Chapter 15 : First Crime

83 7 2
                                    

Pagkarating sa station ay agad na huminto ang school bus. Bumaba na ang 3 grupo at ang 3 na iba ay ihahatid pa sa karatig-bayan at dun na assign.

Naroon si Teacher Analie at nag-assist  sakanila. Pagkapsok sa police station ay binati nila ang mga naroong pulis. Nag-salute pa ang mga ito sakanila.

“Bumisita pala si Don, teacher An?” tanong ng hepe habang naglakad sila patungo sa opisina.

“Yes, and we’re doing the tradition daw.” Sagot naman nito.

Pumasok na silang walo sa opisina. Dito sila sa pinakaunang room since sila naman ang team 1.

“So sige. Sa ngayon, wala pa pa tayong i-imbestigahan. Kaya maghintay muna tayo ah?”  sabi ni Teacher Analie.  Hindi paman sila nakasagot ay bigla nang bumukas ang pinto at  at pumasok roon ang babaeng nasa mid-30’s na hingal na hingal at tumatagaktag ang pawis sa mukha.

Mabilis silang tumayo at inalalayan ang babae na dahil muntik na itong matumba. Biniogyan nila ito ng tubig at pina-upo.

“Ok na po kayo?” tanong ni Laurynn habang pinaypaayan ang babae.

“Ok na. Salamat.”

“Ano po bang nangyari?”  tanong ni Teacher Analie makalipas ang ilang minuto. May kinuha ang babae sa bulsa niya at ipinakita ito sakanila.

 

You’re next.

Iyon lamang ang nakasulat sa maliit na papel na kulay puti. At ang kulay na ginamit sa pagsulat ay kulay pula.

“Ano pong pangalan niyo?” tanong ni Jane habang binuksan ang maliit na notebook.

“Emilyn Castro.”

Matapos nilang makuha ang mga impormasyon tungkol sa babae ay nagpatuloy na sila sa imbestigasyon.

“Wala ho ba kayong ka-away?” tanong ni Laurynn na may ding ballpen at notebook.

“Wala naman.”

“Kailan niyo po iyon natanggap?” tanong naman ni Jessa.

“Matagal na akong nakatanggap ng mga ganiyang sulat. Paggising ko sa umaga laging may sulat sa mail box ko.” Sabi ni Emilyn na nanginginig ang kamay. Bakas sa mukha nito ang takot at kaba.

“Guys!” napatingin ang lahat kau Jane na nasa pinakadulo at hindi nagsasalita kanina.

“Oh, bakit?” ani Laurynn at nilapitan si Jane.

“Tingnan niyo,” aniya at binigay kina Laurynn ang papel. “Singhotin niyo.”

“Parang…kakaibang amoy?” ani Laurynn. ‘Yun din ang na-amoy ni Jane. Kakaiba. Kinuha naman ni Jessa ang papel at sininghot din.

“Para siyang may perfume?” parang amoy lalaki?”   napatango si Laurynn at Jane sa sinabi nito

“Baka naman nilagyan?” ani Mark. Naisip rin ni Jane iyon kanina.

Kinuha ni Jane ang papel  at sinignhot muli.

“Baka nagbigay siya ng hint sa kung sino siya?”

“Pwede ko ho bang ma-amoy?” napatingin sila kay Emilyn na kanina pa pala nakatingin sakanila. Binigay niya kay Emilyn ang papel. Sininghot nito at napansin nila ang pagkunot ng noo nito.

“Bakit po?” halos sabay nilang tanong.

“Parang kilala ko ang may-ari nito?” aniya

“Sino po?”  sabay-sabay nilang tanong at binuksang muli ang kanilang mga notebook para makapagsulat ng detalye.

Hindi pa nakasagot ang babae ay biglang tumunog ang cellphone ni Teacher Analie.

“Kayo na munang bahala dito ah? Kailangan ako sa team 2. Tawagan niyo nalang ako pag may problema. Okay?” Anito at dali-daling lumabas ng room.

Tumango sila at nagpatuloy sa imbestigasyon.

“Sino nga po ulit ‘yon?” tanong ni Laurynn.

Matagal bago sumagot si Emilyn at bakas sa mga mata niya ang pagda-dalawang isip.

“Ah, ‘wag po kayong magdalawang isip ma’am para mahanapan po natin ng solusyon ang problema niyo po. Bago maging huli ang lahat.” Sabi ni Nathalia sa mahinahon na boses.

Huminga ng malalim ng babae bago ito sumagot.

“S-Sa asawa ko.” Anito at pinikit ang mga mata para maiwasan ang pag-iyak.

Nangunot ang noo nila.

“Nag-away po ba kayo?”  tanong ni Laurynn.

“Hiwalay na kami.” Nakayuko nitong tugon.

“Sorry.” Pagpaumanhin ni Laurynn.

Nanahimik lamang si Jane sa gilid at nag-iisip ng posibleng dahilan kung bakit iyon gagawin ng asawa niya. Natahimik sila bigla dahil sa pag-ring ng telepono.

“Ako nalang.” Pag-presinta ni Laurynn at sinagot ang telepono.

“Tawagan niyo ang bomber dali. May sunog sa St. Angels’s village.” Natatarantang tugon ni Laurynn.

“Huh? Eh ba’t sila ditto tumawag?” taking tanong ni Jessa

“Papunta na daw sila doon.” Ani Mark at linagay ang cellphone sa bulsa

“Ewan. Baka nagkamali lang.” ani Laurynn at nag kibit balikat.

Natahimik silang lahat dahil narinig nila ang paghikbi ni Emilyn. Napatingin sila ditto at nagsilapitan.

“Bakit po?”

“A-ang anak ko. Nasa bahay namin.”

 - - - -

Sorry for the late update. Keep supporting! kamsa! :) 

ConnectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon