napaubo dahil sa ginawa niyang 'yon.
"Nasaan ngayon ang yabang mo?" mapang-insultong tanong niya. Para bang proud na proud ito sa nagawa niya. Ilusyonada.
Napatitig naman ako sa kamay kong may kaunting dugo dahil sa pagkakaubo ko. Parang may kung anong kumiliti naman sa akin dahil hindi ko na napigilang humalakhak ng malakas matapos makita ang dugo sa kamay ko.
YOU ARE READING
B L O O D L U S T
ActionGxG story. Lian is a senior high school student. She is no ordinary student for all she cares about is to satisfy her bloodlust. She has loving parents and two pretty best friends but everything seems to be boring for her if there's no blood. One d...