“Totoo ba ‘yung narinig ko? Darating daw si Don Rosewell?”
“’Yun nga rin narinig ko eh. Ewan ko kung totoo.”
“Ano ba kayo! Siyempre totoo ‘yun!”
“Tama! Narinig ko nga rin na papasok siya sa mga klase.”
“Sus! Para namang mapasukan tayo. Eh section A lang binibisita niya.”
Napalipat-lipat ang tingin ni Jane sa mga taong nadadaanan niya sa hallway. Sobrang abala ang lahat. Ang mga janitor masipag na nagwawalis sa hallway, ang mga estudyente’y nag-uusap tungkol kay Don Rosewell at ang mga guro na lakad takbo ang ginawa papunta sa kung saan.
Nagtataka siya. Ngayon lang naging ganito ka busy ang paaralan nila. Mula pa pagpasok niya sa gate ng Academy hanggang sa pag-akyat niya sa building. Halos lahat ng tao may kani-kaniyang ginagawa. Wala kang makikitang nakaupo sa isang tabi at tumunganga lang.
“Anong nangyari?” tanong niya at linagay sa upuan ang bag. Linibot niya ng tingin ang buong klase. Para itong nadaanan ni Reyna Kalinisan sa sobrang kintab ng sahig. Bigla itong luminis at bumalik sa dating anyo. Ang mga maliliit na vandal sa dingding ay nawala, ang mga librong nakakalat ay naayos na.
“Naghahanda ang lahat para sa pagdating ng Don.” Sagot ni Lauryn habang patuloy na kinikiskis ang sulat ng ballpen sa desk niya. Inikot niya ang upuan at hinarap si Laurynn.
“Don? Sino ‘yan?” napatigil ito sakaniyang ginawa at tiningnan si Jane na puno ng pagtataka.
“Hindi mo kilala?”
“Uh? Hindi?” nanlaki ang mata ni Laurynn at tila hindi makapaniwala sa sinagot niya.
“Seriously?! Hindi mo kilala si Don Rosewell?” umiling si Jane. Kahit dalawang taon na siyang nag-aaral dito ay hindi niya kilala si Don Rosewell. Parang pamilyar lamang sakaniya ang pangalan ngunit hindi niya mawari kung sino talaga ang taong ‘yan.
“Siya ang may-ari ng paaralang ito.” Napatango na lamang siya. Parang nahiya siya sakaniyang sarili. Mabuti pa si Lauryn na bago lang ay kilala na ang may-ari, ngunit siya’y hindi parin.
“Ah, bakit daw?”
“Anong bakit?”
“Bakit siya narito?” hindi na nasagot pa ni Laurynn ang tanong niyang iyon dahil pumasok na ang kanilang guro. Kasunod niya ay ang lalaking matangkad, at ang edad ay nasa mid 40’s.
Mabait naman ang mukha niya. Pero ang dahilan ng pagtindig ng mga balahibo ni Jane ay ang peklat nito sa pisngi. Hindi ito ganun kalaki, pero isa ito sa dahilan na nagmukhang napakatapang niya.
“Good morning!” nakangiti nitong bati sakanila.
“Good morning Don Monteverde.” Ganti naman nila dito.
“So, as we all know, it’s a tradition that when I visit here, all of you will take a special subject. And it’s a must.” Napatingin si Jane sa mga kaklaseng niyang mukhang excited sa narinig. Bago pa ito sakaniya. Sa loob kasi ng dalawang taon niyang pag-aaral dito ay ngayon pa bumisita ang may-ari.
BINABASA MO ANG
Connected
Random"Hindi lahat na nakikita ng mata ay totoo. Dahil kadalasan, mapaglinlang ang kilos ng mga tao."