Linapag na niya sakaniyang kama ang lubid, panyo at supot ng tsokolate, at seryosong tinignan ang mga iyon. Nag-iisip siya kung paano iyon makatulong sakaniya, kaya sinimulan nalang niya sa mga gamit nito.
"Lubid, syempre pang-tali." aniya habang nakahawak sa lubid. Binaba niya ito, at kinuha ang panyo.
"Panyo, pwedeng pamunas," aniya at inilapit sa ilong ang panyo.
Agad niya itong inilayo dahil sa baho nito.
"Pwe!" aniya habang patuloy parin sa pagpupunas ng ilong. Sobrang baho ng panyo, 'yung tipong pag-itinakip mo iyon sa ilong ng isang minuto ay mahimatay ka talaga.
Kinuha niya ang panyo sa sahig at pinagmasdan iyon. "Ito ang mga nababasa ko ah," aniya at masusing tiningnan ang panyo. "mahimatay ka dahil sa baho nito."
Parang nagkaroon ng bombilya sa ulo niya.
"So, ginamit ito para mahiatay siya." napatango siya sa naisip. Sunod niyang kinuha ay ang supot ng tsokolate.
Napaisip siya, maaaring ang lubid at panyo ay may kinalaman sa kapatid niya, pero ang chocolate ay hindi s'ya sigurado. Wala siyang maisip na koneksyon.
Tiningnan niyang mabuti ang supot. Wala na itong laman kahit konti, kaya ibig sabihin nakain na.
Nangunot ang kaniyang noo nang may biglang pumasok na eksena sakaniyang isip. Tumakbo siya palabas ng kwarto dala-dala ang supot, at dumeretso sa kwarto ng kapatid.
"Ayun!" aniya at linapitan ang maliit na table na nasa tabi ng kama. Kinuha niya ang picture frame na nakapatong sa ibabaw ng mesa at pinagtapat ito sa supot.
"Sabi na eh." aniya saka binalik ang frame.
Ang picture sa frame ay ang ginuhit ng kapatid niya. Ginuhit niya roon ang desinyo ng supot ng paborito niyang chocolate. At magkapareho iyon sa supot na hawak ni Jane.
Lumabas na siya sa kwarto ng kapatid at bumalik sakaniyang kwarto. Linapag niya ulit sa kama ang tatlong gamit. Pinagpalit-palit niya ito ng posisyon, base sa kung ano ang pwedeng unang gamitin.
"Kung itong lubid ang number 1, at number 2 ang panyo, ay hindi." muli na naman niyang pinalit ang mga pwesto. Hanggang sa nauna ang chocolate, kasunod ang lubid at pangatlo ang panyo.
"Tama ito nga!" sigaw niya."Ginamit nila ang chocolate para lumapit sakanila si James." Si James kasi ang tipo ng tao na hindi kumakausap sa kung sino lang, pwera nalang kung kakilala niya.
"Tapos, nung nakalapit ay pinakain nila at itinali. Saka tinakpan ang kaniyang ilong para mahimatay. At dinala sa paaralan." nanlaki ang kaniyang mata sa naisip. Hindi niya alam ang totoong nangyari, pero sa tingin niya'y tama ang naisip niya.
Sasaya na sana siya nang bigla niyang naalala na hindi pa niya kilala ang taong may gawa nun. Linagay na niya sa loob ng secret cabinet ang mga gamit at lumabas ng kwarto. Pumunta siya sa kusina at nakitang naroon pa ang katulong nila na naghuhugas ng pinggan.
Nagsalin siya ng tubig mula sa pitsel at naupo malapit sa kanilang katulong.
Natapos nang mag-hugas ng pinggan ang katulong kaya nagpunas na ito ng kamay at akmang aalis na.
"Manang!" napaharap sakaniya ang katulong at naglakad palapit sakaniya.
"Bakit po?"
"Maupo po muna kayo."
Naupo naman ang katulong sa harap niya. Inilagay ni Jane ang baso sa ibabaw ng mesa at tinignan ang katulong.
"Hindi n'yo po ba talaga nakilala ang taong nagyaya kay James na makipaglaro?"
"Hindi po ma'am eh." anito at napakamot sa ulo.
Napatango naman si Jane.
"Pero nung nagpaalam po siya sakin, kumakain po siya ng tsokolate nun. Nagtaka nga ako kung sino nagbigay nun sakaniya." napaayos ng upo si Jane.
So, jama nga talaga si Jane. Ginamit nila ang tsokolate para lalapit sakaniya ang kapatid niya.
Nakatingin lamang siya sakanilang katulong, hudyat na ipagpatuloy nito ang pagsasalaysay.
"Tapos nung sinundan ko siya sa may pinto, may nakita akong tao na nakasuoj ng itim na jacket." anito dahilan ng pagkunot ng kaniyang noo.
"Nababaliw ba ang taong 'yun?" tanong niya sakaniyang isipan.
"Ang init tas, magja-jacket?""Babae po ba o lalaki?"
"Hindi ko po alam eh. Sinuot niya kasi ang hood niya." pagpapaliwanag pa nito.
"Pero tinuruan naman si James na huwag basta-bastang lumapit sa mga 'di na kakilala." aniya.
"Sa tingin ko ma'am kakilala niya 'yun eh," napatingin siya sa katulong.
"kasi paglabas niya ng gate, agad niyang pinulupot ang kamay sa braso nung tao." mas lalo siyang naguguluhan.
"Malaki na ba 'yung tao?"
"Hindi din po ako sigurado. Basta po mataas siya at malaki ang katawan." napahawak siya sa panga at napaisip.
"Mataas at malaking tao, at kakilala," pag-uulit niya sa mga sinabi ng katulong. "Sino 'yun?"
***
Leave vote and comments! Thank you :)
BINABASA MO ANG
Connected
Random"Hindi lahat na nakikita ng mata ay totoo. Dahil kadalasan, mapaglinlang ang kilos ng mga tao."