"Jane, san ka pupunta?" Tanong ni Jessa habang patuloy paring tumatakbo.
"Sumunod nalang kayo!" sigaw naman ni Jane at tinawid ang kalsada. Mabuti nala'y walang sasakyang dumaan.
Pagkarating sa kabilang dulo ng kalye ay agad niya itong linibot ng tingin, ngunit wala na roon ang kaniyang hinahanap.
"Geez! Pano 'to?" aniya at napasabunot sa sariling buhok. Nakaramdam siya ng mga titig kaya napalingon siya. Muntik na siyang matumba nang magtagpo ang kanilang mga mata.
"Ok ka lang?" tanong ni Laurynn at inalalayan siya. Sa sobrang pagtitig nung babae ay hindi namalayang nasa likod na pala niya ang kaniyang mga kaibigan.
"Ok lang ako. Salamat." aniya at bahagyang inayos ang damit. "Teka lang ah," aniya at naglakad palapit sa babae. Ito rin ang babaeng nakita niya kanina.
"Magandang umaga po," aniya at bahagyang yumuko.
"Anong kailangan mo?" naka taas kilay nitong tugon.
"Gusto ko lang po sanang magtanong?" may pagdadalawang isip sa kaniyang tono.
"Ano 'yun?"
"Kilala niyo po ba ang may-ari ng bahay na iyan?" tanong niya at tinuro ang nasusunog na bahay.
"Oo, bakit?" hindi pa sumagot si Jane. Dumapo ang tingin niya sa suot nitong uniporme. Base sa suot nito ay isa itong office worker. Ngunit ang nakapukaw ng atensyon niya ay ang logo ng aficionado na naka-imprinta sa suot nitong polo shirt.
"Ah, nais ko lang po sanang itanong kung ka anu-ano niyo siya?"
"Kaibigan," anito at napa half smile habang nakatingin sa nasusunog na bahay. Tiningnan niya ang suot nitong I.D.
Angelica Santos ang nakasulat roong pangalan.
"Ganun po ba? Sige po. Salamat." aniya saka naglakad na pabalik sa mga kaibigan.
"Sino 'yun?" tanong ni Laurynn.
"Angelica Santos." sagot niya at kinuha ang cellphone.
"Ma'am kailangan ka po namin dito. Pwede po ba kayong pumunta dito? Sige po." pagkatapos niyang tawagan ang kanilang guro ay nilagay na niya ang cellphone sa bulsa.
"Ano bang nangyari?" tanong nila kay Jane. Palakad-lakad kasi ito at hindi mapakali.
"Ang tagal ni Ma'am," agad siyang napatigil nang may humintong sasakyan.
"Ano'ng nangyari?" tanong nito pagkababa ng sasakyan. Sinalaysay niya sa guro ang lahat ng nakuha niyang impormasyon at plano. Agad naman itong pumayag kaya hindi na sila nag-aksaya ng oras.
Kinatok nila ang pinto at agad may lumabas na lalake mula dito.
"Sino kayo?!" tanong nito saka tiningnan ang pulis sa kanilang likuran.
"Kayo ho ba si Fernando Santos?" tanong ng mga pulis at naglakad palapit sa lalaki.
"Anong kailangan niyo sa 'kin?!" nagpupumiglas siya dahil may posas na ang kaniyang mga kamay.
"Sa presinto nalang po kayo magpaliwanag."
"Asawa niyo si Angelica Santos, 'di ba?" tanong ng pulis habang nakaupo ang suspek sa upuan sa harap ng mesa.
"Wala akong asawa na puta!" sigaw ng lalaki na umalingawngaw sa buong presinto. Nagkatinginan sila magkaibigan at mukhang iisa lang ang laman ng kanilang isip.
"May kinalaman ho ba kayo sa sunog na nangyari, Mr. Santos?" deretsang tanong ni Jane. Sigurado siyang si Fernando Santos ang nagpadala ng mga death note kay Ma'am Emilyn, dahil magkatulad ang amoy ng papel at ng suot nitong t-shirt.
Natigilan si Mr. Santos at ngumiti ng nakakatakot. "Kina Emilyn ba?" anito at mas lalong lumapad ang ngiti.
"Eh puta kasi ang babaeng 'yun eh! Kung hindi lang niya iniwan ang asawa niya, edi sana nasa akin pa ang asawa ko! Edi sana buhay pa ang anak ko!" napangiti si Jane pagkarinig nun.
"Salamat po sa pag-amin," aniya at kinuha ang paperbag. "Mukhang sa inyo po ang paperbag na ito. Baka naiwan niyo nung sinunog niyo 'yung bahay." aniya at binigay ang aficionado paperbag sa lalake. Natigilan ito't natauhan sa ginawa niya. Pinasok na siya sa loob ng selda ngunit patuloy parin siya pagpupumiglas at pagtanggi.
"Ang galing!" ani Jessa habang pumapalakpak pa. "Pano mo nalamang siya ang nag-sunog ng bahay?" tanong pa nito na nasa gilid niya.
"Na-amoy ko lang ang pabango niya nung nilapitan ko siya kanina, atsaka kanina nung nakita ko siya panay ang tingin niya kay Ma'am Angelica kaya nagduda na ako." sumakay na sila sa school bus dahil babalik pa sila sa paaralan.
"Astig!" ani Jessa at tinapik ang balikat niya.
"So, congratulations to Team 1, they solved the case." sabi ng principal pagkapasok nila sa silid. Naroon na ang lahat at sila nalang ang kulang. May binigay na paperbag sakanila ang principal. Tinanggap naman nila ito at nagpasalamat. Premyo daw iyon sa pagsolba nila sa kaso.
Alas singko na ng hapon at uwian na. Ni-lock na ni Teacher Analie ang pinto ng faculty room. Aalis na sana siya ngunit biglang dumaan sakaniyang harap ang taong matagal na niyang gustong maka-usap.
Hinawakan niya ang braso nito bago pa siya nito iwasan.
"What?!" bakas sakaniyang boses ang pagka-inis at pandidiri dahil hinawakan siya ng guro.
"Thank you." nakangiti paring tugń ni Teacher Analie.
"For what?!" Kinuha ng guro ang isang kahon na may laman na band-aid.
"For this." aniya. Napaikot ang kaniyang mga mata saka tiningnan ang guro.
"I gave that on purpose. And don't worry, magagamit mo rin 'yan." anito saka naglakad palayo. Malungot na lamang na tiningnan ng guro ang palayong naglakad na estudyante.
"I miss you… anak."
- - - - - - - - -
Thanks for reading!
Leave vote and comments below :)
BINABASA MO ANG
Connected
Random"Hindi lahat na nakikita ng mata ay totoo. Dahil kadalasan, mapaglinlang ang kilos ng mga tao."