Pagkalabas ng kanilang guro, ay patakbo ring lumabas si Jane at nagtungo sa library.
Wala silang klase sa afternoon classes sila dahil may emergency meeting ang lahat ng teachers. Ayaw na niyang mag-sayang pa ng oras, dahil sa bawat oras at araw na lumipas ay may buhay na nasawi.
Ayaw niyang maubos ang mga kaklase niya, at baka siya ay mamatay rin.
Siguro wala talagang alam ang mga kaklase niya sa kung sino man ang killers, at siya lang pwedeng makahanap ng taong iyon. Dahil siya lang ang nakatanggap ng babala mula rito, pwera nalang kung may kaklase pa siyang nakatanggap rin ngunit nanatiling tahimik dahil natakot.
Pagkarating sa may pinto ng library ay huminga muna siya ng malalim bago tuluyang pinihit ang tanganan ng pinto. Pagkapasok ay agad niyang naramdaman ang kapayaan dahil sa labis na katahimikan ng lugar.
Naglakad na siya papunta sa mga hanay ng librong kasaysayan.
Isa-isa niyang tinignan ang mga nakahanay roong libro, ngunit nanlumo siya ng dumating na siya sa pinaka-dulo nang hindi nakita ang hinahanap niya.
Bumalik siya sa may pintuan at gumilid, kung saan naroon ang librarian. Linapitan niya ito at tinanong.
"Good morning ma'am," napatigil ito sa pagsusulat at tiningnan siya.
"Saan po makikita ang libro na naglalaman sa kasaysayan ng paaralan?" hinubad ng librarian ang suot nitong eye glasses, at kunot-noo siyang tiningnan.
"Why?" tanong pa nito.
Napalunok siya ng laway.
"May gusto lang po akong malaman tungkol sa nangyari apat na taon na ang nakaraan."
Napataas ang kaliwang kilay ng librarian saka ito nag half-smile.
"Nasa lumang library pa 'yon. Nung linipat ang library dito ay hindi na iyon dinala pa." anito at muling isinuot ang eye glasses.
Tumango nalang siya at lumabas na ng library. Wala siya sa tamang pag-iisip habang naglalakad sa gitna ng hallway. Nadaanan niya ang isang silid, kaya't napatigil siya at napatingin rito.
"Mabuti pa sila masaya. Mabuti pa sila kompleto." sabi niya sakaniyang isipan habang nakatingin sa mga estudyante na nasa loob ng classroom. Nagtatawan ang mga ito. Nag-aasaran. At bakas sakanilang kilos ang pagmamahal sa isa't isa.Napahinga siya ng malalim at naglakad muli.
Pagkarating sa tapat ng pinto ng lumang library ay huminto muna siya at tiningnan ang itaas nito at binasa ang nakasulat.
"Library. 1991-2010." matapos itong basahin ay napailing siya.
Hindi ngayon ang panahon ng pag-atras. Kailangan niyang maging matibay para sa section nila, at para sa sarili niya.
Hindi man niya alam ang rason kung bakit siya ang nakatanggap ng babala, ang importante ay mapigilan niya ang pagkamatay ng mga tao sa paligid niya.
Hinawakan na niya ang door knob at unti-unti itong pinihit. Pagkabukas nun ay napatakip agad siya sa kaniyang ilong dahil sa amoy ng alikabok na sumalubong sakaniya. Dali-dali niyang kinuha ang panyo sa bulsa at tinakip iyon sa ilong niya.
Habang nakahawak parin sa doorknob ay inikot niya ang tingin sa buong paligid. May mga laway na ng gagamba ang kisame at may mga anay narin ang ibang bookshelves at mga libro. Napakaraming alikabok sa loob, at halata ngang matagal na panahon na ang nakalipas nung huli itong napasuka't nalinisan.
Tumingin muna siya sa labas ng pinto at sinisiguradong walang tao roon, bago ito sinarado. Naglakad na siya patungo sa mga bookshelves habang hinawi ang mga laway ng gagamba na nadaanan. Napakatahimik ng lugar at ang mga yabag lang ng kaniyang paa ang marinig sa buong silid.
Nang makarating sa mga hanay ng libro sa kasaysayan, ay agad niyang hinanap ang libro. Hindi niya alam kung ano ang titulo at ang mukha ng librong iyon, kaya kailangan niyang isa-isahin ng tingin ang bawat librong naroon.
Halos marating na niya ang pinaka dulo ng shelf ngunit wala parin siyang nakitang libro na tungkol sa kasaysayan ng paaralan nila.
Pupunta na sana siya sa kabilang shelf nang may biglang nahagip ang mata niya. Linapitan niya ito at tiningnang mabuti.
Isang librong pinamagatang "The Rosemont Academy: A 4-year Curse" ang nakapatong sa isang mesa malapit sa bookshelf na tinignan niya kanina lang. Pinagpagan niya muna ito bago binuksan.
Tinignan niya sa table of contents kung anong pahina naroon ang 4-year curse. Binuklat na niya ang naturang pahina at binasa.
"Feb. 1- Mar. 30,1990, was an unforgettable moment of my life.
It is not new to wittness something like this in Rosemont Academy. For its in the history of the school that every 4 years, we, the students of Rosemont will encounter a war or series of death.
For this school was cursed the last 4 years, last 8 years, 12 years and so on ... and will continue to happen for the next 4 years, 8 years, 12 years and so on ...
Not all students will be dead, because if that happens, no one will continue the story.
In our batch, only three were saved - me, my boyfriend and my bestfriend.Note : This will only be stop if the sinner will get caught.
--Black Rose 1986-1990 "Pagkatapos iyong basahin ay parang dumoble ang lakas ng tibok ng puso niya.
"Ibig sabihin, noon paman may sumpa na talaga?" tanong niya sa sarili.
Tinignan niya ang mga kasunod na pahina, at halos ganun lahat ang nangyari, war, series of death and murders.
Patuloy parin siya sa pagbuklat ng pahina hanggang dumapo ang tingin niya sa pinakabagong nangyari.
"The Evolution : 2010 Curse." ito ang hinahanap niya. Sa wakas ay natagpuan niya rin.
Sinimulan na niyang basahin ang storya. Sa lahat ng nakasulat roon tungkol sa sumpa, ay iyon ang pinakamahaba. Kung 'yung iba ay isang pahina lang at may iba pang article lang, ngunit ito ay umabot sa limang pahina.
Kaya nagtataka siya kung bakit hindi lang article ang nakasulat roon, kundi ang buong kaganapan talaga.
Ang isa-isang pagkamatay ng mga estudyante sa 1-A last 2010.
"...and as what happened years before, not all students were dead. In our batch,10 students were saved. The 1-A 2010 got the highest number of list of survivors of the said curse. And it means only one thing - there's a big possibility that more than this will happen for the next 4 years. The list of students that survived the curse were, A--" hindi na siya natapos sa pagbabasa nang maramdaman niyang may humawak sa binti niya.
Nanginig ang kaniyang tuhod at unti-unti niyang nabitawan ang hawak na libro dahilan ng pagkahulog nito sa sahig. Pinabayaan niya lang 'yon roon at hindi nagawang kumibo. Hindi niya inakala na bukod sa pagiging curse ng paaralang ito ay may naninirahan din pala ditong multo.
Hindi siya naka-kilos at nanatikming nakaupo ng matuwid. Ramdam na ramdam niya ang tibok ng kaniyang puso. Halos hindi na siya makahinga at nagsitayuan na ang mga balahibo niya sa katawan.
Naramdaman niyang humigpit ang pagka-hawak ng kamay sa binti niya, at unti-unti siya nitong hinila sa ilalim ng mesa kaya napa-kapit siya ng mahigpit sa corner.
" 'Wag!" sigaw niya dahil pahigpit ng pahigpit ang pagkahawak nito sakaniya at malapit narin siyang makawala sa pagka-kapit sa mesa.
Nanlaki ang mata niya at halos mahulog na siya sa kina-uupuan pagkarinig ng boses.
"A-Ate..."
BINABASA MO ANG
Connected
Random"Hindi lahat na nakikita ng mata ay totoo. Dahil kadalasan, mapaglinlang ang kilos ng mga tao."