Naglalakad na si Jane papunta sa kanilang silid. Nasa ikaapat na palapag pa ang silid-aralan nila kaya kailangan pa niyang tiisin ang mahaba-habang titigan ng mga tao sa paligid bago makarating roon.
Pagkapasok niya sa silid ay agad nalipat sakaniya ang atensyon ng buong klase. Tiningnan siya ng mga ito mula ulo hanggang paa, at pagkatapos ay sabay silang nagtatawan. Yumuko na lamang siya at dumeretso na sa kaniyang upuan.
Pagkaupo roon ay agad niyang kinuha ang libro at nagsimulang magbasa."Panibagong araw. Panibagong impyerno." 'yan ang laging sumasagi sa kaniyang isipan kada apak niya sa paaralang ito.
Hindi niya alam kung bakit hanggang ngayon ganiyan pa rin ang trato ng mga kaklase niya sa kaniya. Matagal na niya itong kaklase pero ni isa wala siyang kaibigan sa mga ito. 'Yung kaibigan na talagang totoo.
Nagsibalikan na sa kani-kanilang upuan ang mga kaklase niya at tumahimik ang kaninang napakaingay nilang silid. Pumasok na kasi ang subject teacher nila.
Nilapag nito sa mesa ang gamit na dala, hinarap sila atsaka ito nagsalita.
"Class, you have a new classmates." sabi ng Subject teacher nila, at sinenyasan ang mga ito na pumasok.
Napayuko nalang siya. May bago na naman silang kaklase, may madagdag na naman sa mga mang-aapi sa kaniya.
Nakayuko lamang siya, nang makaramdam siya ng presensya sa kaniyang harapan. Tumingala siya, at nagtagpo ang kanilang mga mata.
"L-Laurynn?" gulat niyang tanong. Napasulyap siya sa mga tao sa likuran nito. Naroon din ang iba nitong kaibigan.
"Hi Jane!" nakangiti nitong tugon. Nilipat-lipat niya ang tingin kina Laurynn, at sa iba pa nitong mga kaibigan.
"Paanong?"
"Sabi namin sa'yo diba? Hindi kana mag-iisa. So, we're here!" anito at umupo sa tabi niya, ganun din 'yung iba.
Napanganga siya, at tila hindi makapaniwala sa narinig. Akala niya'y sa pagdating ng mga bago nilang kaklase ay mas lalong bibigat ang buhay niya, 'yun pala kabaliktaran ito.
"Jane, sigurado ka bang hindi ka sasama sa amin?" tanong ni Laurynn at kinuha ang pink niyang pitaka sa bag niya.
"Sigurado ako Laurds. Kayo nalang dun." aniya at ngumiti.
Lumipas ang dalawang oras at snacks time na nila. Niyaya siya nina Laurynn na sumama dun sa cafeteria pero tumanggi siya dahil hindi siya sanay na kumain doon. At ayaw niya ng atensyon. Oras kasi na lumabas siya ng classroom, at makita ng ibang tao, ay agad magbubulungan ang mga ito. Agad siyang nilalait ng mga ito.
Konti lang ang naroon sa kanilang silid, at kasali na dun si Jewel at ang mga alipores niya. Kinuha niya ang libro at nagsimulang magbasa. Napansin niyang naglakad ang mga ito palapit sa kaniya, ngunit binalewala niya lang iyon at nanatili ang atensyon sa librong binabasa.
"So, now you're ignoring us, huh?" sigaw ni Whoopi at hinila-hila ang ilang hibla ng kaniyang buhok na tila ba'y isa lamang itong sinulid.
Hindi siya nagsalita, ni kibo hindi niya ginawa. Nagpatuloy parin siya sa pagbabasa nang bigla siyang sabunutan ni Karla, kaibigan ni Jewel.
"A-aray po." aniya at pilit na tinanggal ang kamay ni Karla mula sa kaniyang buhok.
Ngunit mas lalo lang humigpit ang hawak nito sa kaniyang buhok, sa punto na para ng binibiyak ang ulo niya sa sobrang sakit.
"I can't believe it, ang isang Jane del Valle ay kaibigan ng Fearless." narinig niyang sabi ni Jewel habang patuloy pa rin sa pagsabunot sa kaniya si Karla.
"Stop it!" Biglang lumuwag ang pagkasabunit ni Karla, at nanginginig ang kamay nitong binitawan ang buhok niya.
Naglakad ito palapit sa kanila, at isa-isang tinignan ng masama si Jewel at ang mga alipores niya.
"Oras na magbuhat ulit kayo ng kamay kay Jane," huminto ito saglit at tiningnan si Jane, pagkatapos ay nilipat kay Jewel ang mga mata nito, "alam niyo na ang mangyari." anito.
Sapat na ang mga katagang iyon para manginig ang buong katawan ni Jewel at mapaatras.
Hinawakan ni Nathalia ang kamay niya at dinala siya sa labas ng classroom.
"Ok ka lang?" tanong nito. Hindi siya nakasagot at nakatulala pa rin sa mukha ni Nathalia.
"Jane?" pukaw ni Nathalia sa kaniyang atensyon.
Agad may tumulo na luha mula sa kaniyang mata, at niyakap niya si Nathalia.
"Thank you." bulong niya.
"Thank you so much." Naramdaman niya ang mga palad ni Nathalia na mahinang hinahaplos ang likuran niya. Bahagya siya nitong tinapik.Ngayon lang siya nakaramdan ng ganito ka protektado. 'Yung tipong basta kasama mo siya, ligtas ka. At ito rin ang unang pagkakataon na may nagligtas sakaniya mula sa mga umaapi sakaniya.
"Salamat talaga Nathalia. Salamat." aniya. Napangiti nalang si Nathalia.
Nasa ganun silang posisyon, nang biglang dumating ang apat pa nilang kaibigan.
"Ow, what's happenin' here?" tanong ni Laurynn, at nilipat-lipat ang tingin kay Nathalia at Jane. Napabitiw sila sa pagkayakap. Tiningnan din sila ni Jessa na may hawak na dalawang pack ng biscuit sa kamay niya.
Tiningnan ni Nathalia si Laurynn, tingin na para bang nag-uusap ang kanilang mga mata.
"Don't worry Jane. Hindi na mauulit pa 'yon." sabi ni Laurynn at inakbayan siya.
Pumasok na ulit sila sa silid at naupo. Napabalikwas siya ng upo nang biglang nag-ring ang telepono niya. Kinuha niya ito mula sakaniyang bulsa at tinignan ang tumawag. Agad siyang kinabahan pagkakita sa caller.
"H-Hello ma?" aniya.
Matagal bago nagsalita ang kaniyang ina, at nakadagdag iyon sa kabang naramdaman niya.Narinig niya ang paulit-ulit nitong pag-buntong hininga.
"Ma?" tawag niya ulit."Jane," alam niyang kagagaling lang sa iyak ang mama niya dahil narinig niya ang pagsinghot nito.
"B-Bakit ma?" kinakabahan niyang tanong. Nanginginig ang tuhod niya at napahigpit ang hawak niya sa cellphone.
"Ang kapatid mo," alam niyang pinipigilan ng ina ang pag-iyak nito, pero hindi niya nagawa. Pumalya siya. Rinig na rinig niya ang hikbi ng ina sa kabilang linya.
"Bakit ma? Anong nangyari? Anong nangyari kay James?" sunod-sunod niyan tanong dito.
Napalakas na ang boses niya, kaya napunta sa kaniya ang atensyon ng klase.
"N-Nabaril s-siya." pagkarinig no'n ay agad niyang nabitawan ang cellphone na hawak, dahilan para bumagsak ito sa sahig at mabasag. Parang tumigil ang mundo niya. Parang hindi na tumitibok ang puso niya.
Unti-unti ay tumulo ang kaniyang mga luha. Hinawakan ni Laurynn ang mga kamay niya at pinisil ito ng bahagya.
Narinig niya pa itong nagtanong kung anong nangyari, pero wala siyang oras para sagutin pa 'yon. Nagpatuloy lang siya sa pagtakbo hanggang makarating siya sa labas ng gate. Agad siyang pumara ng taxi at nagpahatid sa hospital.
Sa gitna ng biyahe, ay sobra-sobrang kaba ang kaniyang naramdaman. Halos mabingi na siya sa sobrang lakas ng tibok ng puso. Hindi maari. Hindi pwedeng may mangyaring masama sa kapatid niya. Hindi siya makakapayag!
BINABASA MO ANG
Connected
Random"Hindi lahat na nakikita ng mata ay totoo. Dahil kadalasan, mapaglinlang ang kilos ng mga tao."