Chapter 9 : Lubid, Panyo at Supot

132 15 4
                                    

   Agad siyang pumunta sa ilalim ng mesa at kinuha ang kapatid niya roon. Kinarga niya ito at patakbong lumabas ng library. Hinihingal na siya pero patuloy parin siya sa pagtakbo. Hindi niya alintana ang pagod dahil ang tanging nasa isip niya ay maligtas ang kaniyang kapatid.

Hanggang sa nakasalubong niya si Klent sa gitna ng hallway at ito na ang nag-karga sakaniyang kapatid palabas ng gate. Pagkalabas, ay agad silang pumara ng taxi at dinala ang kapatid niya sa ospital.

Sa kalagitnaan ng biyahe ay hindi mapakali si Jane. Napasabunot siya sakaniyang buhok habang pinigilan ang sarili na huwag maiyak. Hindi na niya alam ang gagawin.

Naramdaman niya ang pagpisil ni Klent sakaniyang kamay, kaya napatingin siya rito.

"Don't worry, everything's gonna be okay." pampalakas nito sakaniyang loob. Tumango nalang siya at ilang minuto pa'y dumating na sila sa ospital.

Agad niyang binuksan ang pinto para makalabas si Klent, saka sila patakbong pumasok ng emergency room. Pagkarating roon ay agad silang inasikaso ng mga doktor at nurse.

Nakaupo na sila sa upuan sa labas ng pinasukang kwarto ng kapatid niya, habang hinintay ang paglabas ng doktor.

"What happened to him?" napalingon siya kay Klent na nagtatanong.

"Inatake siya ng hika. At delikado iyon." aniya at kinagat ang ibabang labi para mapigilan ang pag-iyak.

Bawal si James na pumunta sa mga ma-alikabok na lugar, kagaya nung library.

   Narinig na nilang bumukas ang pinto kaya agad silang napatayo at sinalubong ang doktor.

"Kumusta na po siya?"  natataranta niyang tugon.

Tinanggal muna ng doktor ang face mask niya bago nagsalita.

"He's okay. Buti nalang nakalabas siya agad doon, kundi malagay talaga sa alanganin ang buhay niya dahil mahihirapan siyang huminga." nakahinga siya ng maluwag saka tumango sa doktor.

Ang labis niyang ipinagtataka ay kung bakit napunta roon ang kapatid niya, gayong hindi niya naman ito isinama.

    Napalingon siya sa biglang tumawag sakaniya, at niyakap siya nito ng mahigpit.

"Mama,"

"Anak,"

Bumitiw na sila sa pag-yayakapan at sinabi niya sa ina ang sinabi ng doktor kanina.

"Ma, ba't napunta si James sa Rosemont?" tanong niya sa ina na nakayuko lang.

Tumingala ito at hinarap si Jane. Bakas sa mukha nito ang pagkagulat.

Nanlaki ang mata niya sa sinagot ng ina.

"Anong ibig mong sabihin?" anito.

"Ibig niyo pong sabihin, hindi n'yo rin alam?"  takang tanong niya.

Napa-iwas ng tingin ang mama niya at tila nag-iisip.

"May nagdala sakaniya."  nangunot ang noo niya sa narinig.

"Sino po?"

Tiningnan siya ng kaniyang ina at umiling ito.

"Tatawagan ko lang si Manang." anito at naglakad palayo.

Pumasok narin siya sa kwarto na kinaroroonan ng kapatid niya at doon naupo.

"Kape ka muna." napatingala siya sa taong nakatayo sa harapan niya at nagbigay sakaniya ng kape.

"Salamat." aniya at hinigop ang kape.

    Hawak niya sa kanang kamay ang kapeng binigay ni Klent, habang nag-aalala siyang nakatingin sa kapatid niya. Kung anu-ano na ang nangyari dito. Nung una natamaan ito ng bala, at ngayon naman napunta ito sa lumang library ng paaralan niya. Napa-buntong hininga na lamang siya.

Maya-maya pa'y bumukas ang pinto at pumasok roon ang mama niya.

Napakunot ang noo niya sa sinabi ng ina.

"May nagyaya daw na makipaglaro sakaniya." sabi ng mama niya at umupo sa kama na hinihigaan ni James.

"Sino daw po?"

"Hindi daw alam ni Manang eh." anito at hinaplos ang buhok ng kaniyang kapatid.

   Parang kumulo ang dugo niya. Kung sino man ang taong 'yun na nagdala sa kapatid niya, ay dapat niyang mahanap. Buo na ang desisyon niya kaya tumayo na siya at nagpaalam sa ina.

"Ma, mauna na po ako ah?" aniya at hinawakan sa braso si Klent para makalabas narin ito.

Nagulat ang ina niya at mukhang ngayon lang nito namalayan na may kasama pala ang anak niya.

"Ah, ma. Si Klent po pala, classmate ko siya. At siya rin ang nagdala ni James dito." aniya at hinila na si Klent palabas ng silid.

Narinig pa niyang nagpasalamat ang kaniyang ina bago niya sinara ang pinto.

   Pagkalabas ng elevator ay tumakbo na siya palabas sa ospital. Pumara siya ng taxi at akmang bubuksan na ang pinto nito, nang maalala niya si Klent na kanina pa pala nakasunod sakaniya.

Hinarap niya ito bago nagsalita.

"May pupuntahan pa ako Klent. Kaya umuwi ka nalang. Okay? Salamat pala.Bye." narinig pa niya itong may sinabi ngunit hindi na niya iyon pinansin at pa at pumasok na sa loob ng taxi. Sinabi niya sa driver ang pupuntahan niya, at maya-maya pa'y nakarating na sila doon.

   Pagkatapos mag-bayad ay lumabas na siya ng taxi at tumakbo papasok sa paaralan nila. Dumeretso siya sa 4th floor at pumunta sa lumang library.

   Katulad kanina, ay napahinto muna siya pagkarating sa tapat ng pinto. Huminga siya ng malalim bago pinihit ang doorknob at pumasok.

    Linibot niya ng tingin ang buong paligid. Dapat maging observative siya, para makakuha siya ng ebidensya o clue sa taong nagdala sa kapatid niya rito. Nasisiguro niyang hindi lahat ng tao ay perpekto, kaya hindi rin imposible na may makita siyang ebidensya o footsteps at mga naiwang gamit, kung meron man.

Dahil sa sobrang kapal ng alikabok sa sahig, may nakita siyang marka ng sapatos. Tinignan niya ang heel ng kaniyang sapatos para masigurong hindi iyon sakaniya. Sinundan niya ang mga marka na ito at nakitang papunta iyon sa mesa na inuupuan niya kanina.

Pagkarating roon ay mas lalo siyang nagulat nang makitang wala na ang libro na naroon kanina. Sa pagkaka-alala niya, nasa sahig iyon bago niya kinuha ang kaniyang kapatid sa ilalim ng mesa.

Naningkit ang mata niya dahil may nakita siyang puting papel na nakatupi sa ibabaw ng mesa. Mabilis niya itong kinuha at ibinulsa, dahil nakarinig siya ng yabag ng paa. Nagtago siya sa pinakalikod na bookshelf at halos pinigilan na ang paghinga.

Biglang tumahimik ang paligid kaya linabas niya ng kaunti ang ulo para makita kung ano na ang nangyari.

Halos mahiga na siya sa sahig at napasigaw sa sobrang gulat.

"Oh God!" aniya habang hinahabol ang paghinga.

"Meow!" bakas parin sa mukha niya ang labis na pagkabigla, dulot ng biglang pagtalon ng pusa papunta sakaniya na galing pa sa itaas ng bookshelf.

Tatayo na sana siya ngunit naramdaman niyang parang nakatali ang kaniyang paa. Tiningnan niya ito at nakitang nakasabit pala ang binti niya sa lubid. Mukhang itinago pa ito roon.

"Wait, lubid?!" gulat niyang tanong, at nabuo ang ngiti sa labi niya. Di kalayuan ay nakita niya ang isang panyo at supot ng chocolate.

   Naningkit ang mata niya habang tiningnan ang mga bagay na hawak. Isang lubid, isang panyo at supot ng tsokolate. Napailing nalang siya at linagay sa backpack niya ang mga bagay na iyon. Naisip niyang dapat na niyang makalabas dito bago pa mag-alas syete, dahil isasarado na ang paaralan sa mga oras iyon.

    Lumabas na siya sa lumang library at naglakad palabas ng building. May iilan na lamang estudyante ang natira sa paaralan dahil malapit naring dumilim.

Pagkalabas ng gate ay pumara agad siya ng traysikel papunta sakanila. Pwede lang naman iyong lakarin, pero nagmamadali kasi siya ngayon at may kailangan pang gawin.

ConnectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon