Chapter 21 : Christmas Ball

44 4 2
                                    

   Walang ibang marinig sa buong paaralan kundi ang pagkamatay ni Jewel. Ang fans club niya ay sobra ang pagluluksa at ang mga haters niya ay tuwang-tuwa. Ganun paman, nangingibabaw ang kalungkutan ang lahat. Lalong lalo na kay Jane. Alam niyang may pinagdaanan ang babae ngunit hindi lang nito nagawang sabihin.

"Ano kayang nangyari kay Jewel?" narinig niyang tanong ng babae sa kaibigan nito habang naglalakad siya sa gitna ng hallway.

"Ewan. Ang narinig ko, na-rape daw saka pinatay." sagot naman ng kaibigan nito.

Hindi na siya nakinig pa at nagpatuloy na sa paglalakad.

May parte sakaniya na nagsisisi. Kung ginamit lang sana niya ang utak ng mga panahong iyon ay maaaring buhay pa sana si Jewel.

"Jane, ok ka lang?" nabalik siya sa realidad nang may biglang tumawag sakaniya. Tumango siya saka ngumiti.

"Ang tamlay ng mukha mo ah?" puna pa nito. Nag-iwas siya ng tingin.

"Ok lang ako Laurds."

    Sabay na silang pumasok sa silid. Pagkarating roon ay sakto namang pagpasok sa kanilang guro. Binati nila ito at naupo.

"Ok, so hindi ako magka-klase ngayon. Pagplanuhan natin ang Christmas ball for 2 hours. Okay?" anito. "Faith, take over here." agad namang tumayo ang class president at nagpunta sa harap.

"By the way, masquerade ang theme this year."  dagdag ng guro bago nagpunta sa likuran.

Nagsimula na ang kanilang meeting habang nakikinig lamang ang kanilang guro. Nag-assign ang class president, na siya ring president ng SSG, kung sino ang mag-aayos ng venue at kung anu-ano pa.

"For your partner, for girls maghintay nalang kayo kung may magyaya sainyo, kung wala eh, single kayo. Hahaha!" bahagya namang natawa ang mga kaklase niya.

"Ma'am, tapos na po kami." sabi ni Faith sa guro na ngayo'y nasa likuran. Tumango ito at naglakad papunta sa harap.

"Okay, so our Christmas ball will be this coming Sunday. You have 4 days to prepare. I hope this will be successful. That's all. Goodbye."  sabi nito at lumabas na.

   Sunod nang pumasok ang Math teacher. Napansin nitong sobrang busy ng lahat kaya ito'y nagtataka.

"Anong pinagka-abalahan niyo?"

"Sir, nag-uusap lang po kami para sa Christmas ball this Sunday." sagot ni Faith.

"Ah, oo. May gagawin parin pala ako para sa Christmas ball. Sige hindi na muna tayo magka-klase ngayon. Faith, pakilista nalang ng absent." bilin nito at lumabas na ang guro.

Tumango nalang ang presidente at bumalik na ulit sa kani-kaniyang trabaho ang mga tao.  

Sunday, Dec. 14, 2014
6:00 PM

   Ito na ang araw na kinahihintay ng lahat. Ang kanilang Christmas ball. Kompleto na sila't maya-maya pa ay magsisimula na ang party.

Bawat isa'y nakasuot ng eleganteng damit. Iba't-iba ang kulay na nakapagdagdag sa magandang tanawin sa loob ng hall. Nakaupo na si Jane sa isang lamesa kasama ang kaniyang mga kaibigan. Ang kaniyang date na si Klent ay nasa kaniyang tabi. May kani-kaniyang silang ka-date. Si Nathalia na ang ka-date ay si Francis na taga Section B. Si Laurynn naman ay ang kaibigan ni Francis na si Jerico at si Jessa na ang ka-date ay si Mark. Nasa isa silang mesa habang nag-uusap at nagtatawanan.

Nagsimula nang tumugtog ang slow music kaya ang iba'y nagsitayuan na't nagsayawan. Walang balak si Jane dahil alam niyang wala ring balak si Klent. Ngunit nagulat na lamang siya nang makita ang kamay ng binata na nakalahad sa kaniyang harapan.

"May I have this dance?"  anito at nginitian siya ng pagkatamis-tamis. Napatingin siya dito. Ang gwapo nito sa suot na tuxedo.

Walang pagdadalawang isip ay binigay niya ang kaniyang kamay dito at naglakad sila papunta sa dancefloor.

Magkalapit ang kanilang mga mukha habang sumasayaw. Kitang-kita niya tuloy ang magandang mukha ng lalake.

'Mas gwapo pala siya sa malapitan.' bulong niya sa sarili.

"Jane, I have…" huminga ito ng malalim, "something to tell you."  napansin niya ang paghigpit ng hawak ni Klent sa bewang niya kaya napatingin siya dito.

"Sige. Ano 'yun?" aniya at nginitian ang binata. Nakita niya ang pagbuka ng labi nito, ngunit hindi na niya iyon naintindihan at narinig.

Nagkakagulo na ang mga tao. Puno na ng sigawan ang buong paligid dahil sa biglang pagkamatay ng ilaw. Hindi siya nakapagsalita at nagpaikot-ikot sa kinatatayuan. Pinakinggan niya ang paligid, nakiramdam siya. Hanggang naramdaman na lamang niyang may humila sakaniyang kamay. Nagpatangay lamang siya dito hanggang dumating sila sa isang sulok ng hall.

Tiningnan niya ang kamay ng taong humihila sakaniya, na ngayo'y nakahawak parin sakaniyang kamay, papunta sa mukha nito. Napansin niya ang kwentas nito.

"Mark…"

Nakapwesto sila malapit sa malaking pinto ng hall at bahagya itong nakabukas, kaya na-aninagan ng ilaw ang mga mukha nila.

"Sshh." anito at tinakpan ng daliri ang bibig niya. Bahagya na lamang siyang tumango at lumunok ng laway.

Napansin niyang napatingin si Mark sa wrist watch nito kaya nagtataka siya.

"5" mahina nitong sambit.

"4"

"3"

"2"

Bago paman makabilang ang binata ng isa ay tinakpan na nito ang kaniyang mata. Kasabay nun ay ang pagbalik ng ilaw.

- - - - -

Thanks for reading! :)

Vote and comment

ConnectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon