Sa gabing iyon, ay hindi nakatulog ng maayos si Jane. Sa loob ng kaniyang kwarto, pakiramdam niya'y may nakamasid sa kaniya sa labas.
Kinabukasan, pagkagising niya binalita ng kanilang katulong na ngayon na daw makalabas ng ospital ang kaniyang kapatid.
Nabuhayan siya ng loob, sa wakas may kasama na rin siya sa bahay, bukod sa nag-iisa nilang katulong."Ma'am may naghihintay po sa inyo sa labas." napatigil siya sa pagkain at nangunot ang kaniyang noo.
Wala naman siyang inaasahang sundo ngayong araw. As if namang may susundo talaga sa kaniya."Sino raw po?" aniya.
"Hindi ko po alam. May tao lang po sa labas ng gate natin." mas lalo siyang kinabahan.
Posible bang ang killer 'yun at hinihintay ang paglabas niya?
Binilisan nalang niya ang pagkain at nagsipilyo na ng ngipin. Pagkatapos ay kinuha na niya ang kaniyang backpack sa sofa at lumabas ng bahay. Sa may pintuan palang, nakita niya ang lalaking nakasuot ng itim na jacket at nakayuko. Hindi niya alam kung sino 'yun, pero isa lang ang plano niya : iiwasan ito.
Binuksan na niya ang gate at mabilis na naglakad sa maliit na eskinita.
" 'Wag!" sigaw niya at mabilis na tinabig ang kamay na humawak sa braso niya.
"Jane, ako 'to." mahinahong tugon ni Klent."Oh, ikaw pala." aniya at kunwari inayos ang damit, at nagsimula na silang maglakad. Inaamin niyang sobra siyang kinabahan kanina. Akala niya ay kung sino iyon.
"Ano palang ginawa mo sa labas ng bahay namin?" tanong niya bago sila nakalabas sa eskinita.
"Hinihintay ka." natigilan siya at nagtatakang tinignan si Klent.
"What?" tanong pa nito at nilgay sa bulsa ang dalawang kamay.
Bago pa niya ito masagot ay may humintong puting van sa harapan nila. At lumabas mula roon si Laurynn.
"Hi Jane!" sabi nito at pinulupot ang braso sa braso ni Jane.
"Sakay kana sa amin, okay?" anito at hinila si Jane papasok sa loob ng sasakyan.Wala na siyang nagawa at sumunod na lamang. Nadatnan niya roon si Nathalia na nakaupo sa gilid ng driver.
"Hi Jane!" nakangiti nitong bati sa kaniya. Nginitian niya rin ito at binati.Si Jessa naman ay nasa loob din ngunit kumaway lamang ito sa kaniya dahil kumakain pa ata ito ng almusal. Si Mark naman ay natutulog pa.
Habang naglalakad sa gitna ng hallway, ay lahat ng mata na sa kanila. Nasa harapan sina Mark at Klent, sina Jessa at Laurynn naman ay nakapulupot sa tig-isa niyang braso. Nasa pinakalikuran nila si Nathalia, na binibigyan ng nakamamatay na tingin ang bawat taong tumitingin sa kanila at nagbu-bulungan.
Nakarating na sila sa kanilang silid. Ang unang bumungad sa kanila ay ang magulo nilang upuan. May mga nilukot na papel sa sahig, at makikita mo lang ang mga libro sa kung saan-saan. Para bang na abandona na ang lugar sa labis na kalat.
"Ano ba 'to?" wika ng kararating lang nilang presidente, atsaka nito pinulot ang kalat sa sahig.
Dumeretso na sila sa kanilang upuan at umupo.
Napaisip si Jane, parang kahapon lang napakapayapa pa ng section nila. Kompleto pa sila. Ngunit sa isang iglap, bigla nalang nagkaroon ng sunod-sunod na kamatayan, nang hindi man lang nalaman kung sino ang may gawa.Nalipat ang atensyon ni Jane sa itim na sobre na nakalapag sa desk niya. Napatingin siya rito at pagkatapos ay nilipat ang tingin sa taong nakatayo sa harapan niya.
"Ano 'to?" tanong niya habang tiningnan ang likurang bahagi ng sobre. Mayroon itong silver lining sa gilid at may nakasulat na FEARLESS.
"Invitation card." sagot ni Nathalia. Napakunot ang noo niya, at unti-unting binuksan ang sobre.
BINABASA MO ANG
Connected
Random"Hindi lahat na nakikita ng mata ay totoo. Dahil kadalasan, mapaglinlang ang kilos ng mga tao."