Bagsak ang kaniyang balikat habang naglalakad sa gitna ng hallway. Akala niya'y maliwanagan na ang pino-problema niya, hindi pa pala. Mas lalo pa itong dumami.
Napatingin siya sa kanang bahagi ng hallway kung saan may silid. Ang silid ng lumang library. Napabuntong hininga siya habang nakipagtitigan sa pulang pinto. Marami pa siyang problema sa loob ng silid na iyan. Ang pagkawala ng libro na naglalaman ng mga detalye tungkol sa paaralan nung nagdaang taon at ang rason kung bakit napunta diyan ang kapatid niya noon.
Naalala pa niya ang mga sinabi ng kanilang katulong tungkol sa taong nag-yaya sakaniyang kapatid sa labas ng kanilang bahay.
"Mataas at malaki ang katawan."Nang biglang pumasok sa isip niya na hindi pa pala niya natanong ang kaniyang kapatid tungkol doon.
"Matanong nga 'yun mamaya." aniya at naglakad na papunta sakanilang silid.
"Hi Jane!" agad siyang binati ng kaniyang mga kaibigan pagkarating sakaniyang pwesto. Binati niya rin ito at naupo.
Naramdaman niyang may nakatingin sakaniya kaya inangat niya ang kaniyang ulo. Sa pag-angat ng ulo niya ay nagtagpo ang mga mata nila ni Jewel. Nakatingin ito sakaniya animo'y maraming sasabihin. Biglang bumalik sakaniyang ang nangyari noong gabing nasaksihan niya ang pagkamatay ng auntie ni Jewel.
Nagtitigan parin sila ni Jewel. Nginitian niya ito ng maliit bago siya nag-iwas ng tingin.
"Hoy, Jane!"
"Ha?"
"Naku! Kung saan na naglakbay 'yang utak mo." tila nagtatampong tugon ni Laurynn.
"Hindi ah. May iniisip lang ako. Ano ulit sinabi mo Laurds?"
"Ang sabi ko, ano laman ng regalo mo?" natigilan siya't napatingin kay Laurynn.
"Ah, 'yon? Album laman nun. Ewan ko nga dun mga litrato 'yun ng paaralan na hindi ko naman kilala. Basta mga ganun." pagkatapos iyong sabihin ay agad siyang humingi ng tawad sa Panginoon dahil sa ginawang pagsisinungaling.
"Sana dinala mo."
"Ah, huwag na. Hindi din naman 'yun masyadong importante."
"Ah, okay." nanahimik na sila dahil pumasok na ang kanilang adviser.
Pagkatapos ng kanilang klase ay agad nang nagsilabasan ang kaniyang mga kaklase. Nanatili muna siya sa loob dahil may kinopya pa siya. Pagkatapos nag-sulat ay agad narin siyang lumabas.
Nabigla siya nang makita si Jewel sa may pinto at mukhang may hinihintay.
Nginitian niya lang ito ng maliit at maglakad na sana, ngunit mabilis nitong nahawakan ang kaniyang braso gamit ang nanginginig nitong kamay.
"Jane…" unti-unti siyang lumingon at Jewel. Namumutla ito at tila kinakabahan.
"Anong nangyari sa'yo?" nag-aalala niyang tugon. Hindi siya nito sinagot bagkus may kinuha ito mula sakaniyang bag at nilahad iyon kay Jane.
"Ano 'to?" nagtataka niyang tugon habang tinanggap ang maliit na sobre.
"Buksan mo 'yan pagkarating sainyo." anito at tinalikuran na siya.
Tiningnan niyang muli ang sobre bago nagsimulang maglakad.
"Jane, iligtas mo ang sarili mo." natigilan siya sa sinabi nito. Hinarap niya ang kinaroroonan ni Jewel, ngunit wala na ito roon.
Wala na siyang nagawa kaya nagpatuloy na lamang siya sa paglalakad.
Pagkarating sa bahay ay dumeretso siya sa kwarto at kinuha ang sobre mula sakaniyang bag.
Huminga siya ng malalim bago tuluyang binuksan ang sobre.
Be ready for tomorrow,
The past will be back.
On your door will knock,
And will bad your luck.
The past will hunt you down
Get your soul ready,
It will go back to the old town.Nanginginig ang kamay niya habang nakahawak sa puting papel na pinagsulatan ng mga katagang iyon. Ito na naman. Nakatanggap na naman siya ng ganito. Dali-dali niyang tinago sa ilalim ng unan ang papel dahil nakarinig siya ng yabag ng paa.
"Anak, baba ka na diyan. Kakain na tayo." sabi ng mama niya.
"Opo ma." aniya at dali-daling nagbihis. Kinuha niya ang papel mula sa ilalim ng unan at nilagay iyon sa sekretong cabinet, saka lumabas ng kwarto.
Silang dalawa nalang ni James ang natira sa sala dahil natulog na ang kanilang ina.
"James," napalingon ang kapatid niya.
"Bakit ate?"
"Naalala mo pa ba kung bakit ka napunta sa Rosemont?"
"Opo. Sinabi ni Kuya Happy na pinapunta mo daw siya para kunin ako."
"Happy?" kunot noo niyang tanong. "Sino 'yon?"
"'Yun pong kaibigan niyo? Nagtataka nga ako eh. Ayaw niyang hubarin ang maskara niya."
"Ibig mong sabihin, ang taong nagyaya sa'yo ay nakamaskara?"
"Opo. Sabi pa nga niya maglaro daw muna kami bago pupunta sa school mo. Binigyan niya din ako ng chocolate."
Napa buntong hininga siya, saka tiningnan ang kapatid.
"Sa susunod James, 'wag kang sumama kani-kanino ah?"
"Ano ka ba ate. Ang tagal na nun."
"Kahit na. Basta mangako ka."
"Ok po. Promise!" anito saka tinaas ang kanang kamay.
Pinatay na nila ang t.v. at sabay na umakyat sa itaas para matulog. Hinalikan niya muna sa noo ang kapatid bago pumasok sa kwarto.
Samantala…
Nanginginig ang tuhod niya na umakyat sa hagdan na sobrang dilim. Wala siyang ibang makita kundi itim, kaya't sobra-sobra ang kaba niya.
Malapit na siyang maka-abot sa ikalawang palapag kaya rinig na rinig na niya ang mga boses ng taong papatay sakaniya.
Alam na niyang ito na ang kaniyang katapusan. Hanggang dito nalang ang kaniyang buhay.
Nanginginig ang kaniyang kamay na pinihit ang doorknob. Pagkabukas niyon ay natigil sa pag-uusap ang mga taong nasa loob at napatingin sakaniya.
"Oh, narito na pala siya." sabi ng isa at inapakan ang yosi.
"N-Nagawa ko na." nauutal niyang sambit.
Nagulat siya sa biglang pagtayo ng isa at hinampas nito ang mesa sa harap.
"That's good," tumatango nitong tugon. "Pwede ka na palang tapusin. Ang ingay mo eh." anito saka nagtawanan ang lahat. Tila mga demonyong ilang taon nang nakakulong sa impyerno.
- - - - - -
Elo! Feel free to comment your emotions 'bout this chapter.
Thanks for reading!
BINABASA MO ANG
Connected
Aléatoire"Hindi lahat na nakikita ng mata ay totoo. Dahil kadalasan, mapaglinlang ang kilos ng mga tao."