Chapter 24: The Code

41 3 3
                                    

    Parang walking zombie na naglakad si Jane papasok sa paaralan. Napatingin siya sa mga taong sumabay sakaniya sa paglalakad. Ganun din ang mga mukha nito. Matamlay at halos wala ng buhay.

Sabay silang nagbuntong-hininga at nagkatinginan sa isa't-isa. Pareho ang ekspresyon ng kanilang mga mata. Puno ng lungkot at pagdadalamhati.

"Apat na taon na ang nakalipas simula nung binuo natin ang grupong ito," napatingin sila kay Nathalia na ngayo'y nilagay ang libro sa desk.

"Ngayon lang may nangyaring ganito sa Fearless."

"Ang hirap pala 'no?" pagsang-ayń naman ni Jessa saka pinunasan ang luha sa kaniyang pisngi.

"Ang hirap mawalan ng taong minahal mo nang lubos." dagdag nito at umiling. Nagsimula na namang tumulo ang luha niya sa mata.

Napabuntong-hininga lamang si Laurynn at tinapik ang balikat ng kaibigan. Si Klent nama'y nakinig lang at mukhang hindi alam ang sasabihin.

Si Jane ay wala ring masabi. Wala naman siyang alam sa pinagmulan ng grupo at kung paano ito nabuo, ganunpaman naging mabuting kaibigan sakaniya si Mark. Napaka-buting kaibigan.

Pagkatapos ng lunch break ay hindi na pumasok pa si Jane. Wala na siyang pake kung nagcutting-classes siya at mapatawag ang ina. Gusto lang niyang mapag-isa.

Sa kabila ng matinding sikat ng araw, naupo siya sa ilalim ng puno sa likod ng kanilang building. Tanaw mula sakaniyang kina-uupuan ang kanilang silid. Nakita niyang nagsisimula na ang kanilang klase.

Nung panahong madalas pa siyang ma-bully ay dito siya tumatambay. Ito ang lugar para makatakas siya sa mga tańg nanakit sakaniya.

Napaisip siya. May mas masakit pa pala sa bullying. Kung 'yong panahon na sinaktan siya ng kaniyang mga kaklase ay kinaya niya, ito hindi. Sa sobrang sakit ng kaniyang nararamdaman, pakiramdam niya'y hindi na niya kaya pang bumangon. Minsan na nga lang siya magkaroon ng kaibigan, nawala pa.

Napatingin siya sa bintana ng isang silid na ilang silid rin ang layo mula sakanila. May nakita siyang anino ng tao mula sa glass window nito. Nangunot ang noo niya habang iniisip kung anong silid iyon.

Nang mapagtanto ay dali-dali niyang sinuot ang kaniyang backpack at matulin na tumakbo. Tumatakbo siyang umakyat sa hagdan mula una hanggang ika-apat na palapag.

Hinihingal siyang tumakbo sa gitna ng hallway at pinuntahan ang kinaroroonan ng silid na iyon. Napahinto siya sa harap ng pinto ng library.

Huminga siya ng malalim at tiningnan ang magkabilang gilid ng hallway. Sinisiguradong walang tao.

Hinawakan niya ang tangahan ng pinto at unti-unti itong binuksan. Hinay-hinay siya sa paglalakad dahil baka narito pa ang taong iyon.

Linibot niya ng tingin ang buong paligid, ngunit walang bakas ng tao sa loob.

Napatigil siya. "Nag-ha-hallucinate lang ba ako?"

Lalabas na sana siya nang mahagip ng dalawa niyang mata ang sobre sa mesa. Naglakad siya palapit dito at kinuha ang sobre. Tumingin ulit siya sa magkabilang gilid bago ito binuksan.

Nangunot ang kaniyang noo nang makita ang laman nun. Pilit niyang inintindi ang nakasulat ngunit lubhang napakahirap nito. Na miski isang letra ay wala siyang naintindihan.

-  -  -  -  - >

A W O L

8  6 4  4
Mothers don't allow it.
You'll go to hell if you do it.
It can change a world.

- - - -

Hulaan niyo sagot nung code tas comment nyo mga hula niyo. Ang may tamang sagot de-dedicate-an ko ng 2 chapters. Go!

ConnectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon