Natapos na ang sembreak at balik pasukan na ulit sila. Nabigla siya nang pagpasok niya sa silid ay kumonti na sila. Bigla niyang naalala ang insidente noong Christmas Ball. Halos kalahati sa kaniyang kaklase ay hindi pa gumaling at ang iba nama'y tuluyan nang nasawi.
Nilagay na niya sa upuan ang bag atsaka naupo.
Maya-maya pa'y pumasok na ang kanilang guro at may dala itong rosary bracelet.
"Let us pray for the souls of your 6 classmates who died last Dec. 13, 2014. A moment of silence please."
Naghari na ang katahimikan sa loob ng silid dahil nagsimula na silang magdasal. Pagkatapos magdasal ay napatingin siya sa mga bakanteng upuan. May mga nakapatong ditong puting rosas.
"Himala ata't wala si Mark." napalingon siya kay Jessa at sa bakanteng upuan ni Mark.
Napakunot ang kaniyang noo. Ito ata ang unang pagkakataon na lumiban ito sa klase. Grade conscious kasi ito.
"Narinig ko, mukhang hindi pa raw sila naka-balik mula America." ani Nathalia habang nakatingin lamang sa cellphone.
"Ah, nasa bakasyon pa pala?" nanlulumong tugon ni Jessa.
"Tigilan mo na nga kabaliwan mo sa lalaking 'yon, Sang! 'Di ka parin naka get over dun?" sabi ni Laurynn.
"Tss, tumahimik ka na nga lang, Laurds." napabuga nalang ng hangin si Laurynn saka napailing.
Pagkatapos ng klase ay sabay na silang naglakad pababa ng building habang nag-uusap.
Tumunog ang cellphone ni Jessa kaya huminto muna ito't dinukot iyon mula sakaniyang bulsa.
Nauna nang naglakad sina Klent, Nathalia at Laurynn. Si Jane nama'y nag-aalalang tinignan ang mukha ni Jessa. Namumuo ang luha nito sa mata, at maya maya la'y tumulo rin. Nabitawan nito ang kaniyang cellphone at unti-unting napa-upo sa sahig. Dali-dali niya itong nilapitan at niyakap.
"Ok ka lang?" aniya habang hinahaplos ang likuran nito.
Nagtaka ata ang tatlo kung bakit hindi na sila nakasunod kaya napalingon ang mga ito. Literal din silang napatakbo palapit kay Jessa.
"Anong nangyari?" tanong ni Laurynn. Hindi ito sumagot at mas lalo lamang lumakas ang hagulhol. Napatingin na rin ang mga dumadaang estudyante sakanila.
Pinulot ni Jane ang cellphone ni Jessa. Nanlaki ang mata niya kasabay nang panginginig ng buo niyang katawan. Hindi siya makapaniwala sa nakita. Napansin ng mga kaibigan ang kaniyang reaksiyon kaya nagtaka ang mga ito.
"Anong nangyari, Jane?" tanong ni Laurynn at nilipat lipat ang tingin rgakanilang dalawa ni Jessa. Maging si Nathalia'y ganon din.
Nagdadalawang isip si Jane sa isasagot. Ngunit sa huli'y nabuka niya rin ang kaniyang bibig.
"Si Mark..."
"No, hindi 'yon totoo!" sigaw ni Jessa at niyakap ang binti ni Jane para tumigil ito sa pagsasalita.
"Ano bang nangyari sa inyo?! Ha?!" sigaw ni Laurynn. Kanina pa itong naguguluhan sa inakto ng dalawa.
Pinikit ng madiin ni Jane ang dalawang mata at yumuko.
"W-wala na siya..." pagkatapos niya iyong sabihin ay tila natamaan sila ng mahika at naging estatwa. Walang gumagalaw. Walang nagsasalita. Hanggang narinig na lamang nila ang hikbi ng isa't-isa.
"P-Paano?" tanong ni Klent. Napailing lamang si Jane. Lahat ata sila'y hindi makapaniwala. Walang gustong maniwala.
Napakabilis ng pangyayari. Ngunit ano pa bang magagawa nila kung nasa harap na nila ang ebidensya? Ang ni-send na mensahe kay Jessa ay litrato ni Mark na nasa loob ng kahon. Napaiyak na lamang sila at dinadamayan ang bawat isa.
Umalingawngaw ang malalakas na iyakan ng mga tao sa paligid. Lalong lalo na ang mga magulang ng binata. Ngayon na ang libing ni Mark at maya-maya pa'y hindi na nila itong makita pang muli.
Nakaupo siya nang maramdaman niyang may tumabi sakaniya. Tiningnan niya ito.
Tinapik ni Klent ang kaniyang balikat bago ito may kinuha sa bulsa niya.
"Pinapabigay niya sa'yo." anito at nilahad ang isang puting sobre.
"Nino?"
"Ni Mark," nangunot ang kaniyang noo. "Binigay niya 'yan nung gabi ng Christmas ball. Buti nga hindi nawala nung dinala kami sa ospital." napatango na lamang siya.
"Jane," walang gana niya itong nilingon. "May gusto akong sabihin."
"Mmm." humhinga ito ng malalim bago binuka ang bibig.
"Ah, basahin mong mabuti ang sulat." bagaman nagtataka ay tumango na lamang siya.
Pagkarating sa bahay ay agad niyang binagsak ang sarili at nakipagtitigan sa kawalan.
Mabigat ang kaniyang loob. Nasaktan siya.
"Uminom ka muna anak." nginitian niya muna ang ina bago kinuha ang baso at nilagok ang laman nito.
"Salamat, ma."
"Ano palang dahilan ng pagkamatay ng kaibigan mo, 'nak?"
Huminga siya ng malalim bago sumagot. "Suicide daw po eh."
Tumango nalang ang kaniyang ina.
Umakyat na siya sa kaniyang kwarto at nagpalit ng damit, nang biglang nalaglag ang envelope na binigay ni Klent.
Umupo siya sa kama at binuksan ang envelope, saka binasa.
Napakunot ang kaniyang noo sa mensaheng iyon. Hindi niya alam kung ano'ng nais ipahiwatig ni Mark, pero isa lang ang alam niya: naghirap ang binata bago paman ito namatay.
Tiningnan niyang muli ang mensahe at binasa ito nang paulit-ulit.
"I wasted time that's why I regret,
I gave away secret that's why I'm a shit.
I was a traitor,
That's why I'll be seen dead meat on the floor."- - - - - - -
Sorry for the late update.Don't forget to vote and comment:)
BINABASA MO ANG
Connected
Random"Hindi lahat na nakikita ng mata ay totoo. Dahil kadalasan, mapaglinlang ang kilos ng mga tao."