Chapter 7 : A Curse

137 15 3
                                    

   Alas sais trenta ng umaga, habang kumakain si Jane ng agahan kasama ang kaniyang kapatid at ina, napansin niyang nakabihis na ng pang-opisina ang ina niya kaya nagtaka s'ya.  Nitong nakaraang araw kasi ay hindi muna ito pumasok sa trabaho at inalagaan muna ang kaniyang kapatid.

"May pasok na po kayo, ma?" sabi niya at linagay sa plato ang kutsara.

"Oo anak. Kailangan na eh." napatango nalang siya.

"Sige, anak. Inat ka ah? Una na 'ko." sabi ng mama niya at sumakay ng jeep papuntang opisina.

"Sige po."

Naglakad na rin siya papunta sa paaralan.

    Nag-aalala siya sa kaniyang kapatid. Wala pa naman ang mama nila para alagaan at alalayan ito.

    Habang naglalakad sa gitna ng hallway, napatingin siya sa babaeng tumatakbo na nasa kabilang dulo. Mukhang hindi siya nito napansin sa sobrang pagmamadali. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa nakalayo na ito.

Napansin niyang may kaunting pula sa suot nitong puting teacher's uniform. Hindi siya sigurado kung ano 'yon.

   Sinundan niya ang pinanggalingan ng guro at mukhang galing iyon sa classroom nila.

Patakbo siyang pumunta roon at hinihingal na binuksan ang pinto.

Wala pang tao sa loob, maaga pa kasi. Nilibot niya ng tingin ang buong silid, nang may mahagip ang mata niya.  Daliri ng isang tao na nakaipit sa may pinto ng locker.

Napalunok siya habang unti-unting naglakad patungo sa likurang bahagi ng kanilang classroom, kung saan nakalagay ang kanilang locker.

Pagkarating roon ay nanginginig ang kaniyang kamay habang nakahawak sa lock ng locker.
Dahan-dahan niya iyong binuksan, at pagkabukas no'n ay agad siyang napa-atras.

"Ha! Ha!" hinihingal niyang tugon habang nakahawak sa kaniyang dibdib na nabahiran ng dugo.

Putol na kamay ang naroon. Nakadikit ang palad nito sa may pinto ng locker at ang kabila nitong dulo ay nasa loob. Kaya pag binuksan mo iyon ay para kang hinawakan ng kabilang dulo ng kamay niya.

Pumikit siya at huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili. Nang kumalma na siya ay tumingin siya ulit sa putol na kamay. May suot itong bracelet at may letrang naka-ukit sa silver nitong chain.

"JB?" pabulong niyang tugon. Hindi naman panlalaki ang kamay na iyon kaya napaisip siya kung sino.

"Jerica Briones." aniya at tiningnang muli ang kamay.

Tama! Si Jerica Briones iyon. Naalala pa niya ang kamay ni Jerica na dumampi sa pisngi niya nung sinampal siya nito isang beses.

    Nilinga niya ng tingin ang buong silid, nagbabakasakaling naroon ang ibang parte ng katawan ni Jerica, ngunit wala siyang nakita.  Hinawakan na niya ang lock ng locker at akmang isasarado na.

Pagkarinig ng yabag ng oaa ay napabalikwas siya at dali-daling binitawan ang lock ng locker.

"Jane?" tanong ng lalaki sa kaniyang likuran. Hinarap niya ito.

"Anong ginagawa mo r'yan?" anito at naglakad palapit sa kaniya.

Tumingin siya sa magkabilang gilid at sinisiguradong wala ng iba pang tao ang naroon maliban sa kanilang dalawa.

"Klent..." nanginginig niyang sambit.

"Are you okay?" nag-aalala nitong tugon habang hinawakan ang magkabila niyang balikat.

Dumapo ang mata ni Klent sa parteng dibdib ng damit ni Jane, kung saan may bahid ng dugo.

"Anong meron d'yan?" anito at tinuro ang may dibdib niya.

ConnectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon