Chapter 6 : New Teacher with Her Game

175 14 5
                                    

"Hey, Mark!" sigaw ni Jessa habang ngumunguya at binilisan ang lakad para ma-abutan si Mark. Napalingon naman si Mark at tumigil sa paglalakad.

"Oh. Hi Jess!" sabi nito at inakbayan si Jessa. Parang na conscious si Jessa, kaya pasimple niyang hinawi ang kaunting hibla ng kaniyang buhok. Ito na naman siya sa pakiramdam na parang maraming kabayo ang nagtatakbuhan sa loob ng puso niya. Nothing's change, its still Mark.

"Hey, Jess. Are you listening?" wika nito saka kinaway ang palad sa harap ng mukha ni Jessa.

"Ha? Ano ulit 'yon?" aniya at nagpatuloy na silang maglakad habang naka-akbay parin si Mark sakaniya. Siya naman ay pasulyap-sulyap doon habang ngumunguya.

"I said, sorry dahil hindi kita nakuha sa inyo. Dad was on a business a trip, so I drive mom to the company." anito habang seryosong nakatingin sa kaniya. Tumingin siya dito, pagkatapos ay sa kamay nito na nasa balikat niya.

"It's okay. I understand." sagot niya.

    Umakyat na sila sa hagdanan papunta sa ikaapat na palapag.  Habang naglalakad ay hindi maiwasan ng mga taong nadaanan nila na mapatingin sakanila. At saka magbubulong-bulungan. Napailing nalang si Jessa.

"Oww, something's fishy." ani Laurynn at tinakpan ang ilong niya.

Napabitiw si Mark mula sa pagka-akbay sa kaniya, at siya nama'y napayuko nalang.

"It's nothing." sabi ni Mark at naglakad na papunta sa kaniyang upuan.

It broke her heart. For her, every hi and hello that came from Mark is her everything.  Lalo na 'yung mga joke ng binata na makakabago sa mood niya. Alam niyang hanggang pagkakaibigan nalang ang mai-alay ni Mark sa kaniya, at 'yun ang pinakamasakit sa lahat.

Muntik nang tumulo ang luha niya, kung hindi lang niya naramdaman ang pagpisil ni Laurynn sa kaniyang kamay.

"What are you thinking?" anito. Umiling siya at ngumiti ng tipid.

"Nothing."

 

    Nakatingin lamang si Laurynn sa labas, nang mapansin niya ang pagpasok ng isang sasakyan sa gate ng Academy.

"This can't be." mahina niyang sambit at umiling.

"Ok ka lang?" napatingin siya sa nagsasalita.

Si Jane pala na kararating lang at nilagay nito ang bag sa kaniyang upuan.

"Yes."  aniya't tumango.

Dumating na rin si Nathalia kasama si Klent. Binati niya ito at ang iba rin.

     Ilang minuto ang lumipas ay pumasok sa kanilang silid ang principal ng paaralan.

"Good morning students. I am Richard Santiago the principal of Rosemont Academy." binati nila ang principal bago ito nagpatuloy sa pagsasalita.

"And good news,  you have a new adviser." anito at sinenyasan ang tao sa may pintuan.

Pumasok naman ito dala ang hand bag niya. Ngumiti siya sa klase bago nagpakilala.

"Good morning, class. I'm Analie Rodriguez, your new adviser." binati din nila ito.

"So, okay. Goodluck Teacher Rodriguez." bilin ng principal bago ito lumabas ng classroom.

"Thank you, sir!" sigaw n'ya.

"Since wala pa akong kakilala sa inyo," anito habang nakatingin sa grupo nina Jane. 
"I want to know you through a game."  seryoso nitong tugon habang ang mga titig ay na kay Nathalia. Nakatingin din sa kaniya ang dalaga.

ConnectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon