Unti-unting yumuko si Jane habang tinitigan ng bawat sulok ng kaniyang mata ang magkabilang gilid ng hallway. Pinulot niya ang itim na diary-styled notebook at tinitigan iyong mabuti. Kanina pang nag-de-debate ang isipan niya kung pupulutin ba iyon o hindi. Hanggang sa nagdesisyon siya at kaniya ngang pinulot.
Tinanggal niya ang itim nitong garter atsaka binuklat. Nanliit ang kaniyang mata at pilit na in-intindi ang kaniyang nabasa.
"Mr. Tante, 1st victim. 1st win." mahina niyang basa. Nagpatuloy siya sa pagbabasa at halos lahat ng mga taong taong namatay noong nagdaang buwan at linggo ay naroon at nakalista. Sina Mr. Santiago, Ms. Virgie at iba pa na may kinalaman sa mga vines sa sulat.
Dumapo ang kaniyang tingin sa pinakahuling pangalan na nakasulat.
"Mark Vincent Gonzales, nth victim. I used to like him but he hated me. I just made it even." napailing siya habang binabasa ang mga katagang iyon. Patuloy pa siya sa pagbuklat ng mga pahina hanggang dumating siya sa pinakahuli. Naroon ang itim na vine at mas mataas na ito kesa sa huli niyang nakita.
Dali-dali niyang sinarado ang notebook at tinago iyon sakaniyang likuran nang dumating si Ms. Analie.
"Jane, ba't narito ka pa?" anito at inayos ang dala niya.
"May nakalimutan po kasi ako ma'am." aniya at ngumiti.
"Ganun ba? Ay!" bigla nitong sambit nang mahulog ang ballpen nitong dala. Siya sana ang kukuha ngunit naunahan siya ng guro. Halos matumba siya nang makita ang may dibdib nito. Hindi dahil sa cleavage nito kundi sa isang larawan na hindi niya inaasahang mayroon ang guro.
"Ok ka lang?"
"Ah, opo, opo. Sige po ma'am mauna na po ako." aniya at mabilis na naglakad.
"Sige. Ingat ka."
Habang naglalakad pauwi ay hindi maalis sakaniyang isipan ang larawan.
"Ma, ano pong ibig sabihin ng tattoo na black rose?" tanong niya habang nasa harap sila ng hapag kainan. Nangunot naman ang noo ng kaniyang mama, tila ba'y nagtataka.
"Hindi ko alam anak, eh." anito't sumubo. "Ba't mo natanong?"
Umiling siya. "Wala po."
"Mmm, ate alam ko ibig sabihin niyan." napatingin siya sa kapatid.
"Ano naman?"
"Ibig sabihin niyan patay na. Black eh." napabuga nalang siya ng hangin at napailing.
"Sige ma. Ako na po'ng bahala dito." aniya at nagmano sa ina.
"Sige. Basta maglinis ka ah? Tulungan mo ang katulong diyan." anito at lumabas na ng pinto.
"Opo."
Pagkalabas ng kaniyang ina ay dumeretso narin siya sa kwarto nito. Malinis nadin naman ang kaniyang silid kaya uunahin nalang niya ang sa ina.
Kumuha siya ng walis at dustpan atsaka nagsimulang maglinis. Habang pinupunasan ang ibabaw ng cabinet ay may biglang nalaglag mula rito. Green ang cover niyon at may nakasulat na taon sa harap.
S.Y. 1989-1990. Dullsville High.
Naisip niyang baka yearbook iyon ng ina kaya na-excite siya. Kailanman ay hindi niya napansin na may dumalaw sakaniyang ina na kaklase nito noong highschool.
Nakangiti siya hacng binuksan iyon, ngunit bigla din itong napawi. Hindi niya inaasahan ang kaniyang nakita. Napailing siya.
"H-hindi 'to totoo." hindi makapaniwala niyang sambit. Hinay-hinay ay nilipat niya ito sa ikalawang pahina. Ganun parin ang kaniyang reaksiyon. Naka-awang ang bibig habang umiiling.
"Ba't hindi niya sinabi?" natanong niya. Patuloy siya sa pagbuklat nang makita ang pamilyar na building. Tinitigan niya ang paligid sa litrato at halos walang pinagbago. Naroon padin sa likuran ng building ang luntiang paligid na madalas niyang tambayan noong ma-bully pa siya.
Nadikit ang kaniyang mata sa isang litrato sa huling pahina. Mga magka-kaibigan. Nagtatawanan. May isa pa ngang may dalang gitara. Nakapalibot sila ng upo sa ilalim ng puno.
Tinitigan niyang mabuti ang bawat tao sa litrato. Sinubukan niyang kilalanin ang mga iyon.
"Mr. Tante? Ms. Virgie? Mr. Santiago?" napaliit ang kaniyang mata nang makilala ang mga taong hindi rin niya inaasahang naroon.
"Ms. Analie, mama at…" kumunot na nang sobra ang noo niya. Parang ayaw parin niyang maniwala.
"Mr. Monteverde?"
BINABASA MO ANG
Connected
Random"Hindi lahat na nakikita ng mata ay totoo. Dahil kadalasan, mapaglinlang ang kilos ng mga tao."