Chapter Three : Nathalia

178 23 18
                                    

     Pagkababa sa taxi ay kumaripas siya tumakbo ng papunta sa loob ng ospital. Nagtanong siya sa information desk kung anong room naroon ang kapatid niya, at sinabi nitong nasa operating room pa raw. Sumakay siya sa elevator at pumunta sa may operating room.

      Nadatnan niya roon ang kaniyang ina na nakaupo at nakahawak ang dalawa nitong kamay sa buhok niya, na para bang hindi na nito alam ang gagawin.

Mabilis siyang tumakbo palapit dito at agad na niyakap ang ina. Tila nagdulot ng maliit na liwanag sa mukha ng ina ang pagdating niya.

"Jane," anito at niyakap din siya ng mahigpit.

Humihikbi na ang ina niya sa kaniyang balikat. Pinipilit niya ang kaniyang sarili na magpalakas para sa ina.

"Jane, ang kapatid mo." sabi nito sa pagitan ng kaniyang mga hikbi. Hinaplos niya ang likuran ng ina habang pinipigilan niya rin ang pag-agos ng sariling luha. Pero hindi niya nagawa. Kusa itong lumabas mula sa kaniyang mata at ngayo'y sumisinghot na rin siya.

"Magiging okay din ang lahat, Ma. Trust James. Hindi niya tayo iiwan." pamapalakas sa loob na tugon niya. Hindi niya alam kung ano talaga ang nangyari, pero nasisiguro niyang hindi sila iiwan ng kapatid niya.

    Napabitiw sila sa pagkayakap nang may biglang lumabas na doktor mula sa operating room.

"Kumusta po ang anak ko, Dok?" tanong ng mama niya sa doktor na katatanggal lang ng mask. Nakita niya ang unti-unting pagkurba ng mga labi nito, at nakapagpaluwag iyon sa loob nilang dalawa.

"Ang tapang ng anak n'yo Mrs. Del Valle. Akala namin mawawalan siya ng heartbeat kanina kasi bigla nalang itong bumaba. But it didn't happened. " sabi nito habang hindi pa rin nawala sa mga labi ang ngiti. Yumuko ang mama niya bilang pasasalamat.

"Kumusta na po siya ngayon dok?" tanong pa ni Jane.

"Stable na ang kondisyon niya, so far." anito at tumingin sa kaniyang wrist watch."Five minutes from now ililipat na siya sa recovery room. " parang nabunutan ng tinik ang kanilang mga puso, at nakahinga na rin sila ng maayos pagkarinig no'n.

"Thank you Dok." anito at kinamayan ang doktor."Thank you so much."

"You're welcome. So, i'll go ahead." sabi nito at naglakad na palayo sa kanila. Nagkatinginan silang mag-ina at pagkatapos ay nagyakapan.

"Salamat sa Diyos." sabi ng kaniyang ina. Tumingala rin siya at tahimik na nagdasal.

"Ok ka na ba, anak?" tanong ng mama niya sa kagigising lang niyang kapatid. Tumango ito at ngumiti sa kanila.
"Ok na ako Mama." sabi nito.

  Nilapitan ni Jane ang kaniyang kapatid at niykap ito. 
"Mag-ingat ka sa susunod, James ah? Nag-aalala si ate at si mama." aniya at pinigilan ang pag-agos ng luha.
Tumango ang kaniyang kapatid at niyakap din siya nito pabalik.

     Hindi naman ganun ka komplikado ang sitwasyon dahil sa binti lang natamaan ang kapatid niya, pero nag-aalala pa rin siya para dito. Hindi pa nila alam kung sino ang may gawa no'n.

"James," tawag niya sa kapatid niyang katatapos lang kumain, at ngayo'y nanonood ng t.v.
"Sino gumawa nito sa'yo?"  tanong pa niya.

Napatingin ang mata ng kapatid niya sa itaas at napahawak ito sa kaniyang panga, na tila ba iniisip ang pangyayari.

"Ang naalala ko lang no'n, pinauwi ako ng guro namin dahil namumutla raw ako," anito at tumingin kay Jane na seryosong nakikinig sakaniya. "tas paglabas ko ng gate, bigla nalang akong natumba dahil natamaan ang binti ko ng baril. At nawalan na ako ng malay. 'Yun lang." sabi nito. Nagtataka talaga si Jane sa nangyari at hindi ma-prente ang takbo ng utak niya.

"Wala ka bang kaaway sa school mo, James?"

"Wala po ate." napatango nalang siya. Wala talaga siyang taong pinaghihinalaan na gagawa no'n sa kapatid niya.

"Wala ka bang nakitang tao sa likod mo, o kaya sa gilid ng mga panahong iyon?" usisa niya ulit sa kapatid.

"Wala ate eh." huminga nalang siya ng malalim atsaka tumango.

      Ilang minuto ang lumipas ay pumasok na rin ang kanilang ina. May dala itong plastic bag na naglalaman ng pagkain.

"Kumain kana muna Jane." sabi ng mama niya at nilabas ang mga pagkain mula sa plastic bag. Tinanggap niya ito at kumain sa mesa.

Natapos na siyang kumain at pumasok siya sa banyo para maghugas ng kamay.

"Jane, anak, umuwi kana muna. May pasok ka pa bukas." sabi ng mama niya pagkalabas niya sa C.R.
Natigil siya sa pagpunas ng bibig at napatingin sa ina.
"Hindi na ma, babantayan ko po si James." wika niya.

"Sige na, anak. Hindi ka makakatulog ng maayos dito. Kung gusto mo, pagkagaling mo sa paaralan, dumeretso ka nalang dito. Okay?" bagaman labag sa kaniyang kalooban ay tumango nalang siya. Ayaw na niyang dagdagan pa ang sakit ng ulo ng kaniyang ina.

    Pagkatapos siya nitong bigyan ng pamasahe, ay pumara na siya ng taxi. 

      Pagkarating sa eskinita papasok sakanila ay huminto na ang taxi at nagbayad na siya. Hindi kasya ang mga sasakyan papasok sa eskinitang ito, kaya kailangan pa niyang maglakad.

       Naglalakad siyang malalim ang iniisip. Gumugulo talaga sa isipan niya ang nangyari sa kaniyang kapatid. Naisip niyang imposibleng kagagawan iyon ng kaaway ni James-kung meron man- dahil ang babata pa nila. Nasa ikalimang baitang pa lamang siya sa elementarya.

"Posibleng kaya--" natigil ang kaniyang pagmumuni nang bigla niyang maramdamang may sumipa sa binti niya. Napaluhod siya dahil sa sakit. Pumunta ito sa harapan niya, ngunit hindi niya mawari kung sino dahil may takip ang mukha nito at nakasuot rin ito ng itim na jacket.
"Sino ka?"  aniya.

Hindi siya nito sinagot bagkus sinampal pa siya nito ng ubod ng lakas, dahilan ng matinding pag-hapdi ng pisngi niga.

"Tulong! Tulungan n'yo ako!" malakas niyang sigaw.

     Nakarinig siya ng mga yabag ng paa na tumatakbo palapit sa kaniya. Dali-dali namang tumakbo ang taong sumampal sa kaniya, ngunit naabutan ito ng taong sumagip sa kaniya.

    Sinuntok ito ng taong lumigtas sa kaniya at pilit na tinanggal ang mask. Ngunit nagpupumiglas ito at agad na naitakwil ang kamay ng taong tumulong sa kaniya. Kumaripas din ito ng takbo.

Tumakbo palapit sa kaniya ang taong iyon at hinawakan ang pisngi niya.

"Ok ka lang?" anito at inalalayan siya sa pagtayo.

Tumango siya.
"Salamat, Nathalia. Ikalawang beses mo na akong ipinagtanggol." aniya habang naglalakad na sila papasok sa kanila.

"Walang anuman 'yon. Kaibigan mo naman ako 'di ba?" nakangiti nitong tugon. Tumango si Jane at nginitian ang kaibigan.

"Ba't ka pala naparito?" tanong niya kay Nathalia pagkatapos itong bigyan ng maiinom ng katulong nila.

"Para ibigay 'to sa'yo." anito at hinubad ang back pack na suot niya. Ngayon lang niya napansin na dala pala ni Nathalia ang bag niya. Tinanggap niya ito at nilagay sa sofa.
"Salamat."

"Walang anuman. Sinulatan nga pala kita sa mga hindi mo napasukang subject kanina." sabi nito bago tuluyang lumabas ng gate nila.
"Salamat ulit!" sigaw niya at kumaway.

Buti nalang wala siyang tinatagong sekreto sa bag niya, kaya hindi siya nangamba.

------------------------------------------------

A/N : sipag kong mag-update noh? comment naman kayo diyan. :) salamat :)

ConnectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon