Chapter Thirteen : The Fourth
Kumakain silang anim sa cafeteria, nang biglang nagsalita si Laurynn. Natigilan si Jane at napatingin dito.
“Nagtataka talaga ako sa pagkamatay ng principal.” Anito at ininom ang orange juice
“Yeah! At isa pa, hindi pa daw nalalaman kung sino gumawa ‘nun.” Sagot naman ni Jessa.
Muntik nang makalimutan ni Jane ang araw na ‘yun. Ang araw na nakita niya ang band-aid sa binti ni Principal Santiago, at sa daliri ni Teacher Rodriguez.
“Jane, ano iniisip mo?” napatingala siya at nagtagpo ang mga mata nila ni Nathalia. Naghihintay ito ng kasagutan.
“Wala. Nagtataka lang rin ako.”
“Nakapagtataka naman talaga. Ang sabi ng mga pulis, pagkasaksak sa dibdib and dahilan ng pagkamatay ng principal. Pero sa autopsy, ang sabi food poisoning daw.” Napatingin sila kay Klent. Bihira lamang itong magsalita kung kaya’t nagtataka sila.
“At sa’n mo naman ‘yan nakuha?” tanong ni Laurynn.
Nagkibit balikat muna ito bago sumagot. “Narinig ko lang.”
Nagtataka si Jane, sino naman ang maglakas loob na lasunin ang principal? Tanong niya sa isipan. Napatingin silang lahat sa taong nasa kanilang harapan na may dalang pagkain.
“Stupid!” anito at naglakad muli kasama ang kaniyang mga alipores.
“That bitch! I really want to slap her!” nanggigiit ang bagang na tugon ni Laurynn. Kapansin-pansin rin ang pagkuyom ng mga palad ni Nathalia. Tumunog na ang bell kaya bumalik na sila sa kanilang silid.
Mabilis lumipas ang oras at uwian na. Inayos na ni Jane ang gamit at sinabit na sa balikat ang backpack.
“Jane, tara?” pagyaya ni Laurynn pagkalabas nila sa gate ng Academy. Naroon na ang putting van at hinintay na lamang ang pagpasok ni Laurynn.
“Ah, hindi na. May pupuntahan pa kasi ako.” Tumango nalang ito at pumasok sa van.
Naglakad narin siya papunta sa sakayan ng traysikel. Kailangan niyang pumunta ng supermarket dahil napag-utusan siya ng kaniyang ina na mag-grocery. Sumakay na siya sa traysikel at maya-maya pa’y nakarating na siya. Nagbayad na siya at pumasok sa loob.
Pagkatapos mamili ay agad din siyang lumabas dahil magga-gabi na. Pagkalabas sa pinto ng supermarket ay kinuha niya ang wallet at kumuha ng pamasahe, kaya hindi niya nakita na may tao pala sa kaniyang harap.
“Sorry po.” Aniya at yumuko.
“Ok lang.” anito at nagmamadaling naglakad. Sinundan niya ito ng tingin bago siya nagpatuloy sa paglalakad. Natigilan siya nang makita ang suot nitong t-shirt. Kulay itim iyon at malaking numero 4 na nakasulat. Lumakas ang kabog ng dibdib niya. Ngayon din ang ikaapat na araw mula nung matanggap niya ang sulat.
Nagpatuloy na siya sa paglalakad at napagdesisyonang kalimutan na lamang iyon, ngunit mukhang ayaw ng tadhana. Mukhang siya na mismo ang dinala sa lugar.
Inihakbang na niya ang kanang paa sa traysikel nang bigla siyang makarinig ng sigaw. Pinakinggan niya ang pinanggalingan ng boses, at mukhang nagmula iyon sa isang eskinita. Huminga siya ng malalim at naglakad patalikod sa sakayan ng traysikel. Pinuntahan niya ang pinanggalingan ng boses. Napakadilim sa bandang roon at walang tao. Lininga niya ang tingin sa paligid.
“4th Avenue?” kunot noo niyang basa sa poste na nasa kanang bahagi ng eskinita.
“Ito ba ‘yung tinutukoy sa sulat?” tanong niya sa sarili. Nagpatuloy ulit siya sa paglalakad at muli siyang nakarinig ng sigaw. Na alarma siya, kaya dali-dali siyang nagtago sa likuran ng puno at pinakiramdaman ang paligid. Gabi na at malamig ang simoy ng hangin. Napakatahimik sa lugar kaya pati kaluskos na dala nang paggalaw ng dahon ay maririnig na.
Hindi niya alam kung bakit siya nagtago, kaya lumabas na siya. Natanaw niya sa di kalayuan ang isang maliit na poste ng ilaw na nagbibigay liwanag sa kalye. Napansin niya rin sa ibaba nito ang isang taong nakahiga. Noong una akala niya’y isa itong lasing ngunit mali siya. Narinig niya ang pag-ungol nito sa sakit at nakahawak ito sakaniyang dibdib. Dala ang plastic bag, ay tumakbo siya palapit dito.
Napaatras siya at muntik nang matumba, nang bigla nitong itinaas ang kanan niyang kamay na puno ng dugo. Akala niya kung ano ang hiningi nito, pero sinenyasan lang pala siyang lumapit. Lumapit siya at lumuhod sa gilid nito.
“B-Bata,” hinihinangal nitong tugon. “Pi-pigilan mo s-siya.” Nangunot ang noo niya sa sinabi nito.
“Sino po?”
“Pigilan mo…p-pang lima.” Anito at hinahabol ang hininga niya. Mas lalong nagunot ang kaniyang noo. Mas lalo siyang naintriga. “Ibig sabihin, may pang-lima pa?” mahina niyang bulong.
“N-Naroon siya… R-Rosemont.” Nararamdaman niyang marami pa itong gustong sabihin, ngunit hindi na nito kaya. Tuluyan na itong nawalan ng buhay habang nanatiling nakanganga ang kaniyang bibig. Nagtataka siya at hindi naintindihan ang pangyayari.
“Paano nalaman ng ale na ito na may panglima pa?” tanong niya sa isipan.
Tinignan niya ang kabuuan ng nakahigang ale. Base sa pananamit, masasabi mong hindi ito naghihirap sa buhay. Napako ang tingin niya sa kamay nitong puno ng dugo, may nakita siya roong larawan. Parang pamilyar iyon sakaniya, ngunit hindi niya lang masabi kung saan, kailan at ano ang larawang iyon.
Agad nalipat ang kaniyang tingin sa papel na nakapatong sa ibabaw ng sling bag ng ale. Wala sana siyang balak kunin ito ngunit nakita niya ang vine na kulay itim sa bandang kanan ng papel. Agad niya itong kinuha at binuksan.
“Good luck?” nauutal niyang tugon habang nakatingin sa sulat, at linipat ang tingin sa ale.
Mas lalo siyang kinilabutan nang mawari niyang dugo ng ale ang gamit sa pagsulat. Nanginginig ang tuhod niya at tila hindi na siya makatayo. Agad siyang nabalik sa realidad nang makarinig siya ng tunog ng sasakyan. Dali-dali siyang nagtago sa likuran ng puno.
Napansin niya ang paghinto ng sasakyan sa tapat ng bangkay. Bumaba ito at may tinawagan. At rinig na rinig iyon mula sa kaniyang pinagtataguan.
“Pulis! May patay dito sa 4th Avenue! Parang si Virgie Flores ito kung hindi ako nagkakamali!” natataranta nitong tugon.
“Virgie Flores?” mahina niyang bulong.
Maya-maya pa’y nakarinig na siya ng ingay mula sa sasakyan ng mga pulis. Nag-imbestiga ang mga iyon habang nakatingin lang siya dito. Agad ring dumating ang ambulansya. Kitang-kita niya kung paano isinakay ang bangkay ni Virgie Flores dito.
Nakahinga narin siya ng maluwag at lumabas na sa kaniyang pinagtataguan nang umalis na ang mga ito. Naglakad na siya sa gilid ng kalsada nang biglang may tumutok na kutsilyo sa leeg niya, dahilan para mabato siya sa kinatatayuan.
“Anong kinalaman mo sa pagkamatay ni Auntie?”
BINABASA MO ANG
Connected
Random"Hindi lahat na nakikita ng mata ay totoo. Dahil kadalasan, mapaglinlang ang kilos ng mga tao."